1:7 Plan Z

314 22 8
                                    

Pangatlong araw na itong straight na nagmi-meeting kami for 10 minutes ng recess at 30 minutes naman pag lunch simula ng ma-elect si Z.

Wala naman kaming magawa dahil ayaw naming masermonan kay Ms. Rodriguez at kailangan na namin talagang maghanda para sa Nutrition Day.

Para maging organize ang lahat ay hinati ni Z ang class sa iba't-ibang groups. Group ng mga designers, mga Contestants at mga Leaders—grabe ang pagka-organized ng mga officers sa leadership ni Z.

Okay na sana ang lahat, pero umepal pa si Betty—isa siya sa mga super fan ni Waze. Pilit niyang pinipilit ang mga officers na gumawa ng grupo para imbestigahan ang suspension ni Waze. Siyempre nag-agree naman ang mga girls—nakakaasar sila!

"Sige Betty payag na kami, pero hindi naman pwedeng ikaw lang ang gumawa ng investigation. Kailangan mo ng kasama—sa tingin ko si Qwerty ang perfect na partner para tulungan ka."

"Bakit ako pa? Z naman, hindi naman kami close ni Waze."

"Hay naku Qwerty wag ka ng magpa-humble dahil alam naman namin na sa lahat ng mga tao sa room e ikaw lang ang close sa kanya. Una sa lahat ay seatmates kayo.  Pangalawa, simula nang na-suspend siya ay nagiba ang mood mo at pangatlo, na-group na namin lahat at ikaw na lang ang wala pang group kaya ikaw na ang tumulong kay Betty."

Sablay nanaman ako! Hindi lang sablay kundi ipit pa! Yun ba talaga ang tingin ng mga classmates namin saming dalawa ni Waze?

Pagdating ng lunch break ay kinausap na ako ni Betty para ma-resolve ang suspension issue ni Waze. Ang sabi niya ay kailangan daw naming pumunta sa may Grade 1 Room dahil halfday lang yung Grade 1 2 at 3. Kailangan daw naming kausapin ang mga Grade 1 students kung may alam ba sila sa mga nangyari noong araw na manuntok si Waze.

Pagting namin doon ay halos wala ng mga studyante at yung iba ay naghihintay na lang ng mga sundo nila—sinubukan namin silang tanungin kung alam ba nila yung nangyari, pero wala naman daw silang alam—kung sabagay, nangyari yung panununtok ni Waze noong uwian namin which means na wala na ang mga Elementary Students.

"Kuya, bakit niyo po tinatanong yung tungkol sa nangyari kay Kuya Waze? May nangyari po bang masama sa kanya?"

"Wala naman—ah... anong pangalan mo?"

"Michelle po at yun naman pong naglalaro ng lupa dun sa malayo ay si Michael siya po ang kakambal ko."

"Hindi ba kayo yung mga anak ni Ms. Susan sa may Registrars' Office?"

"Opo Ate—Ate ano po ba ang nangyari kay Kuya Waze? Bakit hindi na po siya pumupunta dito? Dahil po ba sinuntok niya yung bad girl?"

Tatanungin pa sana namin yung dalawa ng bigla silang tinawag ni Ms. Susan para kumain kaya ang hindi na namin sila natanong—ang nakakapagtaka ay sabi ni Michelle 'sinuntok niya yung bad girl' ang ibig sabihin e may ginawa yung babae na masama para suntukin siya ni Waze—pero ano???

Sa sobrang curious namin ni Betty ay pumunta kami sa may Guidance Office para tanungin kung sino yung babae na sinuntok ni Waze para kahit papano ay magkaidea kami kung anong klaseng babae ba yung sinuntok niya.

"—the bottom line is, hindi namin pwedeng sabihin kung sino yung sinuntok ng classmate ninyo dahil confidential yung information na yun. Kailangan naming protektahan yung babae."

Kahit anong pilit namin ay ayaw niyang sabihin. Buti na lang ay nakita namin si Z na naglalakad sa labas at humingi kami ng tulong sa kanya para sabihin ng Secretary ng office kung sino yung babae.

"Ma'am if you are protecting the girl, why don't you let us do the same with our classmate and friend. Ang ginagawa po ng mga classmate ko ay inaalam po nila ang totoong dahilan kung bakit basta na lang tinanggap ni Waze yung punishment niya ng walang sabi-sabi. Kaya please tell us the name of the girl. Please po."

"Hay... if you put it that way Mr. President of Section Courage. Please don't tell anyone okay? The girl who was punched was Michaila Montez."

Ano!? Tama ba ang narinig ko!? Si Ate Michaila ang sinuntok ni Waze!? E siya ang pinaka-maganda sa buong school at higit pa doon ay isa rin siya sa pinaka-matalino—pero teka lang... bakit sabi ni Michelle kanina na sinuntok ni Waze si Ate Michaila dahil bad girl siya. Hindi naman siguro magsisinungaling yung bata—naguguluhan ako! Kailangan kong malaman ang buong kwento!

Pagkatapos ng lunch break ay bumalik na kami sa room, pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung mga palaisipan sa nangyari kay Waze at Ate Michaila kaya buong klase ng afternoon ay lumilipad yung isip ko.

After ng last class ay pumuta sina Z at ang mga Officers sa Faculty office para i-report kay Ma'am yung plan ni Z para sa Nutrition Day at para ibigay na rin yung mga listahan ng mga representatives ng class.

Leaders: Z, Xan, Rose, Chen at Len.

Room Designers: Oreo, Silvia, Brit, Topey, Vic, Nix at Fred

Poster Making Contest: Cis

Essay Writing Contest: Kimpot

Nutri-Jingle Girls: Yuri, Ice, Riz, Laxie, Mers, Abcd at Nits

Impromtu Speech: Z

Mr. and Ms. Nutrition: Yvette at Rence

Napaka-reliable ni Z ngayong araw na 'to. Hindi nga nagkamali ang mga classmates namin na iboto siya, pero ang pinaka-malaking gulat sakin ngayong araw na 'to ay hindi ko man napansin na I'm genuinely helping Betty para kay Waze!

HSL: Highschool LifeWhere stories live. Discover now