Chapter 3

14 3 0
                                    

July 30 | Tuesday

Second period pa lang at tinatamaan na ako ng antok. Napagod ako sa training kaninang umaga. Parang halos lahat kami sabog but then again we were all kinda out of shape and medyo nasira body clock namin nung summer.

As much as I wanted to listen to the lectures and requirements, sobrang bigat lang ng mga mata ko. Half of the week pa lang naman and classes just started. I guess okay lang na petiks muna ako.

"....so starting next week I want you to memorize the preamble"

Ha?

"Also this is the textbook you will be needing..." My teacher shows the sample of the book, and he continues to state the different requirements for his subject as well as the grading system.

Ugh hindi ito ang teacher na pwede ko tulugan lang.

After that class, sunod-sunod yung mga teachers nagbibigay ng mga requirements, mga kailangan ng basahin or advance study. Yung isa nga na prof bigla nag introduction discussion sa subject. Naloka talaga ako ng slight sis.

As lunch finally arrived, I waited outside Kira and Pao's room since we were dismissed earlier.

I observed the hallways and bit by bit the hallways start to overflow with students. Still a weird feeling tho, last year ko na rin pala dito tapos graduate na.

Ano kaya gagawin ko after nun?

"Parang lalim naman iniisip mo diyan", someone tapped my shoulder and I looked, kasama ko pala 'to sa taekwondo.

"Uy Chris ikaw pala yan, nagulat ako"

"Ay sensya na... may hinihintay ka rin ba dito?" He asked me.

Hindi naman siguro weird bigla akong kinakausap nito, sabagay sa team din naman siya.

"Oo mga tropa ko rin"

"Ahh same same" sabi niya, bakit sobrang awkward bigla? Hindi naman kami masyadong close tapos bigla nalang niya ako kinausap. Bwiset siya ano na gagawin ko.

"Uy Kira..." I called her pagkalabas ng pagkalabas nila ng kwarto.

"Chris una na ako see you around" nagpaalam ako kay Chris and left the awkward atmosphere. I didn't even bother to wait for his reply.

Luh ano yun? Pati ako parang nakalimutan ko paano makipag usap sa tao. To save myself from more embarrassment, I walked further away from him.

"Alam mo ba ang ingay mo" sabi ni Kira sa akin sabay sapak. Tinignan ko lang si Pao at rineplayan nalang ako ng "Lasing kagabi si gaga..."

Inirapan ko lang si Kira nung sinabi yun ni Paolo. Parati nalang siya umiinom pag school night pero wala naman akong magagawa kung tapos na.

"Lakas mo talaga ha" piningot ko siya at umangal si Kira bigla.

"Wag ka nga Antenna" tapos sinapak niya ko ulit. 

That fucking nickname. Sobrang tino nung pangalan ko tapos yan nickname na ibibigay niya sa akin. 

Bago lalong gumulo buhay ni Pao inawat na kami. Pumunta kami sa Snack Bar at habang naghahanap kami kung ano pwede bilhin, naghiwalay kami ng sandali at dumiretso na agad kung saan kami umuupo malapit sa fountain.

"Musta naman klase niyo?" I asked them once we settled down and feel ko konti na lang ilalaklak ni Kira coffee niya.

"Okay lang, normal naman siguro" Pao shrugs and eats his takoyaki.

Celestial SoulWhere stories live. Discover now