CHAPTER 3

6 5 0
                                    

Kinabukasan...

Good Morning Tuesday!

5:30 am

Maaga akong nagising kaya kumilos na din ako. Pagtapos kong maligo bumaba na ako para mag ready ng breakfast. Tulog pa si manang ng ganitong oras. Nag luto ako ng bacon, eggs, fried rice, hotdogs para sa breakfast. Saktong pagtapos kong magluto lumabas si manang sa kwarto nya

"Oh ang aga mo namang magising? sana kinatok mo ako sa kwarto ko para ako na ang nagluto para sa iyo," inaantok pang aniya

"Okay lang po manang! Kain kana po."
yaya ko sa kanya

"Oh sya sige ipagtitimpla lang kita ng gatas,"   ani manang

"Kape nalang po sakin manang," Sabi ko

"Oh sya sige," aniya at naglakad na sya patungong kusina

Maya-maya lang dumating na si manang na may dalang kape, sabay na kaming nag-agahan. Pagtapos, umakyat na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang Cellphone ko para mag Facebook saglit. Pagka-online ko..

Laurenz Lim sent you a friend request.

Whaaaaaat?! Si Laurenz? I click his name

Laurenz Lim

Sent you a friend request

Beatriz Reign is a mutual friend.

Wow ha? Friend na sila? Bahala ka dyan kala mo aaccept kita. Icha-chat ko sana si Bea ng may makita akong message request

1 message request

Laurenz Lim:
Off to your house.

I immediately replied

Xynah Ren Lee:
What?!


Laurenz Lim:
I'll fetch you

Di ko na sya nireplyan at dali-dali akong nagbihis ng binlower ko ang buhok ko at nag lagay ng powder sa mukha. At konting liptint. Di ako nagpapaganda ha? Hahah! Pagtapos kong magbihis sakto namang may kumatok sa kwarto ko.

"Xynah bilisan mo na riyan nandito na yung manliligaw mo." Nang aasar na sabi ni manang. Ang bilis naman non?

"Manang, di ko naman po yan manliligaw!"
asik ko

"Oh sya sabi mo eh, bilisan mo na at bumaba kana"  narinig ko na ang yabag ni manang papalayo senyales na nakababa  na sya

Kinuha ko ang shoulder bag ko at bumaba. Naabutan ko si Laurenz sa receiving area bagot na bagot. Tss.

"Hoy tara na!" asar na yaya ko sa kanya

"You're too slow. Kanina pa ko dito."  Reklamo nya

"Aba sino ba kasing nagsabi sayo na sundin mo ko!" Nakapameywang kong sabi, tinaas nya ang dalawang kamay senyales na suko na sya

"Easy baby." He said while smirking

Pasimple akong napangiti sa sinabi nya. Baby daw ahihihi. Ahhh Xynah umayos ka nga!

Broken PromisesWhere stories live. Discover now