Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 2

47.3K 4.5K 3.8K
                                    

Chapter 2

Single

Umuusok ang maganda at matangos kong ilong nang bumalik ako sa tabi ni Akio. I elegantly crossed my sexy, white, and flawless legs as I crossed my arms irritably. That gesture pushed my boobs upward that made me look more seductive even with my creased brows.

Yes. I know. Ako na ang pinakamagandang babaeng nakakunot ang noo habang nakakrus ang braso. Grabe ang hapon na iyon. Nasaan ba iyon? Gago siya!

Pansin ko na natigilan ang fliptop-an sa paligid ng lamesa kaya naagaw rin ang atensyon ko. Nakataas ang kilay ko at isa-isa kong pinagmasdan ang mga hapon na ngayon ay nakatingin sa akin.

"What's wrong?" Humarap ako kay Akio na kunot na kunot ang noo.

"Ayusin mo ang pag-upo mo, hija."

I rolled my eyes. "Alright, daddy."

Nagpatuloy ang pag-uusap nila, pero minsan ay inilalapit ni Akio ang kanyang sarili sa akin para bumulong.

"Ang tagal mo. Naligaw ka ba?"

"I saw someone."

"Come on. Hindi kayo magkakaintindihan."

"I don't care."

I tried to look around to find Mr. Tamaguchi, and my blood boiled in an instant when I saw him on his phone again. Busy. Nakatungo na naman. Bakit um-attend pa rito ang hapong iyon kung puro phone ang atupag?

"Him."

"Who?"

I pointed Mr. Tamaguchi using my lips. "Who is he?"

"Where?"

"Iyong nakatungo sa pinakasulok na table. Maraming young Japanese."

"Oh, Mr. Matsumoto's son."

"Matsumoto? Hindi Tamaguchi?"

Ngumiwi si Akio. "Saan naman nanggaling iyon? You like him? He isn't your type, right?" He looked at me weirdly.

Totoong hindi ko type ang hapon na iyon. Naasar lang ako na hindi niya ako pinapansin. Like, duh? Ano ba ang vision niya? Can't he see how beautiful and sexy I am? Halos lahat ng napapasulyap sa akin dito ay napapadalawang beses ang tingin. Tapos siya, tatakbo lang na parang tinakot ko?

My boobs aren't scary!

"Ano ba ang standards ng mga hapon sa magaganda? Something is wrong with them—no! Something is wrong with him!"

Tumaas na ang kilay ni Akio. "Did you—"

"Hell, no! Bakit naman ako lalapit sa kanya? Aksidente lang na nadaanan ko, okay?"

"Oh, 'di ka pinansin?"

"Fuck off, Akio."

"Baka may girlfriend na. Hindi sa lahat ng pagkakataon, papansin ka ng lalaki. Be a good girl, cousin."

Bumalik muli siya sa pakikipag-usap doon sa mga hapon, pero hindi ko pa rin mapigil ang sarili kong sumulyap sa puwesto ni Tamaguchi—I mean ni Matsumoto.

He's not really my type. Seriously.

Aside from he's not hot, sobrang payat niya at maputla dahil sa kulay niya na hindi yata nagpapaaraw. Well, he looked fine with his tux and his disheveled hair. Kailan naging bagay ang ganoong buhok sa tux? Parang hindi siya nagsuklay o baka hindi naligo? Araw-araw ba naliligo ang mga hapon? Eww.

"What? Seriously?" kumento ko sa naiisip ko.

But what I've noticed was his damn eyes. He's so chinito. Iba kasi iyong pagka-chinito niya kumpara sa mga half-chinese na nakikilala ko. Even Akio's eyes are different. Akio can make it intimidating and too powerful, but when I locked eyes with Matsumoto . . . it was pure.

Island Trap (Book 1 of Trap Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon