Chapter 2

2 0 0
                                    


"Can we meet? This is Zeus. Oh my god!" sabi nito at tumili, sumabay rin ng tili si Nixie natahimik na lamang silang dalawa dahil biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok roon ang tatay ni Jem. "Kayo talagang mga bata kayo. Akala ko kung ano na ang nangyari." Wika nito at sinaway sila. Humingi sila ng tawad dahil sa pagsigaw nila. Lumabas naman agad ang tatay ni Jem at saka hinampas ni Jem si Nixie ng una dahilan para kiligin ulit ito. "Haliparot ka! Ba't ka tinext niyan? Sumagot ka!" wika nito at patuloy pa rin sa paghampas.

"Ano ba wala akong ginawa! Talagang tinext niya lang ako!" sabi nito at binawian niya rin nito hampas ng unan. Naghampasan lamang sila ng unan hanggang sa may mapagtanto silang dalawa. "Teka may ni-reply ka na ba?" tanong nito.

"Teka, nag-reply na ba ako? Hala hindi pa!" sabi nito at hinanap ang cellphone nito sa kama. Nabitawan niya kasi dahil nga nagkulitan sila. Nang makita nila ang phone ni Nixie, magty-type na sana ito ng reply nang tanungin niya ang kaniyang kaibigan. "Anong ire-reply ko?" 

"Sabihin mo magkita kayo sa motel. Tapos magsuot ka ng—Aray! Nakararami ka na ng hampas ah!" sabi ni Jem at hinimas ang ulo nito dahil hinampas ni Nixie ng unan. "Gaga ka talaga! Hindi naman ako gano'n sa harap ng future boyfriend ko noh!"

"Ay wow! Instant ah?" wika ng kaibigan at tumawa pa. SInamaan ni Nixie ng tingin ang kaibigan dahil roon. "Joke lang! Eto naman hindi mabiro."

"Eh ano nga ire-reply ko?"

"Syempre tanungin mo kung bakit kayo mag-uusap. Tapos saka mo tanungin kung bakit. Tanga talaga nito." Kiniliti ni Nixie ang beywang ni Jem. Saka niya sinunod ang payo niya. Nang magawa na niya, nagreply agad ito kung kaya't nagtilian ulit sila. Ngunit tumigil rin dahil dinagdagan pa ni Zeus ang reply nito.


Can we meet? This is Zeus.

Hi! Sure, but why?


"Ay wow! Kulang na lang 'yung 'sure baby' ah." Natawa naman si Jem doon. Tumawa rin si Nixie dahil sa sinabi ni Jem sa kaniya. 

"Nailagay ko nga kanina, buti na lang napansin ko bago ko i-send." Wika ni Nixie at busy sa pag-abang sa reply ni Zeus, ang crush niya. 


Can we meet? This is Zeus.

Hi! Sure, but why?

Cool, can we meet at the park near our school?

I just want to tell you something. And I want to tell it personal to you.


"Aba! Doble ang reply 'yang crush mo ah." wika ni Jem at nahiga muli. Nabitin ito sa tulog dahil sa pambubulabog ni Nixie sa kaniya. Pipikit na sana ito nang tumili si Nixie. Agad kinuha ni Jem ang unan malapit sa kaniya upang takpan ang tenga niya.

"My ghad bhe! Maghanda ka na ng damit na sususotin mo para sa kasal. Bride's maid ka." Wika ni Nixie at tumili ulit. "Gaga! Makikipagkita lang kasal agad?" aniya ni Jem at agad tumayo sa kaniyang kama. Pinatayo niya si Nixie at itinulak papunta sa pintuan nito. "Uwi na! 'wag kang magsu-suot ng malaswang damit ah? Sa park kayo pumunta, okay? Update me later!" sabi nito at pinagsaraduhan ng pintuan si Nixie. Napailing an lamang si Nixie ngunit halata pa rin sa kaniyang mukha ang kasiyahan dahil ang matagal na niyang tinitignan sa malayo si Zeus ngunit ngayon, Malalapitan na niya at makakausap na niya ng harapan.


'Ano kayang su-suotin ko? Ay! 'yung red fitted na dress na lang na niregalo sa akin!' wika nito sa isip at saka masayahang lumulundag pa habang papalabas ng bahay.


Nasa labas pa lamang siya ng gate ng kanilang bahay ay rinig na ang videoke sa loob ng kanilang tahanan. Kasama ng kaniyang tiya ang mga kaibigan nito na chismosa at mga walang ibang ginawa sa buhay kundi mag-sugal. Dumaan siya sa tinatawag niyang secret entrance na siya pa mismo ang may gawa. Hindi ito napapansin ng kaniyang tiya dahil hindi naman ito pumupunta sa likurang bahagi ng kanilang bahay. At sinisigurado niyang hindi ito makikita ng kaniyang tiya. 

Dito siya dumaraan sa tuwing nandirito ang mga kaibigan nito dahil ayaw niyang maki-halubilo sa mga ito. Dahan-dahang dumaan si Nixie roon at dumiretso sa kaniyang kwarto. Nakita pa niyang magulo ang sala nila, napailing na lamang ito. 

Sa tingin ko magre-renta ako sa motel ah. Ayokong maglinis ng kalat nila. wika ni Nixie sa kaniyang sarili. Dahil sigurong siya ang pag-iinitan ng kaniyang tiya lalo pa't lasing ito. Ni-lock niya ang kaniyang kwarto at dumiretso sa cabinet niya at kinalat ang mga damit na susuotin niya sa pagkikita nila ni Zeus at ilang damit na kakailanganin niya para sa pagi-istay-an niya sa isang motel. Inihanda na rin niya ang uniform niya dahil binabalk niyang isang linggo siyang hindi uuwi sa kanilang bahay.


Akala ni Nixie ay nandirito na si Zeus dahil natagalan itong mag-rent sa motel na minsan na niyang napag-stay-an. Ilang minuto nang nakaupo si Nixie sa bench sa park malapit sa kanilang paaralan. Nakasuot lamang ng simpleng white off-shoulder na blouse, denim skirt at nude block heels. "Hays, ang tagal naman ni Zeus." Wika ni Nixie sa kaniyang sarili saka kinuha ang cellphone sa dala niyang bag na dala para sana mag-text kay Zeus kung nasaan na ito ng biglang may maglahad ng isang pulang bulaklak sa kaniyang harapan.

"Sorry I'm late. Flowers for you?" wika ni Zeus habang nakangiti ng matamis kay Nixie. At halatang hindi mapigilang kiligin kaya kinuha niya na lamang agad ang bulaklak at pasimpleng inamoy ito. "T-thank you, nag-abala ka pa." napakagat-labi na lamang si Nixie dahil nautal ito. Halatang kinakabahan.

"You're so cute. Let's go?" nilahad ni Zeus ang palad nito na kaagad namang kinuha ni Nixie. Hindi siya makapaniwala na nasa tabi na niya ang matagal na niyang gustong lapitan at may bonus pang hawak sa kamay. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Nixie dahil doon.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ng binata sa kaniya. "Kahit saan. Ikaw ang bahala." Nahihiyang wika ni Nixie, agad naglibot ang tingin ni Zeus sa paligid habang nakatingin si Nixie sa kamay nilang magkahawak.

Grabe! Akala ko simpleng 'hi, ako pala si Zeus. May itatanong sana ako sa'yo' pero naging ganito at may bonus pang hawak kamay! Yeng Constantino, pasok! wika ni Nixie sa kaniyang isip at hindi niya na namalayang tinatanong na pala siya ni Zeus.

"Hey, are you okay?"

"H-huh? May sinasabi ka ba?" agad nabaling ang tingin ni Nixie sa binata na hindi niya na napansing magkalapit ang kanilang mukha, ilang pulgada ang layo ng mukha nila sa isa't-isa. Agad napaiwas ng tingin si Nixie dahil naramdaman niya agad ang pag-init ng kaniyang pisngi at ang pakiramdam na tila may paru-paru sa kaniyang tiyan. Natawa ng marahan si Zeus.


"Alam ko bukas ang amusement park ngayon. You want to come?" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red FlowerWhere stories live. Discover now