♡ChApTeR~100♡ (SEASON 2 ON GOING)

821 35 5
                                    

       MY YAYA IS MY GIRLFRIEND           
                     SEASON 2
                   ( ON GOING )

♡SEAN THEO POV.♡

ISANG MAGARANG handaan. Nagsasayahan,nagtatawanan, at nag tatalunan. Lahat ng yan ay nakikita ko ngayun.

Maraming tao. Nagsisigawan at nagbabatihan.

Mga pawang batang nag ngingitian.

Sa isang malawak na lugar may isang nag iisang Stage. Stage na nakaka agaw masyado ng pansin.

Sa magkakabilaang gilid may napaka laking speaker dahilan para mas lalong umingay ang paligid.

Linya linyang mga upuan, mga naka sapatos na itim at nag gagandahan at nag guwa guwapuhang mga students. Isa na ako dun. Tilian ang namutawi ng may isang emcee na tumaas. At heto si Simon. Sya ang napiling maging emcee sa lahat ng level.

Napuno ng students ang oval ng SSU. Ang mga parking lot at halos mapuno. Nag kalat ang mga tao.

Hindi mawala ang saya na nararamdaman ng lahat. Ang ngiting ni hindi manlang matanggal sa kanilang bibig.

"Students!!!" Isang malakas na sigaw ni Simon.

Dahilan para tumayo at mag sigawan ang lahat. Nakakarindi pero sobrang saya.

"Are You Ready?" Tinig ulit ni Simon.

Lalong umugong ang malalakas na sigaw at tili ng mga kababaehan at mga bakla.

Hindi nila inisip kung ano man ang problema nila ang mahalaga masaya sila. Masaya kami. Hindi namin iniisip ang mga nakaraang araw.

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti lalo na't katabi ko ang mga kaibigan at girlfriend ko.

Napaka special ang araw na tuh. Napaka halaga at hindi mo talaga makakalimutan kung gaano ka naging masaya sa araw na ito.

Yung sayang hindi pang panandalian dahil kahit matapos ang araw na ito masaya paren ang lahat.

Gusto kung hilinging wag matapos ang araw na ito dahil sa sayang nararamdaman ko.

Ang lahat ng Daddy namin ay nasa harapan. Nakaupo at naka ngiti. Sobrang saya rin nilang makitang masaya kami.

Makikita sa gilid ang isang lamesang napa ka haba at maraming pagkain. Hinanda nila Dad yan para sa lahat ng students.

Matagal ring hinintay ng mga students ang araw na ito, at maging ako. Pero ngayung andito na hindi ko inakalang mas magiging masaya pa ako.

Marami mang kahindik hindik na nangyare sa SSU pero ngayun parang wala na lang dahil nga sa araw na ito.

Kami na siguro ang pinaka masayang istudyante sa mundo.

Matapos magsalita ni Simon ay may nag silabasang mga lobo sa kanyang gilid. Inilagay na muna nila yun sa gilid. Bago ulit nagsalita ang mga Daddy namin. Wala na akong maintindihan dahil sa sayang nababalot sa puso ko.

Ang pag hinga ko ay sobrang gaan. Ang pag ngiti ko ay sobrang sarap sa pakiramdam.

Sa bawat taon o sa kahit anong level. Mapa highschool man o mapa college ay taon taong nagaganap ito. Isang beses lang sa bawat taon. Ang araw na yun ay heto. Halos mag kaka parehas kami ng suot walang pinag kaiba. Wala kahit sa ribbon na naka sabit sa kanang dibdib namin ay mag kakaparehas talaga.

Maraming students. Pulos naka itim. May suot na itim na toga at may hawak na diploma.

Ngayun? Alam nyu na ba? Kung ano ang ibig sabihin neto? O kung anong araw ngayun?.

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now