Chapter 12.2

795 46 13
                                    

***************

Yuri's POV

Sa unang acting at bitaw ng linya namin ni Luhan.. una na mental block ako, dahil nakatitig lang sya sakin , nabura ata lahat ng kinabisado ko ~>_

Nag inhale exhale lang ako at - magic! Naalala ko na lahat lalo na't nginitian ako ni Luhan.

Pakiramdam ko ang saya saya ko sa ginagawa ko, na kapartner ko si Luhan. Dahil kahit isang beses nangyari to sa buhay ko.

Kapag nagpapalitan kami nang matatamis na salita ni Luhan naghihiyawan ang mga audience at nagpapalakpakan. Kaya lalo akong naiinspired na galingan pa lalo sa pagarte hanggang sa pagtapos.

~

Sa wakas, patapos na ^^.

Mukang maganda naman ang kinalabasan ng lahat.

Walang nakalimot ng lines, walang nagkamali sa pag acting. Everything seems successful. Ending nalang ang hinihintay.

Hinawakan na ko sa kamay ni Luhan para magawa na namin yung ending. Pag hawak nya sa kamay ko umikot ako sa bisig nya at nang magkadikit na kami, lumiyad ako at sinalo ni Luhan ang likod ko.

Nagpalakpakan ang lahat at nag standing ovasion pa pero ----

May hindi inaasahang nangyari.

Dumulas yung heels ko at napabend ako ng sobra, muntik na kong mabitawan ni Luhan pero hinabol nya ang pagbagsak ko at sa hindi inaasahang pangyayari.

Sa isang iglap...

Nawala ang FIRST KISS ko Q_Q

Lumapat ang labi ni Luhan sa labi ko. Hindi ako makagalaw, parehong nanlalaki ang mga mata namin dahil sa gulat na ekspresyon.

Lalong lumakas ang tilian ng mga tao, at nagsimula nang mag flash ang mga camera.

"Luhan?" Napalingon kami ni Luhan nang marinig namin ang boses ni Chorong,

Tinulungan akong tumayo ni Luhan.

Lumingon ako sa direksyon ni Chorong, umiiyak sya. Kasalanan mo to Yuri! Bakit kasi ang tanga tanga mo lumiyad, bakit ka pa kasi nadulas?

Habang nakatingin ako kay Chorong, nakatulala lang ako, hindi parin ako nahihimasmasan sa pagnakaw sa first kiss ko.

Tinignan ko si Luhan. Nakatingin sya kay Chorong. Bakit parang sakanya, wala lang yon? Balewala lang na napunta sa kanya ang first kiss ko?

Tumakbo ang prinsesa, ang TUNAY NA PRINSESA, hinabol sya ng PRINSIPE. At iniwan ang PEKENG PRINSESA na nakatayong mag isa sa stage. Umiiyak. Habang nakatingin sa kanyang prinsipe na hinahabol ang tunay nyang prinsesa.

Tumakbo ako back stage, habang umiiyak. Nagmuka akong tanga sa harap ng maraming tao!

Pumasok ako sa dressing room, ako lang mag isa. Nakaharap sa salamin at humuhulas ang make up. Tinanggal ko ang koronang nakalagay sa ibabaw ng ulo ko kanina.

"Hindi ikaw ang prinsesa nya!" Sabi ko sa salaming kaharap ko

Tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko habang umiiyak.

Sinilip ko kung sino ang humihimas sa likod ko, si Kai
"Ssshhhh.. it's okay"

"/sniff/ Ang tanga /sniff/ tanga ko Kai /sniff/"

"Sssshhhh. No its not your fault" sabi ni Kai at niyakap ako. I hugged him back. I need a person to comfort me.

And that's Kai. Umiyak lang ako ng umiiyak sa balikat nya. Hindi ko nga alam baka may sipon na sa damit nya eh. At hindi ko rin alam kung ano talaga ang dahilan ng pag iyak ko.

[EXOSHIDAE] Big mistake- ft. YULHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon