Chapter 53

44 7 0
                                    

Kailan pa ako makakapagiisip ng tama? Kailan ko naman kaya susundin ang puso ko at hindi ang isip ko?

Ngunit... Kapag sinunod ko ang puso ko ... Magugulo lahat ng pinaghirapan at plano ko. Kapag sinunod ko ang puso ko... Hindi ako magtatagumpay sa mga plano ko. At kapag sinunod ko ang puso ko... Lalabas na tinanggap ko na ang pagkatalo ko dahil... Ang mismong pain ng kalaban sa akin ay kinagat ko.

Napapikit ako ng mariin bago humiwalay sa kaniya at tumalikod. Narinig ko siyang bumuntong hininga bago ko naramdaman ang kamay niya sa braso ko

"I-I'm sorry"sabi niya

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya... After kissing me,you'll say sorry?... Really?

"Why?"tanong ko

Kumunot ang noo niya

"Anong why? What do you mean?"tanong niya

Unti unting sumama ang tingin ko sa kaniya hanggang sa nahampas ko siya sa braso niya. Napalakas ata dahil kaagad niya iyong hinimas

"Anong what do you mean?! Pagkatapos mo akong halikan magsosorry ka?! Are you dumb?!"inis na sabi ko sa kaniya,gusto ko siyang matakot sakin dahil... Gusto ko lang

Pero sa halip na matakot ay ngumisi pa ang loko

"Anong nginingisi ngisi mo diyan?"singhal ko

"Should I not be sorry,then?"nakangising tanong niya

Mas lalo pa akong nainis ng mas lalong lumawak ang ngisi niya ng hindi ako nakasagot kaagad

"Aish! Get out!"sigaw ko at tinulak siya sa may pintuan

Nagpapatianod lang siya pero tawa ng tawa

"Get out!!" Inis na sigaw ko

Tumawa siya ng malakas bago umalis sa pagkakatulak kaya muntik na akong matumba

Automatiko akong napasigaw at pumikit. Pero sa inaasahan nahila kaagad ako ni Hendrix at napasandal ulit ako sa kaniya

"Careful" tumatawa paring aniya

What's so funny?!

"Could you please shut up and get out of my office?!"singhal ko sa kaniya

Huminga siya ng malalim bago tumawa ulit. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natigil siya at nagpigil na lang

"Done?"Sarkastiko kong sabi

Narinig ko pa siyang bumungisngis bago tumango

"Sorry for interrupting... Madam"nakangiting sabi niya bago binuksan ang pinto

Akala ko ay lalabas na siya pero tumigil siya at humarap sa akin

Nagtaas ako ng kilay ng makitang seryoso siyang nakatingin sa akin

"About earlier.."sabi niya

"And what about earlier?"tanong ko

"The words I said.. the.."

"The? What?"

"Uhm... Let's be t-together"

Natigilan ako bago nagiwas ng tingin. Nagpunta ako sa upuan ko at umupo doon at nagsimulang tignan ang mga project pa namin at mga employees na may hawak niyon

Hindi ko kayang sagutin ang sinabi niyang iyon. Pero.. kasagot sagot nga ba iyon? Sinabi niya iyon at hindi tinanong. Napabuntong hininga ako bago binilisan ang ginagawa

Kahit anong gawin kung distruction sa sarili ko.. hindi sila tumatalab kasi ang presensiya pa lang ni Hendrix ay grabe na kung makaagaw ng atensiyon ko

The Prince Who Stole My HeartWhere stories live. Discover now