Before The Storm: Darkness

163 2 0
                                    

Jisoo's POV

Something's not really right with Tae these past few weeks.

Parang ang tahimik niya na.

I've witnessed this side of him last year especially when I watch their videos. Yung hindi siya umiimik at nagsasalita. But it's a lot more obvious now.

He became... distant.

Kapag tinatanong ko siya, hindi na mahahaba at puno ng sigla yung mga sagot niya. Sinusubukan kong magkwento pero madalas napapansin ko that he's spacing out. Parang may malalim na iniisip na ayaw niyang sabihin. Hindi kagaya noon na madali niyang nasasabi lahat.

Ayokong tanungin kung ano dahil katulad niya, may hindi rin ako sinasabi. Nakakapanibago lang talaga ang pananahimik niya ngayon.

Especially on their recent comeback. He seemed bothered and distracted all the time. Like he's feeling something heavy inside him. Like he's carrying a burden.

Magkaharap kami ngayong dalawa. Nakatulala lang siya sa kawalan habang ako, nagsisimula na talagang mabahala kung anong nangyayari sa kanya. Anong iniisip niya? Anong nararamdaman niya?

"Babe?" Para siyang nagising sa isang masamang panahinip nang tignan niya ako. "Are you okay?"

Ngumiti siya but it's not his usual boxy smile. Tipid lang ito at halatang pinilit niya lang gawin. "I'm fine baby." Napatingin siya sa basong wala ng laman sa harap ko. "Do you want another cup of Iced Americano?"

"No need. I already had enough." I tried my best to give him a very encouraging smile. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa. I felt relief. His hand is warm. Akala ko malamig din ang kamay niya katulad ng ekspresyon na suot niya ngayon.

"Let's go outside? Gusto kong maglakad-lakad."

Tumango siya at naunang tumayo, breaking our holding hands. Hindi ko ito pinansin masyado at sinundan siya palabas. Baka pagod lang siya. Malaki ang ipinayat niya sa loob lamang ng ilang buwan. It's concerning so I always remind him to eat properly and get as much sleep as possible. Mabilis pa naman siyang magkasakit.

Humawak ako sa braso niya. Being this close to him already feels natural. Hindi na ako naiilang o nagdadalawang-isip na lumapit. Sanay na akong nasa tabi ko siya kapag nagkakaroon kami ng oras lumabas o magkita.

"Malapit na ang winter. Nakakaexcite!" I exclaimed. Bakas ang ngiti ko kahit nakasuot ako ng face mask. I just really love that season.

Malapit naring magpasko kaya ngayon pa lang, nag-iisip na ako ng mga pangregalo. Ano kayang ibibigay ko kay Tae sa birthday niya?

"I wanna go to Japan," sabi niya bago pinagdaop ang mga kamay naming parehong nakagloves. I can't almost feel his arm too dahil sa sobrang kapal ng suot niyang padded jacket. Aside from the need to wear as much clothes as possible to cover ourselves up from the eyes of the people and the media, lumalamig narin ang panahon.

Now that he mentioned Japan, parang gusto ko nalang magbook kami ng tickets ngayon mismo at lumipad kami papunta doon.

We both love Japan. And if it's not too much to ask, I want to explore that country with him. For other normal couples, that wouldn't be impossible. Pero para sa amin, isa iyong pangarap na malabong matupad.

Hindi yata umabot ng ilang minuto yung paglalakad namin bago ko siya inayang pumasok na sa sasakyan niya dahil marami-rami na kaming nakakasalubong. I'm still paranoid and I know at some point, he's feeling the same way too. Takot kami pareho.

Nang makapasok, hinubad ko na lahat ng nakatakip sa mukha ko. Tinted naman yung sasakyan so they won't know we're inside.

I can feel Taehyung's eyes watching me kaya nilingon ko siya and I was right. He's looking at me... sadly.

Delululand Presents: VISUAL COUPLEWhere stories live. Discover now