Chapter 9

41 24 0
                                    

Bella.POV

Nakarating 'din ako sa apartment ko na lumilipad ang isip ko. Kinginang halik 'yun. Bat ba ako napunta sa lintik na bahay na 'yon. Sana pala iniwan ko siya nang isang suntok na hindi'ng hindi niya malilimutan.

Agad kong kinuha ang susi ko sa bag ko. Nang napansin ko na umawang nang kunti ang pinto. Bat naka bukas to? Baka nakalimutan ko lang i lock.

Pumasok na ako sa loob na parang lutang dahil sa nangyari kanina. Nakakainis! Ayaw na ayaw ko na nakawan ng halik nang hindi ko boyriend. Ang sarap niyang suntukin, barilin, hambalusin ang sarap niya'ng saktan. Kong hindi lang pamamahay 'yun kanina ko pa siya sinaktan at minura.

"Kiiinnnnggggiiinaaaammmoo!!!" Sigaw ko.

Naiinis ako sa kanya ang landi niya, katulad siya nang girlfriend niya'ng linta! Bagay na bagay talaga silang dalawa isang linta at isang magnanakaw nang halik combine togeter malandi.

"Ang sarap mong baril- Bat ka nandito?" Tanong ko.

Bat siya nandito? Pano niya nalaman na nandito ako nakatira? Stalker ko ba siya? Syempre hindi dahil galit siya sa mundo.

Bat ba ganyan ang mga pinsan ko parang kulang sa aruga o 'di kaya galit sa mundo. Pero siya nasa kanya 'yung dalawa ang tinutukoy ko. Galit siya sa mundo at kulang sa aruga.

"Dahil sinusundo ka." Walang gana niya'ng sabi.

Ganyan naman siya parati kong magsalita, parang kulang sa kain. Kong nagpunta siya dito para sabihin na alam na ni kuya nandito ako. Hahambalisin ko talaga siya. Hindi pa nga ako tapos mag isip sa lintik na presidente nang Uranggutan na 'yun at sasabay pa siya.

"Kanina kapa dyan?" Walang gana ko 'ring sagot. Anong akala niya siya lang marunong.

Tinignan niya ako nang salubong na kilay niya. Diba tama ako galit sa mundo eh, dinamay pa ako. Kong makatingin 'to sa'kin parang may ginawa akong mali ah. Magkapatid nga sila parehong salubong ang kilay.

"Actually yes," sagot niya. "Dahil naiinis na si kuya sayo kakahintay kagabi." Anak nang tikbalang!

Pumunta si kuya dito? At bakit naman, wala naman akong ginawang masama huh. Ginawa ko naman lahat nang makakaya ko para mag bago. Bat siya pumunta dito?

"B-bat naman pumunta si k-kuya dito?" Bat ba ako nauutal. Usapang kuya Kenzo na 'yun eh, tingin palang pamatay na.

"Can you stop asking." Ang sungit niya. "Packed your things now!" Aba kong makasigaw akala naman niya boss ko siya.

At bakit naman ako mag iimpake. Papalayasin niya ako, eh ako ang nag babayad sa apartment nato. Kong gusto niya nang apartment mag hanap siya, wag dito.

"Why are you not moving." Naiirita niya'ng sabi.

"At bakit naman ako mag iimpake?" Wag naman sana tama 'tong iniisip ko.

"Bahala ka sa buhay mo," bahala na talaga ako. "Si kuya nalang kaya ang papuntahin ko dito," sarkastikong tugon niya.

"Ito naman hindi mabiro." San ba talaga ako pupunta.

Wala na akong magawa kundi mag empake. Hindi ko alam kong sa'n kami pupunta. Habang nag eempake ako ay binabagalan ko ang pag kilos ko. Para mainip siya'ng kakahintay sa'kin. Bahala siya mainit ang pwet niya kakahintay sa'kin.

Bat niya ba ako sinusundo? Papabalikan na niya ba ako sa bahay ni lolo? Kong tanungin ko kaya siya, kong san kami pupunta. Syempre hindi ako sasagutin 'nun, susungitan pa siguro ako. Eh pinanganak 'yang kulang sa aruga dahil sa kasungitan niya.

Double BarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon