BEGIN

224 8 21
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

《AUGUST 14, 8:30 AM》

"Miss Ashley, meron kayong meet up ngayon with Justin" ani ni Weedad sa boss nya.

Isa syang personal assistant ng isang rising star ngayon at aminin nya, nahihirapan syang maging PA nito dahil ang daming reklamo at hindi maganda ang ugali. Ibang iba sa pinapakita nito sa telebisyon. 

Napatingin naman sakanya si Ashley—yung mga tingin na mataray.

"Justin De Dios?" Ani nya, tumungo naman si Weedad—agad na nag liwanag ang mata ni Ashley. Paano naman kasi, isa si Justin sa pinaka sikat na artista ngayon. Ang gwapo nya pa at talented.

Tumili-tili naman si Ashely dahil sa kilig habang umirap ng patago si Weedad. Bigla namang natigilan si Ashley sa pag titili nung may naramdaman syang lumabas sa ilong nya.

Agad nya tong pinahid gamit ang kamay nya at agad nya ring napansin ang dugo.

May tumutulo na dugo sa ilong nya.

Agad syang natigilan at tiningnan ng puno ng takot ang kamay nya may bahid ng dugo. Nag-patuloy lang ang pag labas ng dugo sa ilong nya at pumatak na ang iba sa sahig—doon na sya napa sigaw sa takot.

Agad na tumingin sakanya si Weedad at nanlaki ang mata nya.

Nag tama ang tingin ng dalawa at bakas ang takot at kaba sa mga mata nila.

"Miss Ashley!" Taranta ni Weedad.

"W-what's happening!?" Iyak nito, agad naman syang kinalma ni Weedad at pinaupo sa malapit na upuan. Tarantang kinuha ni Weedad ang isang box ng tissue at agad itong pinahid sa ilong ng babae. Agad naman din itong naging pula—hindi tumitigil ang pag agos ng dugo sa mismong ilong ni Ashley kaya natakot na si Weedad.

Ano ano na ang tumatakbo sa utak ni Ashley. Ilang araw narin kasi syang walang matinong kain dahil sa kaka diet nya para makuha yung role na ginaganapan nya ngayon. Sulit naman dahil nakuha nya kaso lang mukang mas magiging mahigpit ito dahil kailangan nyang i-maintain ang ganyan katawan ng ilang months. Kaya mas naging marahas ang diet nya ngayon. 

Dahan dahan namang nanghina si Ashley, parang ano mang oras ay pipikit na ang mata nya. Umikot na ang paningin nya sa paligid at parang bigla nalang syang hindi makarinig. At doon nga, bigla nalang sya nawalan ng malay at nahulog sa mismong upuan at bumagsak as sahig.

Parang napako si Weedad sa kinatatayuan nya at puno ng takot na nakatingin sa artista.

"WHAT THE FUCK!" Malakas nyang mura.

《8:30 AM–SAME DAY》

Inis na napakamot ng ulo si Justin at bumaba sa kotse nya at nag lagay ng mamahaling glasses. Napatingin naman sya sa paligid at napahinga ng malalim nung nakita nya na walang mga fans dito.

Napatingin sya sa harap nya —isang mataas na apartment building.

Ano nga ba ang ginagawa nito dito?

Well, inutusan sya ng manager nya na bisitan ang co-actress nya sa apartment building. Hindi nya nga alam ang dahil  pero sumunod nalang sya kahit labag sa kalooban nya.

APARTMENT [SB19 FF] Where stories live. Discover now