Chapter 11

1.5K 43 0
                                    

Shane

Lahat kaming mga babae ay nagulat sa biglaang pagsigaw ni Mica kaya naman bilis bilis kaming napatayo sa kinauupuan namin bago lumapit sa kaniya.

"What the hell Mica. Why are you shouting?" inis na tanong ni Cyrus na kararating lang kasama ang iba.

Siguro galing na naman sila sa office nila kaya hindi namin sila mahagilap kanina.

"Wala" mangiyak ngiyak na sagot nito at para bang may itinatago sa likod niya kaya napalapit ako doon.

At first parang ayaw pa niyang ipakita ngunit nilakihan ko lang siya ng mata at saka pabarang na tiningnan ang itinatago niya ngunit ganun na lang ang gulat ko ng makita ko kung ano ang itinatago niya.

"Ano yan?" biglang tanong ni Tyler at pupunta pa sana sa likuran ni Mica ngunit agad ko naman ng hinablot ang pt na hawak niya bago itinago sa bulsa ng duster ko kaya hindi na ito nakita niya pati ng iba. "Wala naman e. Ano ba iyon?" kunot noong tanong ni Tyler ngunit inilingan lang siya ni Mica saka ko naman inirapan.

"E kung wala bakit ka sumisigaw?" kunot noong tanong ni Cyrus.

"Ikaw kaya makakita ng ipis tapos may trauma ka pa doon ha. Hindi ka pa kaya sisigaw?" sarkastikong sagot ko na ikinakamot naman niya sa batok.

"Ah kaya naman pala. Sige ipapalinis ko na ulit itong living room para wala ng ipis." wika naman ni Tyler kaya naman napatawa na lang ako ng lihim.

Takte nakisakay pa ang hinayupak hahaha. Sa sobrang linis nga nitong bahay ay hindi ka na makakakita ng dumi, ipis pa kaya.

"Sa-salamat." naiiyak pa ring wika ni Mica kaya napairap na lang ako sa kawalan.

Like what the hell. Pati ba naman iyon iiyakan niya. My gosh blessing na din naman iyon e kaso pano pala kung hindi niya gusto.

"Let's go. Let's continue our meeting." akit ni Cyrus sa mga lalake kaya naman napasunod na lang silang lahat.

At ng makaalis naman na sila ay doon lang si Mica nakahinga ng maayos na para bang ang bigat bigat ng kaniyang dinadala.

"Ano iyong itinago mo sa bulsa mo, Shane?" nakakunot noong tanong sa akin ni Niya kaya napakunot noo din ako pabalik. "Nakita ko iyon." dagdag pa nito kaya napailing na lang ako ng wala sa oras.

Pati ba naman iyon nakita pa din. Hay naku kapag sa kanila talaga hindi mo kayang magtago ng sekreto dahil malalaman at malalaman din nila.

"Ah that was Mica's pregnancy kit." sagot ko na ikinagulat naman nilang lahat.

"So ano? Buntis ba siya?" excited na tanong ni Caila kaya napatawa na lang ako.

"Sinong ama?" tanong naman ni Lea.

"Kailan ka mapacheck up kay doktora Chavez?" tanong naman ni Eya.

"Haysst naunahan pa akong mabuntis." pabuntong hiningang wika naman ni Ana.

"Kaya nga. Kung sino pa iyong walang asawa siya pa iyong naunang magbuntis." nakasimangot na sabi ni Arice kaya natawa na lang kaming lahat.

"Magpapabuntis na nga ako sa asawa ko ng hindi na ako mainggit sa inyo." nakasimangot na wika naman ni Nea na nakapagpahalakhak sa aming lahat.

"Yan kase kawasat hindi pa kayo nagpapabuntis." natatawang wika ni Caila na ikinairap naman noong tatlo.

"So kailan ka mapacheck up?" maya maya'y tanong ni Caila kay Mica habang pingmamasdan ko si Mica na kanina pa hindi mapakali.

"I don't know." sagot dito ni Mica na ikinakunot noo ko naman.

"At bakit hindi mo alam?" mataray na tanong ko sa kaniya na ikinangiwi naman niya.

"Sino bang ama?" tanong naman ni Tessa na ikinalingon naman sa kaniya ni Mica.

"Tyler" sagot nito.

"O si Tyler lang naman pala e." wika naman ni Leny habang nakatingin kay Mica na nakakunot ang noo.

"Natatakot ako." naiiyak na sabi ni Mica kaya naalerto kaming lahat.

"Bakit ka natatakot?" kunot noong tanong ni Nea sa kaniya.

"Natatakot ako na baka malaman ni Cyrus. Cyrus is over protective it comes to me. He didn't want to see me crying because of a guy who doesn't love me back. I don't know Cyrus going to do if he will gonnna know about my condition. Baka may gawin siyang masama kay Tyler kahit na kaibigan niya ito." naiiyak na sagot nito.

"Bakit ka natatakot na malaman ni Cyrus about sa condition mo?" kunot noong tanong ko na ikinailing naman noong mga kasama namin.

"You didn't know how playboy Tyler is. When we are in college, Tyler is a certified playboy and Cyrus knows about it. So he warn me not to fall inlove to him because I will gonna hurt myself knowing that Tyler is a playboy, back then. But I didn't follow him because one day I realize that I was falling inlove to Tyler. At first I was scared that Cyrus might know about it but later on I manage to hide my feelings for Tyler when he was with us." sagot nito sa tanong ko.

"So ayaw ni Cyrus na magkaroon kayo ng relasyon ni Tyler ganun?" curious na tanong ko na ikinatango naman niya.

So sa mga kabaitan na ipinapakita sa akin ni Tyler ay may nakatagong sekreto na ngayon ko lang nalaman. And that is he was a playboy back then.

Pero it was. Was it means past tense. Dati iyon hindi ngayon. Siguro naman nagbago na siya.

Saka nasa tao naman na iyon kung magbabago siya o hindi na. Oo nga playboy siya dati pero siguro naman alam niya ang kalalabasan kung sakaling galawin niya si Mica.

Alam niyang may magagalit. At alam niya ding may mabubuo kung sakali. Pero sa nakikita ko kanina habang kausap namin si Tyler para bang may iba. Dahil sa tuwing titingin siya kay Mica may kislap ang kaniyang mga mata.

At batay din sa kaalaman ko para namang hindi ko makita sa kaniya na nagsisisi siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Mica.

So it means ginusto niya.

Naalala ko noong isang linggo nakita ko silang dalawa na alam niyo na. Nagsesex. Paano naman kase magsesex na nga lang nakabukas pa ang pinto ng kwarto edi sa kabaitan ko naman that time ako na ang nagsara. Maigi nga hindi narinig nila Cyrus ang ungol nilang dalawa e.

Like what the heck pwede namang isara muna nila ang pinto bago sila gumawa ng kababalaghan e kaso mas inuna pa nila ang init ng katawan nila.

"Baka naman nagbago na si Tyler." biglang basag ni Leyan sa katahimikan na namumuo kanina.

"Siya nga. Saka kung ayaw niyang mabuntis ka edi sana gumamit siya dapat ng condom noong una pa lang." sang ayon naman ni Caila.

"Ay iyon nga lang, hindi siya gumamit. So it means ginusto niya ang ginagawa niyo at handa siyang panagutan ka pati ang anak niyo." wika naman ni Lea na ikinatango tango namin.

Tama naman kase sila e. Saka whether he likes it or not kailangan ni Tyler panagutan si Mica lalo na at magagalit si Cyrus kung sakaling hindi niya gawin ang tungkulin niya sa mag ina niya.

My Cold Husband is a Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon