chapter 1

454 20 2
                                    

Sarah POV

My name is Sarah Garcia 21 years old nag aaral sa isang unibersidad at ang aking kurso ay flight attendant, mag isa lang at walang kapatid ang aking nanay at tatay ay nakatira sa davao at ako ay nandito sa manila para makapag trabaho at makapag aral na din.

Sa loob ng 21 na taon ay ang masasabi ko lang sa aking buhay ay paulit-ulit lang parang walang buhay. Akalain mo yon lunes hanggang beyernes ay nasa skwelahan ako at pag dating ng sabado ay nagtatrabaho ako para na rin sa extra income para hindi na ako hihingi kina nanay at tatay.

Sa limang taon kong pag tatrabaho ay nakapag pundar na ako ng sarili kong condo at nakapag patayo na rin ng bahay para kina nanay at tatay.

About sa love life? Well nagkaka jowa naman ako pero sa ngayon ay nag fofocus muna ako sa pag aaral at pag tatrabaho wala akong oras dyan, saka na yang love life na yan makakapag antay naman yan.

Habang papunta ako ng aking classroom ay sa di kalayuan ay may matatanaw ka na parang nag hahalikan. Ako kasi yung taong hindi sumasabay sa mga maraming tao sa hallway or should i say hindi din ako palakaibigan. Pero may mga kaibigan din naman ako ehehehehe gulo ko ba? So back to the main topic nasa hallway ako kung saan di masyadong dinadaanan ng mga tao at sa isang bakanteng room ay may nakita nga akong nag hahalikan "PDA" nagulat ako nung una kasi pareha silang babae agad naman akong nandiri not totally na nandiri na sukang suka ka hahaha kasi nga diba-_- ako kasi yung tipong taong straight pa sa poste ng meralco. Pero ginagalang ko naman yung mga member ng lgbtq+ pero di ko maiwasang you know pag may makikitang di kanais nais. (Sorry G)

Agad naman akong napansin ng babaeng mataas ang buhok nagka eye to eye pa kami ng ilang minuto ng maka balik ako sa aking ulirat at pinag patuloy nalang ang aking paglalakad.

-

Natapos ang buong araw na parang wala lang. Wala lang kasi aside sa mag aaral uuwi na naman ako ng condo at gagawin ang mga assignments.

Tanchellie POV

"Pam please stop ang aga aga" sabi ko kay Pamela, si Pamela kasi yung taong clingy sobra parang linta kung maka kapit. actually fling lang kami nito at sya parang kinarer nya hanggang na abot sa point na parang nakakainis na sya.

"Namiss lang kasi kita babe" sabay halik sakin. Hindi naman ako nakapalag na kasi sa bilis ng kanyang galawan hanggang sa may dumaang babae nagka eye to eye contact kami at parang nag slow-mo yung paligid. ang kanyang buhok ay nililipad ng hangin at parang may mga paru parung lumilipad sa kanyang paligid pero agad din itong umalis. Pagkatapos akong halikan ni Pamela ay agad akong umalis at sinundan yung magandang babae.

Btw ako nga pala si Tanchellie Lobete 22 years of age isang flight attendant student may isang kapatid na babae at may anak na ako. Nabuntis ako nung 18 at yun imbes na huminto sa pag aaral ay nag patuloy parin ako andyan naman ang mama ko tumulong sakin at yung ama ng bata sinusustentuhan kami pero break na kami basta mahabang storya. At bago ko pang makaligtaan ay isa akong bisexual out and proud una hindi matanggap ni mama pero naintindihan nya naman ako kasi kung saan daw ako masaya susuportahan nya ako. At yung daddy ko pala ay separate na sila ni mama and yun.

Pauwi na ko sa bahay at sinalubong naman ako ng anak kong si davi na 4 years old na yung tipong pagod ka galing school pero napapawi lahat ng iyon pag nakikita mo yung munting anghel na nakangiti sasalubong sayo.

"Mumm" sabay takbo nya papunta sakin. Agad ko naman syang kinarga at hinalikan ay kanyang buong mukha.

"Hello hon hon! Imissyouu babyy" sabay halik ko sa matambok nyang pisnge.

"Imissyou momy" niyakap nya ako.

--

Bangag. HAHAAHAHAH patikim muna yan guys.
Please vote and comment!

Can't help falling inlove (gxg)Where stories live. Discover now