4

3 0 0
                                    

"Good morning, good morning!" bati sakin ni Selena sa driver's seat nang sumakay ako sa likod. Iniwan ko muna yung bike ko sa garahe nila. Nasa harap naman si Marge at busy i-connect yung phone niya sa kotse. "Long time no see ah!"


Nginitian ko siya at nagsuot na ng seatbelt. "Busy eh. Pero mukang kayo ni Marge nakakapagkita naman. Di lang nagsasabi tong isa," tiningnan ko ng masama si Marge.


"Bakit? Selos ka?" supladang balik niya sakin. Sinabunutan ko siya.


Nag-drive thru muna kami sa Starbucks nang kulitin siya ni Marge. Hindi na ako umorder dahil hindi naman ako mahilig sa ganoong drinks.


"What about pesto?" pagpupumilit ni Selena kahit na nakalabas na kami ng drive-thru lane. "We can go back."


Tumawa ako. Determinado siya ah. "Wag na. Baka ma-late pa tayo."


At muntikan pa nga kami ma-late ng tuluyan dahil nag-McDo drive-thru pa tong dalawa. Halos mapasigaw ako sa stress at frustration dahil parang chill chill lang sila na less than 10 minutes nalang ang meron kami bago kami ma-late.


"Pucha, di na ko sasabay sainyo," sabi ko kay Marge habang tumatakbo kami papuntang second floor.


"Edi wag! Bahala ka mag-bike jan!" balik naman niya. Nakakalimutan ata niyang may public transportation. At may iba pa naman akong kaibigan.


Na nakatira ng malayo.


Pucha, mga PG kasi to tapos wala pang pakialam sa oras.


Nagpintura ulit ako ng mga signs at nagpalobo ng mga balloons para sa fair. Hindi ko alam kung bakit pinagawa na samin yun agad eh baka di naman magkasya yun sa stock room.


Lumipas ang linggo na wala namang special na nangyari. Nagayos at nag-prepare lang para sa fair. Muntikan lang ako ako makatapak ng pako pero buti nalang nakita ko at the last second. At nag-message lang si Leo ng offer noong Thursday na susunduin niya raw ako sa Biyernes para makatipid.



To: Alleo Sean Perez
2:58 pm

Okay sure

Salamat



Kunyari di ako excited.


Nagreready na ako ng camera gear nang maalala ko na mas maaga pala ako pupunta kaya hindi rin ako makakasabay sa kanila. Tutulong din ako sa pag-set up ng mga booth at gusto rin ng SC president namin na may behind-the-scenes pictures ako.



To: Alleo Sean Perez
2:38 pm

Hey sorry ang gulo pero maaga pala ako pupunta sa campus hahahaha

Tutulong ako sa pag-set up

Di na ko makakasabay. Sorry sa confusion hehe

Pangarap At Ikaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon