Chapter 2

386 21 2
                                    

Tanchellie POV

2 weeks simula nung araw na nasilayan ko ang kanyang ganda hindi ko na sya mawala pa sa aking isipan. Tuwing umaga ay palagi akong nakatambay sa hallway kung saan sya dumadaan, minsan nga sinusundan ko pa sya. Ewan ko ba bat ang lakas ng kanyang dating pag dating sakin yung para bang nag sslow mo lahat ng bagay kapag nagkakatitigan kayo sa mata sa mata at parang mauubusan ka ng hangin na lalanghapin. Ang korni ko na ba? Wala e tinamaan na nga yata ako ng malala ng babaeng yun.

-

Habang nagaantay ako dito sa may hallway napatingin ako sa aking orasan may 20 minutes pa naman ako bago ang unang klase ko at kung malalate man ako bahala na basta masilayan ko lg ang kanyang mga mukha.

Maya maya ay nag sisipasukan na ang ibang estudyante sa kanilang mga room at medyo wala ng tao sa hallway at yun ngaa nasilayan ko na sya, napangiti ako at parang may kung ano sa aking loob na nagising simula ng magtugma ulit ang aming mga mata.

Shet apakaganda di na kita papakawalan sabi ko sa aking isipan.

Habang papalapit sya ay parang hindi ako makapag hinga ng maayos para bang nawawalan ako ng oxygen na malalanghap *help*

Nang makalapit sya sa aking pwesto ay agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at nilapitan ko sya, sa ginawa kung ganon ay parang nabigla sya.

Wrong move ba? Tanong ko sa aking sarili. Ah bahala na basta ang goal ko ngayon is malaman ko kung anong pangalan nya. May naisip naman akong kalokohan at agad ko syang nilapitan ng mas malapit. Iiwas na sana sya pero agad ko syang kinausap.

"A-ah hi miss" shet bat pa ngayon ako nauutal. Akalain mo yung isang Tanchellie Lobete napautal nya.

Tinaasan nya lang ako ng kilay.

Aba yan gusto ko *wink* napa ngisi ako ng wala sa oras.

"Ano palang favorite number mo sa electric fan?" Napa facepalm nalang ako sa walang kwenta kong tanong.

Nice one Tanch apaka talino mo talaga sa lahat ng bagay-_- *insert sarcasm*

"Sorry naka aircon ako" sabay lagpas nya saken.

Haneep! May araw ka rin sakin. Naglakad nalang ako papunta sa classroom ko at badtrip na nakinig sa mga prof.

Sarah POV

Simula nung araw na nagkatitigan kami parang may nagmamasid sa akin at parang may sumusunod na kung saan ako pupunta pero pinag sawalang bahala ko nalang yon at patuloy nalang ang aking ginagawa. Sa loob ng 2 linggo parang may kung anong nagbigay ng udyak sa akin na kilalanin yung babaeng may kahalikan sa bakanteng classroom.

According sa nahagalap kong balita yung babaeng yun sikat pala sya sa university na pinapasukan namin at madaming nagkakandarapa sa kanya pero parang wala lang ito sa kanya. *sanaol*

Yun lang na hagalap ko pero nope straight ako. Siguro na curious lang ako kasi sa kanyang mga mata? Yung mga mata nya kase ay brown at para kang hinihigop pag tinignan mo yun parang ganon nga.

Bastaaaaa yunn na yun, at inpernes ha maganda sya yung matangos nyang ilong at mapupulang wait did i check her out? Nooo!!! Straight ako okay?

Erase! Erase! Makapag pasok na nga baka ma late pako-_-

20minutes nalamg at mag sisimula na ang unang klase ko kaya naisipan ko ng pumasok as usual dun ako dumaan sa fav daanan ko, yung walang katao tao at peaceful *insert wide smile*

Habang papalapit nako sa room ko ay may natanaw akong isang magandang dilag, bat parang ang hot nya sa uniform namin?

At parang nag sslow-mo yung paligid ng nag tugma ang aming mga mata may kakaibang nadarama tama pa ba to? Straight pa ba ko sa ayos ko? Or napabaliko na nya ako? No wayyy ayoko pang pumasok sa isang relation at isa pa straight ako! Straight!

Nakita ko naman yung pag silay ng kanyang ngiti na nagpatunaw ng aking puso shet straight pa ba ako? Tama na please.

Habang papalapit ako sa kanyang pwesto ay tumayo na sya at lumapit din saken. Medyo nagulat ako sa pag lapit nya ng maka recover ako ay Maya maya ay kinausap nya ako.

Pre kinausap nya ako!!!

Baka anong gawin nya saken baka halikan nya rin ako!! Hindi pwede kailangan kong umiwas hanggat maaga pa.

Pero bago pa naman ako makaalis sa harapan nya ay nakapag salita na sya.

"A-ah hi miss" ang kyuttttt! Nautaaal sya. Nababading nako hindi to pwede!! Parang kinain ko na rin yung sinabi kong straight pa sa poste ng meralco to-_- pero pakipot muna hehehehehe.

Tinaasan ko lang sya ng kilay. Napa ngisi naman sya sa ginawa ko. Battt angggg hooot!!!!!

"Ano palang favorite number mo sa electric fan?" Tanong nya.  Tae anong klaseng tanong yan hahahaha gusto kong matawa pero sinagot ko ang kanyang tanong.

"Sorry naka aircon ako" pagkasabi ko sa kanya nyan ay nakita ko pa ang pamumula ng kanyang mukha pagkatapos nun ay nilagpasan ko na sya.

Ang epic ng kanyang mukha HAHAHAHA pero ang kyut nyang mamula ;)

Hay nako Tanchellie.

-
Hi

Can't help falling inlove (gxg)Where stories live. Discover now