#SS1-THE MEET UP

23 6 7
                                    

“THE MEET UP”

Minsan ka na bang nasaktan? Napag-iwanan? Naging luhaan? At napaglaruan ng tadhana?

Kung "Oo" ang sagot mo, maswerte ka.

Bakit?

Kasi ako madalas, hindi minsanan kundi kadalasan.

Gano'n ba ako kamalas? Gano'n ba ako makasalanan para makaranas ng ganito?

Ako si Dei, ang babaeng laging iniiwan, pinaglalaruan, at sinasaktan ng mga lalaki.

Ganda ko diba?

"Mga lalaki."

Oo madami sila.

Sa edad kong 25 years old, nasa 20 na atang lalaki ang nasaktan ako. Sabihin niyo ng malandi ako, pero oyy! Tao rin po ako at nagmamahal lang. Ang iba ay seryoso kong nakarelasyon, ang iba trip ko lang pero masakit pa rin mapag-iwanan.

"Ang hindi mapili."

Isa akong tourist guide kaya madami akong nakikilalang tao sa bawat araw. Iba't ibang lugar na rin ang napuntahan ko. Pero dito talaga sa Italy ang pinakagusto ko. Kakaiba ang pakiramdam ko sa tuwing bumabalik ako rito.

Sa ngayon dito ako ulit magtatrabaho. At ngayong araw mukhang madami akong ipapasyal pero isang tao ang nakapukaw ng atensyon ko.

Lalaki, oo lalaki na naman. Gwapo kasi eh may dimple hihihi. Siya nga ang lagi kong tinatapunan ng mata tuwing mage-explain ako ng mga lugar na napapasyalan namin. Sana hindi niya mapansin na napapadalas na ang tingin ko sa kaniya. Ang ganda ng katawan, sakto lang ang height, gwapo, sobrang ganda ngumiti, at mukhang mabait pa.

Lord siya na ba si The One? Sana naman siya na! Ang pogi ihhh!!

So back to work nako, mamaya na uli ang landi.

Natapos ko na silang i-tour sa mga magagandang lugar dito sa Italy at mukhang lahat naman sila ay nag-enjoy. Nginitian ko silang lahat bago ako magpaalam.

Isa-isa na silang umalis ngunit itong si Kuya Pogi eh nakatayo lang sa harap ko.

"Uhm... I will go now, thank you for choosing Italy to visit. Bye—" 

"Ilang taon ka na nagtatrabaho as Tourist Guide?" agad nyang pinutol ang sasabihin ko.

Nagulat ako kasi Pinoy pala siya! Akala ko foreigner eh kasi ang puti niya, as in.

"Uhm... more than 3 years narin. Pinoy ka pala?" sagot ko.

"Hmm okay. Yes Pinoy ako. Saan ka sa Pilipinas?"

"Sa Cavite. Ikaw?"

"Laguna."

"Oh okay." Awkward kong sagot sabay ngiti.

"May gagawin ka pa ba?" tanong niya.

Omggg! Ito na ba 'yon Lord? Magkakajowa na ba ako na mamahalin ako ng totoo sa mahabang panahon? Siya na ba??

"Wala naman na. Bakit?" pabebe kong tanong.

"P'wede ba maglakad-lakad tayo saglit. Kwentuhan lang. Gusto ko lang ng makakausap ngayon. Libre na rin kita ng dinner as my pay to your time." Nakangiti nyang sabi.

Ang Pogi!

"Uhm okay. Sure."

"Thank you. So lets go?"

Tumango nalang ako at tinago ang kilig.
Naglakad-lakad kami at pinagkwentuhan ang bagay-bagay about sa buhay.

Siya si Richard, 28 years old na pala siya. 'Di na ganon kalayo ang agwat namin. Pwede na rin. Architect pala siya sa Pilipinas at nandito siya sa Italy para magbakasyon at makapagpahinga sa mahaba niyang project.

Jojowain ko na talaga to! Swerte ko rito may bahay na agad ako! Architect eh!

Katatapos lang ng dinner namin at napag pasyahan naming magpalitan ng number. Sobrang saya ng puso ko habang pauwi sa hotel na tinutuluyan  ko.

Ito na talaga yon! Ramdam ko na! Thank you Lord!!

Kinabukasan nakatanggap ako ng text galing sa kaniya, nag 'Good Morning'. Lalo tuloy naging good ang morning ko!!
Pero teka kailangan ko munang mag-ayos para sa next batch na itutour ko, kailangan ko munang kumita mamaya na ang harot-harot na 'yan.

Masaya kong naigala at nabigyan ng information ang mga taong nakasama ko ngayong araw.

Medyo napaaga kami ng tapos ngayon dahil kakaunti lang naman ang napuntahan namin.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at laking gulat ko nang makita ko si Richard na nakatanaw sakin, nakaupo siya sa isang bench malapit dito sa park.

Kumaway ito sakin at sinabing lumapit ako sa kaniya.

Agad na lumawak ang ngiti ko at lumapit sa kaniya.

"Hey. You're here again?" tanong ko at naupo sa tabi nya.

"Yeah. Pumunta ako dito gusto ko lang matanaw 'tong dagat na 'to. It really gives me peace." Nakangiti niyang sabi sakin at tinignan ang dagat sa harapan namin.

Suuss kunware pa, 'yung dagat daw eh?! Ako lang naman talga ang gusto niyang makita, nako Richard!

Feelingera ko diba? Gaya ka, para hindi lang ako feelingera rito haha.

Halos ilang minuto kaming tahimik at nakatanaw lang sa magandang tanawin sa harapan namin.

Bigla akong napatitig sa mukha niya. Mukhang mas maganda ata 'tong tinitignan ko ngayon. Napangiti na lang ako sa sariling kalokohan.

Bigla siyang lumingon sa'kin at tinitigan ako sa mata. Omg ito na, aamin na 'to na may gusto sakin!

"You know. They said, it's really hard to move on. And I guess that's true," biglang sabi niya na kinawala ng ngiti ko.

"Huh?" Kunot noo kong tanong.

"Broken hearted ka?" alalang tanong ko ulit dahil ngumiti siya ng mapait at tumitig ulit sa dagat.

"Yes. My fiancé rejected my proposal to her. Hindi ko alam kung bakit 'di nya tinanggap. Ang sakit lang."

God! May fiancé na pala! Sayang! Sana ako na lang fiancé eh! Oo agad sagot ko! Ang tanga ni Girl!!

"Maybe may mas deserve ng proposal mo..." sagot ko ng halos pabulong.

"Baka ako," sabi ko sa sarili ko at nayuko.

"I don't know," sagot niya at natahimik ulit kaming dalawa.

Akala ko Jowa na, Hopia parin pala.

End.

×××××

Kain tayo Hopia!! HHAHAHHA

MISS KO KAYO HEHEE

All These WordsWhere stories live. Discover now