A: 2

34 1 2
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Sobrang lalim ng paghinga ni Josh ngayon, pakiramdam nya ay hihimatayin na sya sa takot ano mang oras.

Andito sya ngayon sa ilalim ng kama nya nag tatago dahil sa takot. Hindi nya alam anong gagawin nya, hindi nya rin alam kung totoo ba ang nakita nya o isang lang ilusyon. Masyado naman kasing imposible yung ganoon.

"J-josh...b—baka...kulang kalang sa tulog" pagkakalma nya sa sarili nya. Hindi rin kasi maayos ang tulog nya dahil sa kakalaro ng online games at lalong hindi na healthy ang kinakain nya kaya siguro nakakakita na sya ng ganoon. Dahan naman syang lumabas sa ilalim ng kama nya, nanginginig pa nga ang tuhod nya dahil sa takot. Huminga sya ng malalim at pumikit ng mariin sabay sabi sa sarili na guni-guni nya lang yon.

Dinilat nya naman muli ang mata nya sabay tingin sa computer nyang naiwan na naka bukas at katabi nito ang box ng pizza. Bigla namang kumalam ang sikmura nya sa oras na nakita nya ang pizza. Napa buga nalang ng hangin si Josh at nag tungo doon sabay bukas sa pizza at kumuha ng isa. Walang gana naman syang naupo sa upuan nya sabay kagat sa pizza. Nilapag nya ang kamay nya sa mouse ng computer nya sabay punta sa laro nya.

Mag lalaro nalang sya para makalimutan nya.

Agad nya namang narinig ang pag welcome sakanya ng laro. Napatingin sya sa chat section ng laro nila at napakunot ang noo sa pagtataka dahil sa mga conversation ng mga kalaro nya.

[User1: dre, nakita nyo ba
yung balita?]

[User2: gago, oo! Ano yun?
totoo ba yun?!]

[User3: ano meron?]

[User4: nagkakagulo sila
ngayon sa mall. Merong
kakaibang nilalang ang
sumusugod doon]

Agad na natigilan si Josh sa nabasa nya. Binitawan nya ang pizza na hawak nya sabay type sa keyboard.

[Cullen: kakaibang nilalang?]

[User1: oo dre, tingnan
nyo sa balita. Grabe talaga
nakakatakot]

[User3: nag kalat rin
sa Facebook ang video]

[User2: tangina, ano yun!?]

Nanatiling nakatulala si Josh sa screen, yung tipong halos nakikita nya ang sarili nyang repleksyon sa screen nya. Hindi nya magawang kumilos, ano ano ang tumatakbo sa utak nya ngayon.

Pinilit nyang igalaw ang mga kamay nya at nagawa nya naman. Puno ng kaba at takot syang pumunta sa Facebook nya. Parang ang bagal ng takbo ng oras para sakanya habang naga scroll sya, napa awang naman ang bibig nya nung sunod sunod na lumabas sa feed nya ang mga post tungkol sa mga hindi maipaliwanag na halimaw. Video, pictures at iba pa.

Puno ng takot at pagtataka ang laman ng Facebook nya ngayon na hindi lang naman nakatulong sakanya.

"Anong meron..?" Mahinang nyang tanong sa sarili nya. Dahan dahan syang napatingin sa pinto nya.

Dahan dahan na tumakbo sa utak nya ang lahat. Yung pag iba ng anyo ng babae hanggang sa pagkalampag nito sa pinto nya.

Tumayo si Josh at puno ng takot na nag lakad patungo sa pinto nya. May gusto syang siguraduhin, gusto nyang makita kung totoo ba talaga na nangyari yun.

APARTMENT [SB19 FF] Where stories live. Discover now