Prologue

4 0 0
                                    

A/N: I'm not a professional writer, but I hope you will enjoy my work. Enjoy! 


"And the winner of Miss Mabini 2019 goes to..." wika ng host na hawak ang papel na naglalaman ng pangalan na nanalo sa patimpalak ng kanilang eskuwelahan, "The winner who will bring home a crown, a sash, and 15 thousand pesos goes to..." pambibitin ng host.

"Congratulations no. 8! Ms. Nixie Hermosa of class 11!" wika ng host at hindi naman makapaniwala ang dalaga dahil roon. Tumabi siya sa mga dalaga na nanalo rin ng 1st runner-up at 2nd runner-up. "Thank you, thank you so much." Wika naman ng dalaga dahil hindi talaga siya makapaniwala na siya ang nanalo. Ito ang una niyang patimpalak sa pageant dahil ang lagi lamang nitong sinasalihan ay mga contest na may kinalaman sa mga natututunan niya sa klase na hindi ginagamitan ng takong.

"Marami pong salamat. Thank you, thank you, thank you po talaga!" wika ng dalaga nang abutan siya ng isang bouquet ng bulaklak ng kaniyang guro. "You really did well, congratualations Nixie." Wika ng kaniyang guro at niyakap siya.

Tuwang-tuwa naman ang kaibigan nitong si Jem at nagtatatalon pa, "Ang galing mo Nixie! Best friend ko 'yan!" sigaw nito.


Matapos ma-congratulate ang mga dalaga na nanalo at sumali, in-announce na mayroong isang dance performance ang basketball team. At dahil roon, nagkagulo ang mga kababaihan sa kanilang eskuwelahan. Walang pakialam si Nixie roon ngunit nang pinapanood niya ang kaniyang sayaw, saka lamang niya napansin na sa isang tao lang siya nakatingin.

"Jem, sino 'yung lalaking nasa gitna?" tanong nito sa kaibigan na busy sa pagte-text sa kaniyang phone. Tinignan naman ni Jem sandali ang stage at binalik ulit ang pansin sa phone niya.

"Iyon ba? Captain ball 'yon ng basketball team. Si Zeus Sebastian Forner." Napatango na lamang ang dalaga sa nalaman niya. Para bang nalulunod siya sa tuwing pinapanood niya ang sayaw nito. At tila ba, may liwanag na nakapalibot sa binata at nagka-slow motion pa. Nakita niya ring napatingin ang kaniyang hinahangaan niya sa kaniya. Makikipagtitigan sana siya rito ngunit hinila na siya ng kaniyang kaibigan. 

"Tara na! May handa si nanay sa'yo sa bahay. Nasa labas na raw si tatay para sunduin tayo." Wika ng kaibigan. Nagpahuling tingin naman si Nixie sa binatang nagpabihag ng kaniyang puso sa sandaling panahon. 



And that's our very first meeting. Zeus, you will be my lighting. 

Red FlowerWhere stories live. Discover now