Chapter 18

575 19 0
                                    

CHAPTER 18

DAHIL sa iniwang sulat na iyon ni Tatay ay kahit paunti-unti parang kaya ko na. Mas pagbubutihin ko pa dahil kakayanin ko. Isang linggo na ang lumipas simula ng mabasa ko 'yon. Sa buong linggong 'yon ay nasa pagdadalamhati pa rin ako na yugto ng buhay.

Binasa ko ulit ang sulat na isang linggo ko ng hawak. Kahit naman nagdadalamhati ay hindi ko nakakalimutang linisin ang katawan ko dahil alam kong hindi gusto ni Tatay ng dugyot na anak. Niyakap ko ang sulat ng sandali bago nilagay sa drawer na pinaglalagyan ko ng mahahalagang bagay.

One step at a time. Kahit pa sabihing isang bagsakan lang ang ginawa para mabasag ako, kailangan ko ng pasensya. . .mahabang pasensya.

Sisimula ko sa pagpapakatatag ng sarili ko. Hindi pa huli ang mundo. Nawala man ang inspirasyon ko pero nasa puso ko pa rin s'ya. Hinding-hindi s'ya mawawala rito.

Inayos ko ang sarili ko. Naglinis ako ng sarili; naligo; nagsipilyo at nagbihis ng maayos. Maghahanap ako ng trabaho.

Hinanda ko ang dapat kong ihanda, ang mga kakailanganin para makapagtrabaho. Mag-aaral ako pabalik. Gagawin ko ang sinabi ni Tatay. Magiging nurse ako.

Mahirap maging working student pero kakayanin ko para sa Tatay ko. Masakit na wala na s'ya rito sa tabi ko, rito sa mundo, pero kakayanin ko. Matapang ako. Malakas ako, kayâ kaya ko.

Lumabas ako ng bahay at ang usual na makikita ang nabungaran ko. Bukod sa mga kasama ko sa sementeryo noong araw ng libing ni Tatay ay wala nang may alam na wala na s'ya. Ang alam lang nila ay nasa hospital pa rin ang Tatay ko. Wala naman akong pakialam sakanila. As if kailangan pa nila iyong malaman.

Nagsimula na akong magpasa ng resume sa mga 7/11 or fast food chain na nag ha-hire ng mga working student. Mas maganda na roon mag apply dahil madali lang i-manage ang schedule. Nasa last two years nalang naman ako bago maging nurse kaya madali na lang.

Halos hapon na nang matapos ako kakalibot at kakapasa ng resume ko sa mga fast food chains at 7/11 pero bago lang ako natanggap. Salamat sa 7/11 ni aling Nina. Medyo malayo sa bahay dahil dalawang sakayan pa pero malapit lang naman sa University na papasukan ko. Siguro ay lilipat nalang ako.

"Abay asan ba ang mga magulang mo, Ineng?" Tanong ni aling Nina na may pagka-batanggeño ang accent, ang may-ari ng 7/11 na pagta-trabahuan ko.

Laki raw kasi s'ya sa batanggas kahit pa raw wala sa dalawa n'yang magulang ang mga batanggeño.

"Wala na po akong mga magulang. Ang nanay ko po, katorse anyos palang ako ay pumanaw na tapos ang Tatay ko po. . ." Ramdam ko ang sakit sa aking lalamunan dahil sa pagpipigil na maiyak.

"Ayos lang iyown, Ineng. Abay wag mo ng ituloy kung alam mong ika'y masasaktan lang ey," hinaplos n'ya ang likod ko.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Kailan po ba ako magsisimula? Sure po kayong ayaw n'yo muna akong i-interview?"

Akmang magpapasa kasi ako ng resume ko sakanya nang hindi n'ya 'yon tinanggap, bagkus ay tinanong n'ya lang kung ilang taon na ako. Pagkasabi kong 23 na ako ay mukhang hindi na s'ya nagdalawang isip na I-hire ako.

"Ano ka ba, Ineng. Hindi na naman kailang iyown. Ayos na. Pwedi ka ng magsimula bukas, alam kong pagod, aba'y kay layo ng pinanggalingan nimo."

OVERCOMEWhere stories live. Discover now