Chapter Ten

830 47 2
                                    

After one year.

SINALUBONG si Tyrone ng malamig na ihip ng hangin. It's already the month of November. Napaka-espesyal ng buwan na iyon para sa kanya. Just a year ago when he finally realized how love gave him another chance on that Fall Season. Pero hindi niya inaasahan na kung gaano kabilis na dumating ito sa buhay niya ay ganoon din ito kabilis na mawawala.

Malapit na sila sa sasakyan na sumundo sa kanila doon sa Incheon Airport nang biglang may bumangga sa kanya.

"Choseonghaeyo," mabilis na hinging paumanhin ng babaeng nakabangga sa kanya saka pa ito nag-bow saka nagmamadaling tumakbo paalis. Mukhang nagmamadali ito. Malungkot na napangiti siya ng bigla siyang may maalala. How can he forget that day? Ang araw na nabangga siya ni Soo Jin sa mall.

"Tyrone, let's go," pukaw sa kanya ni Nick.

Pagtingin niya ay siya na lang pala ang hindi pa nakakasakay sa service van. Mula sa Pilipinas ay muli silang nagbalik doon sa Seoul, South Korea para sa panibagong album na ilalabas nila doon. Hindi niya alam kung gaano na naman sila katagal doon. Pero isa lang ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. It's another Season of Fall. He's praying that God will bring Soo Jin back in his life because he miss her so much.

"Okay ka lang?" tanong agad sa kanya ni Jason pagsakay niya.

"Oo naman," sagot niya.

"You look sad," ani John Lee.

Napatingin siya dito. "I'm okay," aniya.

"Si Soo Jin ba?" deretsong tanong ni John Kim.

Hindi siya nakasagot. Bagkus ay tumikhim siya ng malakas saka tumingin sa labas ng sasakyan at hindi na sumagot pa.

"Wala ka bang balita sa kanya?" tanong ni Perry.

Isang simpleng iling lang ang sinagot niya dito. It's been a year since he last saw her. Nang gabi ng birthday ni President Park kung saan nanggulo si Peter Seo. Iyon din ang gabi kung saan tinapos nito ang relasyon nilang nagsisimula pa lang. Naging masakit sa kanya iyon dahil bago pa lang sila nagsisimula ngunit iniwan siya agad nito. Inakala niya na sapat na siya para hugutan nito ng lakas sa tuwing nanghihina ito, pero nagkamali siya.

Kinabukasan, pagkatapos ng gabing nagpaalam ito. Hindi na nagpakita sa kanya si Soo Jin. Nabalitaan na lang niya mula kay Jami na umalis na ito. Ni hindi man lang ito nag-iwan ng contact number o ng address kung saan niya ito maaaring puntahan. Maging ang cellphone nito ay hindi na rin niya ma-contact. Sinubukan niya itong hanapin ngunit nabigo siya. Inasahan niya na kahit paano ay tatawag man lang ito sa kanya o magte-text ngunit walang kahit na ano ang dumating. Gusto niyang magalit dito dahil labis siyang pinag-alala nito. Gusto niyang maniwala na hindi na ito magbabalik pa. Pero malakas ang sigaw ng kanyang puso na isang araw, babalik si Soo Jin.

Bago umuwi sa dorm nila ay dumaan muna sila sa PhilKor Entertainment Office. Agad silang sumalampak ng upo sa malambot na sofa sa loob ng rehearsal room.

"Ate Janice, hanggang anong oras ba tayo dito? Gusto ko pang matulog eh," tanong pa niya.

"Bitin ka pa? Eh pag-upo mo sa eroplano nasa Pilipinas pa lang tayo nakatulog ka na hanggang makarating tayo dito. Bitin ka pa ng lagay na 'yon!" puna sa kanya ni John Lee.

"Eh sa inaantok pa ako eh," aniya.

"Aba eh di mahiga ka diyan," anang Manager nila. "Nasa meeting pa si Boss, mga thirty minutes pa daw siya doon. Kaya kailangan n'yong maghintay."

Seasons of Love Series: Book 3 Memories of November FallWhere stories live. Discover now