CHAPTER 17: LETS MAKE HER FALL FOR ME

3 0 0
                                    

Raven's POV

Maaga ako ngayong umalis ng bahay para makita si Aly. Oh don't get me wrong pero, kaya gusto Kong makita si Aly ay para masimulan kona ang plano ko ang "OPLAN PAINLABIN SYA" WHAHAHAHAHA. Heto na ako nagdadrive papuntang studio, sa pagkakaalam ko same studio lang naman kami pero magkaibang manager, kaya Im sure nandoon nayun

Pagkarating ko ipinark ko na ang sasakyan ko at bumaba. Pagpasok ko sa studio sakto naman na nandoon na si Aly nakaupo.

" Good morning Aly" I smiled to her sweetly and kiss her forehead, nagulat panga sya sa ginawa ko pati narin ang ibang staffs.

" G-good Morning" she manage herself and smiled at me

" Did you sleep well?" Tanong ko sa kanya habang umupo sa tabi nya

" yes and thank you" ibinalik nya ang attention nya sa magazine na binabasa nya
Kumuha narin ako ng magazine at nagtitingin tingin doon

" Uhmmmm" pareho kaming napatingin ng may umubo sa likod namin

"M-manager" wala sa sariling nasambit ko

"K-kanina pa po kayo dyan?" Gulat rin atang tanong ni Aly

" uhm, well hindi naman ganon ka tagal" napabuntong hininga naman kami dahil sa sinabi nya

" para yatang bati na kayong dalawa ?"

" Uhm, opo manager, friends napo kami, diba Aly?" Nakangiti naman akong bumaling Kay Aly

" Opo manager, magkasundo napo kami" nakangiti ring sagot ni Aly

" Thats good" halata sa boses ni Manager na nagagalak talaga ito."Sandra magpaayos kana, may photoshoot ka ngayon susunod nalang daw si Min dito, ikaw naman Raven pwede ka ng umuwi wala ka namang shoot ngayon"

" Manager, pwedeng manood nalang ako dito?" Nagapapaawa kunong tanong ko sa kanya

" Sige ikaw ang bahala"

"Thanks Manager your the best"  napailing nalang ito at pumasok na sa office nya. Tumayo narin si Aly para mag-ayos

Makalipas ang ilang minuto lumabas na sya sa dressing room at pumunta sa mga make up artist para magpamake up.

" Dara, pwedeng pakikuha ng tubig nauuhaw kasi ako" utos ni Aly sa isa sa mga staffs

" Ako na ang kukuha" Napatingin naman si Aly sakin pati narin ang nagmemake up sa kanya

" Sure ka?" Paninigurado nito sakin

Tumango naman ako at naglakad na sa may maliit na ref at kumuha ng bottled water, at ibinigay sa kanya

" Thank you" pagpapasalamat nya bago uminom.

Pagkatapos nyang uminom kinuha kona ang tubig sa kanya, ng may napansin ako.
May nakalat na lipstick sa labi nya kaya kumuha ako ng tisyu at pinunasan ang labi nya. Hindi nya nakagalaw, hinayaan nya lang akong punasan ang lipstick na kumalat.

Bumagal ang mga oras, sa bawat dampi ng tissue sa labi nya ay kasabay ang paglunok ko, napatingin ako sa kanyang mga mata, parang nangungusap ang mga ito. Nagbibigay ganda nito ang mahahaba nyang pilik mata, ang matangos nyang ilong at ang labing mamula mula.

"R-raven ako na" parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko ng hawakan nya ang aking kamay at kunin ang tissue na pinunas ko sa kanyang  labi.
Tumalikod na ako at naglakad palabas ng studio.

Cassandra's POV

"Anong nangyari dun" nabigkas ko nalang matapos umalis si Clay

" uy si Maam Sandra may manliligaw" panunukso sakin ng nagmemake up sakin

" Anong manliligaw, ne walang naglakas loob na ligawan ako"

" Eh si Sir Raven po Maam ano yun?"

"Wla lang yun no"

"Sandra" natigil naman kami ng may tumawag sakin si Manager Min pala, lumapit ako rito at nakikipag beso beso sa kanya

"Si Raven ba yung lumabas" tanong nito habang nakaturo sa may pintuan

"Opo" tipid na sagot ko sakanya

"Be ready, magsisimula na tayo" tumango naman ako at nagsimula nanga ang shoot

FLASH NG CAMERA

POST

FLASH NG CAMERA

POST
FLASH NG CAMERA

POST

FLASH NG CAMERA

FLASH NG CAMERA

POST

FLASH NG CAMERA

POST

Makalipas ng ilang minuto ay tapos narin ang photoshoot, nagbihis na ako at nagpaalam para umuwi.

Nasalabas na ako ng studio at nag-aabang ng taxing masakyan pauwi ng may tumigil na red Lamborghini sa harapan ko mismo kayat napaatras ako.

Binuksan nito ang bintana sa may passengers seat at dumungaw mula rito.
It was not a surprise when I saw Clay

" Labas tayo?" Biglang tanong nito.

" Uuwi na ako" diretso kong sagot

" Come on, maaga pa, kaya labas muna tayo, my treat," pamimilit nito sakin

Tumango nalang ako at sumakay sa passengers seat, nagmaneho nasya papunta sa kung saan. Sumama narin lang ako sa kanya dahil maaga pa nga naman at wala rin naman akong gagawin ngayong araw.

" Wala ka pa bang bagong kotse" tanong nito sakin

" Wala pa, wala pa kasi akong mapili, im waiting for the new release car from Toyota"
"Bago ata kotse mo?" Napansin ko ata na bago ito hindi ito yung Ferrari na kapareho ng sakin

" Bigay sakin ni Dad" tumango nalang ako at wala ng nagsalita sa aming dalawa.

Huminto sya sa isang bahay kung saan ay pinuntahan narin namin ito noon.Ang costume house nya.

" Anong ginagawa natin dito" Baling ko sa kanya

" Malling tayo, siguro naman wala ng tatawag pa ulit sayo" natawa naman ako sa sinabi nya. Lumabas na syat ganon din ako. Pumasok na sya sa loob ng bahay kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na kaming magpalit, isinuot nya lang rin ang napili nya kahapon, blue wig, Long sleeve and Pants with nerddy glass.
While im wearing pink wig, pink shirt and pink jumper with nerddy glass rin.

"Let's go" pag-aaya nito sakin

Nauna na itong maglakad sakin ng pigilan ko sya

" What?" He ask confusingly

" Isuot natin to" Itinaas ko ang dalawang bonet na hawag ko, isang pink at blue.

Hindi nasya sumagot kaya pinaupo konasya at isinuot sa kanya ang bonet.

"Yan! Para couple tayo" inayos ko ang pagkakalagay ng bonet sa ulo nya. Isusuot ko na sana ang akin ng kunin nya ito

" ako na ang magsusuot" Tamayo sya at isinuot sa ulo ko ang bonet.

Slowmow ba to o ano? Pero parang bumagal ang lahat.

Dug dug dug dug dug

Napahawak ako sa dibdib ko ng tumibok ang puso ko ng malakas

" Tara na Val" inakpayan nya ako at naglakad na kami palabas ng bahay. Lutang parin ako, parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok. Wala akong ibang maririnig kundi ang tibok nito. Tanging ang mukha ni Clay ang nakikita ko.

"Hey, Aly ok kalang!" Bahagya ako nitong inalog alog

"H-ha?" Wala sa sariling bigkas ko

" Ang sabi ko sumakay kana" hindi ko namalayan na pinagbuksan pala ako nito ng pinto.

Pumasok na ako sa loob, sumakay narin sya at pinatakbo ang sasakyan, dumeretsyo nakami sa SM.

Ipininark na nya ang sasakyan at lumabas na kami.

Playful HeartWhere stories live. Discover now