X2

66.2K 1.7K 108
                                    

SHELLANE POV

“GOODLUCK Shellane! Kaya mo ‘yan. Just look at the bright side.”

I rolled my eyes. “Bright, bright ka dyan. As if makakatingin pa’ko sa bright side kapag ganitong klaseng assignment ang ibinigay sa’ken.” Pagtataray ko sa kaibigan slash ka-trabaho kong si Jenine.

“Hanggang ngayon, mainit pa rin ang ulo mo? Isipin mo nalang na swerte ka pa rin dahil ang ii-stalk mo naman ay saksakan ng gwapo. Bonus na ‘yun ‘no!”

“Bonus? Kapag hindi ako nakakuha ng interview sa kanya, mawawalan ako ng trabaho. Mga pakana talaga ng boss natin eh.” Inaayos ko na ang shoulder bag ko. Nakasuot ako ng pants at blouse ngayon. Malayo sa lagi kong suot na polo blouse at slacks. Papunta kasi ako sa bar na pag-aari ni Ace Xander Jung, magbabaka-sakaling naroon ‘yun. Kakausapin ko siya ng maayos para mapapayag ito sa isang one on one interview.

“Pagpasensyahan mo nalang. Tumatanda na eh. Ha-ha!” Tumatawang sabi ni Jenine habang prente itong nakaupo sa cubicle nito na katabi lamang  ng cubicle ko.

Naayos na ang gamit ko at handa na akong magsimulang mang-stalk. “Ano pa nga ‘ba? Psh.” Napapailing na sabi ko. “Alis na’ko.” Paalam ko saka umalis na.

Diretso ako rito sa parking kung saan nakaparada ang kotse ko. Syempre may kotse ako, ito nalang ang natira sa’ken mula n’ong maghirap kami. Regalo pa sa’kin ito ng Papa ko n’ong 18th birthday ko kaya iningatan ko ‘to. Kahit naman may sama ng loob ako sa Papa ko dahil iniwan niya kami, malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang ama ko at hindi naman siya nagkulang no’ng nasa amin pa siya.

Pinaandar ko na ang makina ng kotse ko at nilisan ang establisyamentong iyon kung saan ako nagta-trabaho. Kanina ko pa tiningnan sa google map ang Spade Bar na pag-aari ni Ace Xander Jung kaya alam ko na papunta roon. Goodluck na lang sa’ken dahil hindi ako party girl. Hindi ako sanay sa mga bar. Isa sa pinaka-ayaw kong lugar ang bar. Napaka-ingay at parang mga nakawala sa koral ang mga tao ro’n. Hindi ako killjoy. Hindi ko lang talaga naa-appreciate ang mga bar.

Nang makarating ko ang bar ay ipinarada ko ang kotse ko sa parking lot saka bumaba. Ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang kaba. Kapag kasi naiisip kong isang gangster ng ipinunta ko rito, kinikilabutan ako. Dati naman kahit pulis, sundalo o criminal pa ay kaya kong interview-hin. Ewan ko ba kung bakit sa gangster ay parang nababahag ang buntot ko.

Grabe! Labas palang ng bar, napaka-iingay na ng mga tao rito. Palibhasa, ganitong oras ay marami talagang tao sa bar. Alas siyete na ng gabi at kadalasan ay tambayan ito ng mga socialites. Pumasok ako sa loob. Nakapasok naman agad ako dahil nasa itsura ko naman siguro ang nasa legal age na para mag-bar. Marangya ang itsura ng bar. Halatang hindi basta basta bar lang. Maraming tao sa loob at disete ang itsura ng mga waiter at waitress dito hindi tulad sa ibang bar na nagbebenta yata ng laman. Jusko! Yung mga kababaihang narito sa bar, kulang nalang ay maghubad dahil sa mga suot nila. Desperada nab a talaga silang magpakita ng katawan para mapansin lang? Kahit yata sa panaginip ay ‘di  ko maisip na magiging ganyan ako.

XBANG Series 2: Ace Xander JungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon