Chapter 45

47 8 0
                                    

"It's okay Aile Im here... Again" sabi niya

Napatitig ako sa kaniya ng matagal bago nagiwas ng tingin. Inayos ko ang buhok ko at sinarado ang zipper sa likod ko

Hindi ko pa pala naaayos to?

Tumayo na ako at dinala ang mga gamit ko at naglakad na papalayo

"Aile!" Sigaw niya

Natauhan rin kaya siya sa sinabi niya kanina?

"Aile! Where are you going? Hatid na kita!" Sigaw niya

"Just go,Hendrix" walang ganang sabi ko

"Hatid na kita! Lakas ng ulan!" Sabi niya

"No.. I don't need you" sabi ko at pumara ng taxi pero nilagpasan lang ako

Hinawakan niya ang braso ko at hinigit papunta sa sasakyan niya pero binawa ko kaagad

"Leave me alone... I don't need you" matabang na sabi ko

"Aile.." Usal niya

Pumara ako ng taxi at hindi na siya sinagot

"Manong doon po sa pinaka mahal na village" sabi ko

"Okay po maam" sabi niya at pinatakbo na ang sasakyan

Tumingin ako sa likod ko.. Humahabol siya.. Hinahabol niya ako.. Hinahabol... Niya ako... Lagi

Noong una ay nakahabol pa siya pero kalaunan ay hindi na dahil may mga sumisingit na sasakyan sa gitna naming dalawa

Pinahid ko ang takas na luha sa mga mata ko.. Bat ba ako umiiyak?

"Baka dahil sa alak" pangkukumbinsido ko sa sarili ko

Nang makarating kami sa mansiyon, kaagad akong nagbayad at dinala ang mga gamit ko palabas

Wala na ata akong itinira sa bahay

"Naku! Aile!" Sabi ni Manang at tinulungan ako sa pagbitbit ng gamit

"Aile!" Sigaw ni Julie at inalalayan ako papasok ng mansiyon

Kaagad nila akong pinaupo sa sala.. Nagpatawag si manang ng tubig,siguro para mainom ko...Tinukod ko naman ang parehas kong braso sa tuhod ko at sinapo ang mukha ko

Doon na ako humagulhol sa pagiyak.. Wala naman talagang kaiyak iyak pero naiiyak ako

Ito na talaga... Lasing pala ako...

"Aile" sabi ni Julie at hinimas ang likod ko

"Aile.. Inumin mo to" sabi ni manang at tinanggal ang kamay ko sa mukha ko

Nakita kong kinuha ni Julie ang baso bago pinahiran ang luha ko at inabot sa akin

"Drink" sabi niya

Tumingin ako sa kaniya bago kinuha ang baso at inubos iyon

Kinuha ni manang sa akin ang baso at nilapag sa center table.. Umupo siya sa unahan ko at hinawakan ang tuhod ko

"Bat ka umiiyak? Ano bang nangyari?" Nagaalalang tanong ni Manang

Hindi ako sumagot at mas lalo pang naiyak ng tahimik

"Shh... Nagaway ba kayo ng tito mo?" Tanong niya sa akin

Tumango ako

"Bakit?" Inis na tanong ni Manang

"D-Dahil daw po d-doon sa interview sa akin kanina... Yung pagamin ko po na wala na kaming mga mag-gulang" sabi ko at naiyak na naman

"Gusto mo ba na dito muna sila Rachel?" Tanong ni Julie

The Prince Who Stole My HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora