Chapter Five

454 29 0
                                    

"ANO KA ba? Bakit kailangan mo pang magpakahirap sa pagpila diyan? Puwede naman mamaya pagkatapos ng event?" tanong sa kanya ni Jami.

"Eh, gusto kong pumila eh! Para naman mas ma-feel ko na number fan nga ako ng One Day," sagot ni Soo Jin.

"Naku, bahala ka na nga. Tingnan mo kapag nakita ka nila tatawanan ka lang lalo na ni Tyrone," sabi pa nito.

Bigla siyang umingos. "Pakialam ko sa kanya," aniya.

Tumawa lang si Jami saka binalik ang tingin sa stage. Napangiti si Soo Jin habang pinagmamasdan ito, minsan, gusto niyang mainggit dito. Naikuwento nito sa kanya ang love story nito at ni Perry. At sa loob ng ilang linggo niyang pamamalagi sa PhilKor, nakita niya kung gaano ito kamahal ng huli. Kung sana'y makakatagpo din siya ng lalaking magmamahal sa kanya. Iyong tatanggapin ang lahat ng pinagdaanan niya, iyong lalaking kaya siyang protektahan. Marahil ay siya na ang magiging pinakamasayang babae sa mundo. Sa puntong iyon bigla pumasok sa isip niya si Tyrone. Agad niyang pinilig ang ulo saka humugot ng malalim na hininga. Bakit ko ba naisip ang lalaking 'yon?

Pagkatapos ng duty ni Soo Jin sa Coffee Shop ay agad niyang pinuntahan si Jami at sumabay dito papunta sa Fan Signing ng One Day. Excited siyang humarap sa mga ito bilang isang number one fan, hindi ang Soo Jin na madalas kaasaran ng mga ito. Gaya ng inaasahan niya, nagulat si Jason nang makita siya.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong pa nito.

"Magpapa-sign!" todo ngiting sagot niya sabay abot ng album ng mga ito na binili niya.

"Sabi na nga ba't may crush ka sa amin lahat eh," biro pa nito.

"Naku eh, sino ba naman ang hindi magkaka-crush sa inyo? Sa guwapo n'yong 'yan! Saka ano ka ba? Bago pa ako pumunta dito sa Korea, Hottest na rin ako!" pagmamalaki pa niya.

Kunwa'y napailing si Jason. "O siya, alis na!" pabirong pagtataboy nito sa kanya. Pagdating niya sa tapat ni John Kim ay natawa na agad ito, kaya sinakyan nito ang trip niya.

"Oppa!" malakas ang boses na wika niya dito.

Tumawa ng malakas din ito pagkatapos ay nag-high five pa sila.

"Grabe! Hindi ako makapaniwalang kaharap ko na kayo! I'm your number one fan! John Kim, sana ako na lang ang dream girl mo! Alam mo bang mahal kita, grabe! Bakit ang guwapo mo?!" walang preno at excited na sabi niya dito.

Habang si John Kim naman ay natatawa lang habang pinipirmahan ang album niya. Bago siya lumipat kay Nick ay may binulong sa kanya si John.

"Ang sama ng tingin sa'yo ni Tyrone," anito.

Napasulyap siya dito. "Lagot sa akin 'yan, ngayon ako gaganti sa kanya," sabi pa niya pagkatapos ay muli silang nag-high five nito.

Lalong tumaas ang energy level niya ng makita niyang nakangiti sa kanya si Nick. Kaya hindi niya napigilan ang mapatili.

"Nick, my gosh! Ikaw ang favorite ko sa lahat! Mahal na yata kita! Ikaw ang pinakaguwapo sa lahat! Ikaw ang pinakamabait! Grabe ka! Pa-shake hands naman, my gosh!" kilig na kilig na wika niya.

"Hindi ba masakit lalamunan mo sa kakasigaw?" tanong naman ni Nick sa kanya habang natatawa din.

"Ay hindi! Okay lang, basta para sa'yo!" mabilis niyang sagot sabay tili ulit. Hindi pa siya nagkasya doon, bahagya pa niyang kinurot ang pisngi nito.

Pagdating niya kay Perry ay bigla siyang kumalma. "O bakit kumalma ka?" tanong nito.

"Eh baka palayasin ako ni Jami mamayang gabi sa bahay eh," sagot niya.

Seasons of Love Series: Book 3 Memories of November FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon