01

2K 207 192
                                    

CHAPTER 1

ELLA

TAMA SILA. Time flies so fast when you're having fun. Parang nakaraan lang, hilong-hilo ako pagkagising ko after namin mag-bar. Tapos, parang kahapon lang ay nakahilata lang ako sa kama ko habang nagbabasa. Bakit ngayon ay naka uniporme na ulit ako at nagmumukha na ulit na sampayan sa sobrang dami ng dala-dala ko na bag?

Kahit na inaatok pa rin, binilisan ko na ang paglakad papasok sa campus at dumiretso agad sa classroom. Hindi ako p'wedeng ma-late ngayon. Second semester na. Kailangan kong panindigan 'yong title na binigay ko sa sarili ko na 'good student'.

Pagkapasok ko palang sa classroom, sumalubong agad sa akin ang ingay ng mga kaklase ko. Ay, hindi pala sumalubong since kahit nasa hallway palang ako, rinig na rinig ko na sila. Umupo ako sa bakanteng upuan sa 3rd row sa dulo kung saan katabi ko ang bintana. Mas okay na 'tong p'westo na ito. Sapat na 'yong isang side ng tainga ay nasa maingay na side, at ang isa naman ay nasa tahimik na side.

Kahit na matagal ko nang kaklase ang mga kaklase ko ngayon, hindi pa rin ako sumasama sa mga circle of friends nila. Tuwing may groupings or projects lang kami nagkaka-usap. May mga nakikipag-usap naman sa akin pero tuwing may kailangan or tanong lang talaga sila. Meron naman ding time na kinakausap nila ako kasi hindi lang talaga mapigilan hindi magdaldal.

Inayos ko lang ang mga gamit ko bago aliwin ang sarili sa cellphone. Napaaga yata ako. Five o'clock palang at ang simula ng first class namin ay six o'clock. Eh, mas mabuti na 'yong maaga kaysa ma-late.

Habang busy ako sa pag-i-scroll up and down sa cellphone ko, narinig ko ang mga tilian ng mga estudyante. Siguro nakakita na naman sila ng artista sa baba. Dito kasi sa Luna, maraming mga sikat na tao ang pumapasok dito. Hindi na bago sa amin ang makita ng mga sikat at kilalang tao sa mga hallway. P'wera nalang kung first year student ka. No'ng first year ako, grabe gulat ko no'ng makita ko ang isa sa model na iniidolo ko. Buti nalang hindi ako nagtitili noon dahil nakakahiya para sa mga higher year. Pagsisisihan din ng mga first year 'yang pagtili nila kapag nag second year na sila rito.

"Uy, gagi! Kilala n'yo 'yong banda na Knight Band?" Rinig kong hinihingal na sigaw ng isa sa kaklase ko. Nabaling ang atensyon ko sa kanya na nasa pintuan.

Banda 'yon na sinalihan ng kapatid ni Samantha, ah? 'Yong tumugtog doon sa Oceana last last week? May one time—no, two times ko na rin na nakita ko silang nag-perform dahil kasama nila si Samantha noon sa isang bar. Kumanta sila. Sa pagkakaalala ko, apat na lalaki ang miyembro ng band na 'yon, kasali na ang Kuya ni Samantha. Sa nasaksihan ko noon, sikat ang banda na iyon. Hindi lang dito sa Pilipinas, kundi pati na rin sa iba pang bansa.

"Bakit?"

"G*go! 'Yong isa raw sa member, paakyat dito sa building natin!"

Mabilis na nagsitayuan at nagtakbuhan ang iba kong kaklase papalabas ng room at doon, para silang nakakita ng multo dahil bigla silang napahinto sa pagtakbo at nanigas lang doon sa kinatatayuan nila.

Tumaas ang isa kong kilay at tumingin sa exit door kung saan sila nakatingin na lahat. Nanliit ang mata ko nang makita ko ang isang lalaki na black cap na pumasok doon. Nang makatapak siya sa loob ng classroom, naging malikot ang mata niya na parang naghahanap ng kanyang uupuan.

Bakit parang nakita ko na 'tong lalaki na ito sa kung saan. Mas nanliit pa ang mata ko nang magtama ang tingin naming dalawa—or assuming lang talaga ako na nagtama ang mata namin dahil mabilis na naalis sa akin ang tingin niya?

Nang parang nakahanap na siya ng uupuan niya, naglakad na siya habang inaalis sa balikat backpack niya. Doon ko lang na-realize na sa gawi ko pala siya patungo. Nilingon ko ang likod at nakitang hindi iyon bakante, tiningnan ko naman ang gilid ko at hindi na rin iyon bakante. Huli kong tiningnan ang nasa harapan ko na upuan at doon ko nakita na bakante iyon. Nang lilingunin ko na sana siya ulit doon sa pintuan, wala na siya roon at nasa gilid ko na, naglalakad papunta sa upuan sa harapan ko.

MISSION: Break The Bad Boy's Heart (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon