Kabanata1

1 1 0
                                    

Sa upuan sa ilalim ng puno, naka upo ang isang babae habang tutok na tutok na nagbabasa ng libro.

Maganda.

Makinis.

Maputi.

Sexy.

Matalino

At babaeng babae.

Pero hindi yan ang ating bida.

Sa gitna ng hallway.

Sa ilalim ng tirik na tirik na araw.

May isang babaeng...

Magulo ang pagkakatali sa buhok.

Hindi maayos ang pagkakasuot ng uniporme.

May bandage pa sa ilang bahagi ng katawan.

Pawis na pawis at lumilitaw na ang mga patubong pimples sa mukha.

At abala sa pag-pupush up habang ngumunguya ng bubblegum.

"Three hundred ninety seven..."

Wika pa nito sabay angat sa katawan.

"Three hundred ninety eight..."

Muling pagbibilang at walang pakielam sa mga estudyanteng dumaraan at napapatingin sa kanya.

"Three hundred ninety nine..."

Walang kapagurang pang angat at pagbaba nito sa katawan nya.

"Four hundred!"

At ng sa wakas ay natapos nito ang pagbibilang ay agaran itong tumayo at hinablot ang lalagyan ng tubig na nasa tabi nya saka tuloy tuloy na nilagok ang laman nito.

Tila ba tigreng uhaw na uhaw, sinimot at ninanamnam nya ang bawat butil ng tubig na dumadaloy sa ngala-ngala nya.

At nang sa wakas ay maubos nya ang isang bote ng tubig ay tumayo sya saka pumormang magshoshoot ng bola na animoy isang basketball player.

At swabeng swabe nya'ng itinapon sa basura ang bote.

Boom. Lusot!

Maangas tong ngumisi at pinunasan ang basang labi saka pinulot ang backpack at isinukbit sa kanyang balikat.

"Shit! Ang angas ko!"

Papuri pa nito sa sarili bago naglakad patungo sa kanyang classroom, walang pakielam sa mga matang nakatingin sa kanya na puno ng pandidiri.

Napapangiwing napapatigin sa kanya ang mga kakababaihan at binabae sa paaralan.

Pano ba naman.

Sabog na buhok,pawisang mukha at ang nakabukas na blouse kung saan sumisilip dito ang puting t-shirt pati narin ang jogging pants na pinatungan nya ng skirt.

Ani niya ay nakakadagdag daw ng angas kapag bukas ang lahat ng butones ng blouse nya at nakikita ang puting t-shirt na panloob nya,samantalang masyado daw maiksi ang skirt ng paaralan kaya naman nagsuot sya ng jogging pants sa loob nito.

At siyempre hindi din mawawala ang itim niyang rubber shoes na pinagbabawal ng paaralan.

Pero dahil sadyang pasaway ang ating bida, kahit labag sa patakaran ng paaralan ay sige parin ito.

Katwiran nya ay mas maganda daw magsuot ng itim na rubber shoes kaysa puti na syang pinapaburan ng paaralan dahil hindi daw makikita ang dumi.

Matatalim naman na tingin ang binibigay sa kanya ng mga kalalakihang nakakasalubong nya.

That Promdi Badass Heiress (Ongoing)Where stories live. Discover now