Hindi ako nakatulog kagabi. Sinubukan kong tawagan sina Bella at Bryan pero hindi nila ko sinasagot. Nag-text rin ako sa kanila pero wala silang reply. Maging sa Facebook at messenger ay hindi sila active magdamag. Paano na? Paano ko ‘to aayusin?
Kung hindi sana ko nagpadalus-dalos baka hindi humantong sa ganito. Bakit ba kase naniwala pa ‘ko sa sulsol nina Chloe? May punto naman sila, baka nga hindi lang rin nila alam, pero sana hindi ako agad nag-isip ng hindi maganda.
Wala akong ganang pumasok pero pinilit ko. Nagbabakasakali akong makakausap ko ang magkapatid. Pero, laglag ang balikat ko dahil wala ni anino nilang dalawa. Bakit kaya hindi sila pumasok?
Naisipan kong pumunta nalang sa laudry shop. Kailangan ko ng kausap. Kadalasan sina Bryan ang kausap ko, pero dahil kami ang may problema, wala akong mapagsasabihan. Nakakainis pa kase iyong si Arvin, alam na nga n’yang may problema ‘ko, inuna pang makipag-meet s aka-text n’ya.
Kaya mo na iyan, gwapo ka ‘di ba?
Napapailing ako habang nagmamaneho. Isa nalang ang pwede kong kausapin. Si Mikee. Alam kong matutulungan n’ya ko. Kahit naman maarte ‘yon kaibigan ang turing ko sa kan’ya.
Ilang sandal pa ay inihinto ko na ang sports car ko. Agad akong bumaba at hinanap si Mikee. Sakto namang pagbaba ko ay nakita n’ya ko agad. As usual, naka uniform s’ya ng laundry shop, naka pusod ang buhok at nakapulang lipstick.
Ngumiti s’ya at kumaway ng makita n’ya ko. “Mike! Long-time no see ah,” bungad n’ya ng makalapit ako.
“Kamusta?” pinilit kong ngaumiti. Na-miss ko ang kakulitan ng babaeng ito. Before, s’ya ang nakakapagpatawa sa’kin tuwing may problema ako sa bahay. Now, everything sa change.
“May problema ka ‘no?” tudyo n’ya. Ibinaba n’ya sa lamesa ang mga damit na hinango n’ya sa machine.
Ngumiti ako ng mapakla. “Halata ba?”
Huminto s’ya sa ginagawa n’ya at tumingin sa’kin. “Alam mo abnormal ka din eh. Kung kalian nakauwi ka na sa inyo, saka ka namo-mroblema? Wala ka ng dapat problemahin ngayon, maluwag na ulit ang buhay mo. Teka, ‘wag mong sabihing sinasaktan ka na naman ng papa mo?” walang hinto n’yang sabi.
Umiling ako bilang pagtanggi. Totoo naman, simula nang bumalik ako sa bahay, hindi na ako ulit pinagbuhatan ng kamay ni daddy.
Tandang-tanda ko pa no’ng mga panahon na nasasaktan n’ya ko. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba iyon, kasalanan ni daddy o kasalanan naming pareho. Madalas ay ikinukumpara n’ya ako kay kuya Yohan, kaya naman lagi ko s’yang nasasagot at nagrebelde talaga ko. Dahil doon, inaabot talaga k okay Daddy. Pero tapos na iyon, dapat ng ibaon sa limot.
“Hoy, natulala ka na d’yan,” puna ni Mikee.
Ngumiti ako sa kan’ya. “Si Bella,” maiksi kong sagot.
Tumawa s’ya. Napalingon tuloy ang mga customers na nagpapalaba. “Last time, s’ya ang nagpunta rito, ngayon ikaw naman?”
Napakunot ang noo ko sa gulat. “Nagpunta s’ya rito?”
Itinuloy n’ya ang pag-aayos ng mga damit matapos ay tumingin sa mga mata ko. “Nagpunta s’ya rito no’ng araw na may sakit ka.” Huminto s’ya at hinitay ang sagot ko, pero nanahimik lang ako.
“May something ba sa inyo? Pakiramdam ko kase mayroon,” anito. Tumayo s’ya at inlagay sa cabinet na lagayan ng mga nalabhan ng damit.
Lumapit s’ya sa’kin at humalukipkip. “Kayo na ba?”
Napabuntong-hininga ‘ko. “Hindi pa. Hindi ko alam kung magiging kami pa.”
Tumaas ang kilay n’ya. “Hindi pa nagiging kayo, mukhang may problema na ah.”
BINABASA MO ANG
40 DAYS of Ours (St. Bernadette College -Bella) [COMPLETED]
Teen Fiction"Time is gold." Walang katapusang kasabihan ng mga matatanda or mga praktikal na tao. They are believing that their time is precious. Inspite of that, may mga tao namang parang barya kung ubusin ang oras, they are wasting it na para bang hindi nila...