Ngiting tagumpay ako ngayong araw. Kahapon lang nagcelebrate kami ni Mike dahil pumasa ako sa exam. Pero ngayon, may celebration ako sa bahay sabi ni mommy. Hay. Para sa’kin ayos na iyong celebration naming kahapon. Iyon na siguro ang pinakamasayang araw na tumingin ako ng exam result sa loob ng anim na taon.
Masayang-masaya ako nang iahatid ako ni Mike sa room. There are lots of unexpected today. Una, yung sabay kaming kumain; pangalawa, yung pumasa ako sa exam; pangatlo, at pinakamasaya sa lahat ng unexpected, niyakap ko s’ya, and take note hindi lang ako ang yumakap, niyakap din n’ya ako; at panghuli ihinatid n’ya ko sa room at magcecelebrate kami mamaya. Eto na siguro yung feeling na nasa cloud nine ka. It feels so great.
“Hoy! Pumasa ka lang nabaliw ka na yata,” dinunggol ako ni Aira. Nakaupo ako sa upuan ko at katabi ko s’ya, katabi naman n’ya si Rocean.
“Huh? Ano bang sinasabi mo?” inirapan ko s’ya, the usual thing I do.
“Maang-maangan ang peg. Tignan mo yang itsura mo, nakatulala ka habang nakangiti. Naka-drugs k aba?” buyo naman ni Rocean.
“Epekto ba iyan ng pagpasa mo, o epekto ni Mike?” kumindat pa si Aira habang maarterng sinabi ang linyang iyon. Hindi ko na sana sila papansinin pero mukhang may ibig sabihin ang mga ngiti nila.
“What?” I glared at them. Ngumiti lang ang mga ito. “What’s wrong with the two of you?” inis kong sabi.
“We both saw you. You and Mike.” sagot ni Aira.
“Tell us, what’s the real score?” tanong naman ni Rocean.
“Wala.” Kinuha ko ang phone ko. Makapanood na nga lang ulit.
Pero hindi ako nakapanood. Kinuha ng mahaderang si Rocean ang phone ko. “Wala? Kumakain kayo ng sabay, hinatid ka, nagyakap kayo kanina, wala?” hindi kumbinisidong tanong ni Rocean.
“I told you wala. Hindi n’ya pa ko sinasagot, at hindi n’ya ko nililigawan. So wala, kahit na sinabi n’yang gusto n’ya ko…” ops! Nadulas. Hindi na ko tititgilan ng mga ito.
Tumili sila ng sabay. “Talaga?? Sinabi n’ya iyon?” may halong kilig na sabi nila. Laking pasasalamat ko ng dumating na ang teacher namin. Hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong nila.
After last period, nagpaalam na ko kina Rocean. Nagpalusot nalang ako na may emergency para hindi na sila magtanong ulit. Usapan namin ni Mike na magkita sa ice cream parlor malapit sa school. We will celebrate. Usually naman nagpupunta kami rito after nang release ng relut ng exam to celebrate our failures, but this time, we will celebrate, for real.
“Kanina ka pa?” tumabi ako sa tabi ni Mike. Nakapwesto ito sa sulok habang nagbabasa. Ano ba naman ‘to? Kayayari lang ng exam mukhang nagrereview na.
“Ah, kararating ko lang.” Nagmamadali n’yang itago ang notebook n’ya. Teka, nagpalit s’ya ng notebook? Blue ang notebook n’ya ah, bakit parang pink ang nakita ko? Hay, nag-i-imagine na naman yata ako. “D’yan ka lang, bibili ako ng ice cream,” nakangiti n’yang sabi.
YOU ARE READING
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Teen Fiction"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...