1

8 1 0
                                    

This book is dedicated to 4reuminct . She inspired me to write again.

And happy birthday, Victor! Salamat sa laging supporta and pagsubaybay sa works ko hahahaha *confetti*

----

Naghihintay kami ni Marge sa ulan para sa sundo niya. Kakatapos lang namin mag-review sa library.

"Grabe. Na-lowbat ako dun," sabi niya at umatras pa papasok ng waiting shed. "Haba naman kasi ng coverage."

Tumango ako. "Sinagad talaga eh. Di naman kasi nagpapa-quiz sa kalagitnaan ng mga lessons. Isang bagsakan talaga."

Terror talaga karamihan ng mga prof namin. Halos mangiyak-ngiyak kami four times a week.

"Asan ka na, pucha?" naiinis na tanong ni Marge sa kausap niya sa telepono. "Tatangayin nalang kami ng bagyo dito."

"Ulol, umaambon lang," sabi naman ng kausap niya.

Si Leo. Kuya ni Marge na kaka-graduate lang last year. Magna pa. Ah tsaka nagustuhan din ako dati. Pero ewan ko kung ano nalanghap ko at tinanggihan ko.

Ngayon ako na nagkakagusto. Kinakabahan pa ko na magsasama kami ulit ngayon since last year nung graduation niya. Ininvite ako ng mommy nila kasi well, "part of the family" raw ako. Buti pa sa mommy niya di ako rejected.

"Bilisan mo, fucker," sabi ni Marge at binaba na ang tawag. Tumingin ako sa kanya nang sinundot niya bigla yung tagiliran ko. "Okay ka lang? Baka kinikilig ka na jan."

Alam ni Marge yung nararamdaman ko. Alam din niya na balak akong ligawan ng kuya niya dati. Pero di ko alam kung bakit di niya alam na tatanga-tanga akong tinanggihan siya at hindi man lang pinatatak sa kokote ko na sobrang mali ako dun.

Sobrang mali!

Pero wala na ako magagawa kaya nagbikit-balikat nalang ako. "Wala na yun. Tagal na."

Hindi na talaga tatangos ilong ko.

Tumawa siya na parang di naniniwala. "Hmm okay. Parang medyo joke lang yan pero sige. Kunyari totoo." Tumawa pa siya ulit.

Inirapan ko siya. "I'm so over him," sabi ko at inartehan pa.

"Lul. Wag ako. Pero may jowa na rin yon. Ewan ko kung paano niya nagawa yun."

Argh. Edi wow!

Pucha! Okay. Wala na kong magagawa! At surrender na ko! Tae, tanga-tanga, Kia!

"Gwapo kaya kuya mo," sabi ko nalang. At totoo naman. "Imposibleng di magkakajowa yun."

Sa paguusap namin di namin naabangan yung puting Innova ng parents nila ni Marge. Huminto na sa harap namin si Leo. Bumaba yung bintana para batiin kami pero imbis na siya, yung lalaking kanina ko pa iniisip para kiligin, isang babaeng napakaganda at gusto kong sabunutan at mag-sorry kasi ang ganda ng buhok niya na para bang dapat di madapuan ng kahit ano ang sumalubong samin.

Who the fork?

Tangina. Girlfriend niya for sure.

"Uy! Sorry medyo natagalan! Your brother kasi wanted to stop pa for coffee and muntikan na pero buti napigilan ko! Haba pa naman pila sa drive-thru!" sabi niya at lumabas, nagbukas ng payong. "Let's go! Mukang lalakas pa yung ulan!"

Pero di ako makalakad. Di ako makaalis sa waiting shed. Tumakbo na si Marge at nabasa ng onti pero nakasilong din agad sa ilalim ng pulang umbrella na rinegalo ko pa kay Leo nung nakita kong basaan siya pagkauwi niya mula sa tutoring session niya nung high school. Sakin yan. Binigay ko sa kanya. Pero ngayon, iba na naghahawak.

Pangarap At Ikaw Where stories live. Discover now