Chapter 16

1.4K 37 2
                                    

Cyrus

Wala na ata ang makakapantay sa sayang nararamdaman ko ngayon. Wala na atang makakalimot sa sayang naranasan ko ngayong araw.

Parang lahat ng problema ko sa buhay ay nawala ng makita ko sila. Parang ayaw ko ng lumisan sa tabi nilang mag iina habang nakikita ko silang masaya lalo na ang aking asawa.

All this time akala ko hindi ako makakaranas ng ganitong kasiyahan sa buhay ko dahil sa sobrang dami kong problema sa buhay. Ngunit mali ata ako. Dahil ngayon ko lang masasabi na ito na ang pinakamasayang araw ko sa buong buhay ko.

Ngayon ko lang din masasabi na ako na ata ang pinakamaswerteng asawa dahil nagkaroon ako ng isang babaeng mamahalin ko ng buong buo sa buong buhay ko. Nagkaroon ako ng isang babaeng napakamaunawain sa lahat ng bagay.

Ngayon ko lang din masasabing nagkaroon ako ng tatlong anghel na talagang makakawala ng pagod ko sa araw araw. Sila na siguro ang bubuo sa buhay kong magulo. Sila na ata ang magliliwanag sa buhay kong madilim.

Kung noon natatakot akong magkaroon ng pamilya lalo na at masyadong delikado ang estado ng buhay ko. Natatakot akong madamay sila sa buhay na aking tinatamasa. Ngunit lahat ata ng takot ko sa buhay ay nawala ng makita ko sila.

Nawala ang takot ko sa buhay ng mapangasawa ko ang babaeng matagal ko ng iniibig. At mas lalong nawala ang takot ko sa buhay ng dumating pa ang tatlong anghel namin.

Halos sila na nga ata ang magbibigay saya sa buhay namin e.

"They are cute." komento ni Mica habang nakatingin sa tatlong sanggol na katabi ng kanilang ina.

"Kamukhang kamukha ni Shane ang anak niyong babae." nakangiting komento ni Dron kaya napangiti na lang ako.

"Sa susunod ako naman ang magkakaroon ng kambal na anak." nakangiting komento naman ni Zex habang nakatingin sa asawa niya.

"Hindi ka lang. Ako din magkakaroon na ng kambal na anak." komento naman ni Xien kaya napangiti na lang ako ng wala sa oras.

Mukha hindi na ata sila makapag antay na makita na kaagad ang kanilang mga anak. Ngunit wala naman akong magagawa diyan dahil ganiyan na ganiyan din ako dati noong hindi pa nanganganak si Shane.

"Mukhang hindi na kayo makapag antay na makita ang mga anak niyo ah." natatawang lintaya ni Sean sa dalawa.

"Aba oo naman." natatawang sagot ni Zex dito kaya natawa na lang din kami.

"Hahaha pare parehas lang naman tayong hindi na makapag intay na manganak ang ating mga asawa." natatawang wika naman ni Alen na tinawanan na lang naming lahat.

Habang busy kami sa pagmamasid sa mga asawa namin na masayang masaya na nakatingin sa tatlo kong anak ay bigla na lang binasag ni Tyler ang katahimikan namin kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Paano ba yan Cyrus nanganak ni Shane ano na ang susunod mong gagawin?" biglang tanong ni Tyler kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

Maigi na lang malayo kami sa mga asawa namin dahil kung hindi baka narinig na nila ang tinanong ni Tyler sa akin.

"Huwag nating pag usapan iyan dito." singit naman ni Shun kaya natahimik kami.

"Sa opisina mo tayo Cyrus." aya ni Zari sa akin kaya nauna na akong maglakad palabas ng kwarto na inuukupa ng mag iina ko.

Habang naglalakad naman ako papunta sa opisina ko ay alam kung nakasunod lang sila sa akin kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

At ng makarating naman na kami sa opisina ko ay nagkaniya kaniya naman na kami ng upo at sinimulan na ang dapat naming pag uusapan.

"Ano nga ba ang gagawin mo, Cyrus?" tanong ni Alen sa akin.

"Baka nakakalimutan niyong pati kayo ay dapat sagutin ang tanong na iyan." seryosong wika ni Tyler na ikinatahimik naman naming lahat.

"Gagawin ang dapat gagawin." wala sa sariling sagot ni Aron kaya naman napatingin kaming lahat sa kaniya.

"What do you mean?" kunot noong tanong ni Zen sa kaniya.

Sa totoo lang wala din akong alam kung ano ang dapat kong gawin ngayong nanganak na si Shane. Halos lahat ng plano namin noong una pa lang ay parang unti unting naglalaho simula ng mas makilala pa namin silang lahat.

"Dating gawi. Pwersahan nating kukunin sa kanila ang mga anak natin sa oras na hindi nila ito ibigay sa atin ng matiwasay." sagot ni Aron sa tanong ni Zen kaya napatango tango na lang kami.

"Ikaw Cyrus? Anong gagawin mo?" biglang tanong sa akin ni Sean kaya napatuon ang atensiyon ko sa kaniya.

"Kagaya ng sabi ni Aron pwersahan natin silang kukunin mula sa mga ina nila." sagot ko sa kaniya na ikinatango tango naman niya.

"Hindi ba kayo natatakot na baka pagdating ng panahon ay magalit sa inyo ang mga anak ninyo dahil sa kinuha niyo na lang sila ng basta basta sa kanilang mga ina?" tanong naman ni Zari.

"Kawasat may magsabi." pabalang na sagot naman dito ni Alen.

"Tama. Saka pwede naman gawan ng kwento na iniwan sila ng mga ina nila at kahit kailan ay hindi na sila babalik." dagdag pa ni Danie.

"Kahit minsan ba hindi niyo man lang sila minahal?" tanong ni Tyler na kaagad namang sinagot nilang lahat.

"No way." sabay sabay na sagot nila maliban sa aming dalawa ni Tyler.

"Of course not dahil una pa lang ay hindi na dapat namin sila mamahalin dahil arrange marriage lang naman ang lahat. Ang papel lang nila sa buhay namin ay bigyan nila kami ng anak." sagot ko na ikinatango tango naman nila.

"Pero paano kayo Zari, Zen, at Sean? Paano iyan wala pa kayong anak?" kunot noong tanong ni Tyler sa tatlo na ikinaingos naman nila.

"Tsk bakit pa namin sila bubuntisin? Saka ayaw kong magkaroon ng anak sa babaeng hindi ko naman mahal." sagot ni Sean na sinang ayunan naman noong dalawa.

Siya nga naman bakit pa nila gugustuhin na magkaroon ng anak sa babaeng hindi naman nila mahal. Pero sa amin? Ewan hindi namin alam.

Ako kase ang gusto ko lang ay magkaroon ng anak at wala ng iba. Saka tama naman sila e. Hindi namin sila mahal at kahit kailan ay hinding hindi namin sila mamahalin.

Siguro sila mahal na nila kami pero kami hindi.

Kunbaga one sided love lang ang nangyari sa amin.

My Cold Husband is a Mafia KingWhere stories live. Discover now