Kabanata2

0 1 0
                                    

Sabado. Araw kung saan maghahanap ng panibagong raket si CJ. Natanggal kasi siya sa club na pinagtatrabuhan niya dahil binugbog niya ang isa sa mga customer na hinipuan siya. Ala singko palang ng umaga ay gising na siya. Naglinis sa apartment niya. Nagluto ng almusal niya at Naligo. Mag-isa na lang ngayon si CJ matapos mamatay sa sakit ang lola niyang nag-alaga sa kanya. Kaya naman todo kayod siya para may makain at may pangtustos sa pag-aaral niya. Kahit naman may pagkarebelde at barumbado tong si CJ ay di mapagkakailang matataas ang marka niya.

Ala sais. Ikinandado niya na ang apartment niya at bumaba. Ngunit nasa ikatlong baitang palang siya ng hagdan ng marinig niya ang boses na ayaw na ayaw niyang marinig.

"Aba't! Wala ba kayong planong magbayad?!" Rinig niyang sigaw ng isang galit na tinig. Dahan dahan siyang sumilip. Nakita niya si Aling Marites—ang may ari ng apartment na inuupahan nila.

Naku! Araw pala ng hulugan ngayon. Pano na yan? Wala pa akong pambayad.

"Aling Marites naman, sa susunod na buwan na lang ulit wala pa akong maipapambayad sayo ngayon" wika ni Dyosabel—isa din sa mga nangungupahan dito. Baklita ito. At nasisiguro ni CJ na napunta lahat ang pera nito sa mga lalake kaya walang maipambayad ngayon.

Ito na nga bang sinasabi ko! Gastos ng gastos sa mga lalake niya tapos ngayon ay ni kusing walang maipapambayad!

"Naku! Donito! Patong patong na ang bayarin mo! Dapat sa susunod na buwan ay mabayaran mo na lahat ng balanse mo sakin!" Gigil na sigaw ni Aling Marites kay Dyosabel. Samantalang napangiwi naman Si Dyosabel, dahil tinawag siya ni Aling Marites sa pangalan nito.

"Salamat Aling Marites, ang ganda ganda niyo talaga!" Pambobola pa ng baklita sa kanya. Na mukha namang pinaniwalaan ni Aling Marites.

" Naku, ano kaba. Inborn na yan! Alagang Luxxewhite." Sabay na napangiwi si CJ at Dyosabel sa sinabi nito.

Uto-uto.

"Andyan ba si CJ? Dalawang buwan ng hindi nakakapagbayad ang batang yon!" Napalunok si CJ. Lagot na naman siya siguradong pipingutin siya ni Aling Marites ng malakas. Napangiwi't napahawak siya sa magkabilang tainga dahil sa naisip.

Aray...

"Nasa taas po tulog pa yata. Akyatin nyo na at bulabugin." Wika naman ni Dyosabel.

Put*ngina mong baklita ka! Lagot ka mamaya sakin!

"Ganun ba, O siya sige maiwan na kita dito at nang mapuntahan na ang batang yun. Yung balanse mo ha! Kapag sa susunod na buwan at di kapa nakabayad. Mag-impake kana!"

"Oo na po."

Nang makita ni CJ na paakyat na ang matanda ay dali-dali siyang bumalik sa kwarto niy. Inilock niya ang pinto saka binuksan ang bintana.

"CJ! Buksan mo tong pinto at magbayad kana!" Rinig niyang sigaw at katok ng matanda.

Naku! Aling Marites wala pa akong pambayad ngayon. Maghahanap pa ako ng raket kaya pasensyahan na lang muna tayo.

Hindi siya sumagot bagkus ay dahan dahan siyang bumaba sa bintana ng kwarto niya. Tumapak siya sa sementong disenyo ng bintana niya. Dahan dahan siyang humarap sa punong malapit sa bintana saka maingat na gumapang sa sanga nito. Maya maya pa ay bumaliktad siya sa sanga. Kung kanina ay nasa taas siya nakakapit ngayon naman ay nasa ilalim na siya. Dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap ng dalawa niyang paa sa sanga habang mahigpit parin ang kapit ng kamay niya. Idinuyan niya ang sarili niya at ng matanya niyang tama na ang lakas nito ay bumitaw siya.Maingat at walang ingay na naglanding siya sa bubong ng isa sa mga kabahayan. Dahan dahan siyang naglakad at iniiwasang makagawa ng ingay pagkatapos ay tumalon sya sa isang nakaparadang truck at maingat ulit na tumalon pababa. Swabeng swabe siyang lumanding sa patag na semento.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Nov 30, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

That Promdi Badass Heiress (Ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora