3

5 0 0
                                    

Paano napunta doon?!


"You're baking cookies?" excited na nagtanong si Jaime at sumilip pa sa oven ko. "Wow! Chocolate chip!" Namimilog yung mga mata niya sa tuwa.


"Sorry," Mark mouthed apologetically.


Tumango lang ako at ngumiti habang naglalabas ng mga pinggan at tableware. Ayoko ng gumagamit ng plastic fork and knife kasi waste pa yun. Kaya ko naman maghugas.



To: marge cells

6:39 pm

Hello for some reason andito kuya mo at tropa niya

Punta ka pls



Nakaupo ako ngayon sa kama ko, nagtatago. Naririnig ko lang sila na nagaaway doon tungkol sa project sa deadline nila.


"We still have tons to do!" bulong ni Mark. Mukang tinatago pa yung lover's spat nila pero rinig na rinig ko naman.


"Kaya ko yan! Ako na gagawa ng mga dapat tatapusin ngayon!" balik naman ni Jaime na parang walang pakialam.


Nag-notif yung phone ko.



From: marge cells
6:42 pm

HAHAHAHAHAHAHAHAHA WELP BALA KA JAN



Sinamaan ko ng tingin yung text niya. "Argh!"



To: marge cells
6:43 pm

May pizza. Pumunta ka na dito gago



From: marge cells
6:44 pm

ano akala mo sakin? kaya makumbinse gamit ng pagkain?



At tama ako. Dumating si Marge saktong pagkatapos ng cookies ko. Linabas ko ang tray at linagay ang mga freshly baked cookies sa cooling rack.


"Pwede na ba?" tanong ni Jaime na linapit pa ang muka sa mga cookies na sumisingaw ang amoy.


I shrugged. "Kung gusto mo mapaso dila mo, go."


Tinawanan siya ni Mark. "Please. Gawin mo. Kumain ka ng madami basta dapat di ka na nakakasalita."


Tinapunan siya ni Jaime ng sarcastic look. "Ha-ha ang funny mo." Tumawa siya bigla ng napakalakas at plastik. "Sobra."


"Daming satsat! Kakain na ko!" Nanguna na si Marge sa pagkuha ng mga square slices na may mas maraming toppings.

Pangarap At Ikaw Where stories live. Discover now