Red Zone: Pathogen

64 5 66
                                    

16:00

"Umabot na sa milyon-milyon ang infected. At sa nakalipas na tatlong araw, mas lalo pang tumataas ang bilang. Nawawalan na tayo ng kontrol sa mga nangyayari."

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa loob ng silid kasunod ng pahayag na iyon ni Admiral Craig na kasalukuyang nasa unahan.

Isa-isa kong sinuyod ang mga kasamahan ko sa parisukat na mesang nakalagak sa gitna ng silid. Labing limang indibidwal. Labing anim kung kasama ako.

"Akala ko ba hindi nakakahawa ang virus?" Walang siglang saad ng babaeng nakaupo sa tabi ko habang pinaglalaruan ang isang kutsilyo.

"Hindi isang virus ang Z-P. Isa 'yong bagong uri ng pathogen, Flint," sagot naman ng lalaking nakaupo sa tapat ng babae.

"Tama, hindi nga ito nakakahawa. Ang Z-P ay isang uri ng non-transmittable pathogen. Pero,"

Tumayo si Admiral Craig sa gitna at hinarangan ang screen sa unahan. "May nalaman ang intel natin kamakailan. Isang bio-lab ang nagpapakalat ng Z-P kaya't patuloy itong dumadami. At malaki din ang posibilidad na ang bio-lab na 'to ang gumawa ng Z-P."

Nagbago ang imahe sa screen. Isang litrato ng lalaking sa tingin ko ay kaedad ko lang ang nakadisplay ngayon do'n.

"S'ya si Tobias Moratov, ang pinuno ng organisasyong nasa likod ng operasyon ng bio-lab. Dati s'yang nagtatrabaho sa JFND bilang head ng Bio-Arm Research Group, pero matagal na s'yang inalis sa serbisyo."

Lumapit si Admiral Craig sa mesa at dinantayan kami ng tingin. "Sa Naval Amphibious Assault Command ibinigay ng JFND ang misyong sirain ang organisasyong ito at hulihin si Moratov, buhay man o patay. Bumuo kami ng isang bagong first-class assault team para ipadala sa Red Zone, kaya kayo nandito. Kayong labing anim ang bubuo sa SEAL 7."

Nalipat ang paningin ng lalaki sa direksyon ko. "Coleman, ikaw ang mamumuno sa team."

Tinignan ko lang s'ya at hindi na umimik.

Isang basag na tawa ang umagaw sa atensyon namin. Galing 'yon sa lalaking nakaupo sa harapan ko. "Mawalang galang na Sir, pero sa tingin n'yo ba susunod kami sa isang babae?"

Tumayo ako at diretsong tinignan ang lalaking nakaupo sa harapan ko.

"Pwede ba 'kong magpakilala, Sir?"

"Go on," sagot ng opisyal.

Iniabot ko ang kamay sa lalaki. Nginisihan ako nito at tinignan ang palad ko bago inabot.

Bago pa n'ya mahawakan ang kamay ko, mabilis kong hinablot ang pulsuhan n'ya. Marahas kong hinatak ang lalaki patayo at inikot s'ya, sabay hablot sa dogtag n'ya at idiniin 'yon sa leeg n'ya.

"Bwisit!" Daing ng lalaki.

"1st Lieutenant Gwen Coleman. Oo babae ako, pero kaya kitang balian ng leeg, Ensign Hushton," asik ko.

Binitawan ko ang lalaki na mabilis namang napahawak sa leeg n'ya para maghabol ng hininga.

"Thank you Sir." Sinulyapan ko si Admiral Craig bago ako muling umupo.

"As I was saying, your mission is to elliminate the organization and the bio-lab. This is a top secret mission. Tanging mga piling opisyal lang ang nakakaalam nito. And I'm giving you permission, shoot-to-kill," pagpapatuloy n'ya. "Mission will begin at 24:00 hour. You have 8 hours to prepare. Dismiss."

***

Dalawang araw na ang nakalipas nang magsimula ang misyon. Sa loob ng dalawang araw, tinahak namin ang tahimik na syudad sa labas ng safe zone. Literal na ghost town ang mga syudad na nasa Red Zone. Ni isang gumagalaw, wala pa kaming nakikita.

Red Zone: Pathogen (Oneshot)Where stories live. Discover now