02

1.3K 188 268
                                    

CHAPTER 2

ELLA

"JUST TRY to play any instrument that first caught your attention," natatawang wika ni David habang itinutulak ako papasok sa music room ng bahay nila.

Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Gonzales dahil wala akong magawa sa bahay. I was hoping na nandito si Sam pero iba ang sumalubong sa akin sa pintuan ng bahay. Isang mukha ng mokong ang sumalubong sa akin. Wala raw si Samantha at sumama sa group study. May choice naman ako na umalis na at tumambay nalang sa bahay pero, wala akong kasama sa bahay dahil umalis si Kuya habang sina Papa at Mama naman ay nasa trabaho. Ayaw ko nga mag-isa sa bahay.

It's three o'clock in the afternoon and kakauwi ko lang galing sa university. Wala naman akong ibang gagawin dahil tapos ko na lahat ng academic works ko kaya nandito ako. Hindi ko rin nakita si Sam kanina kaya iniisip ko na pumunta nalang dito sa bahay nila. Hindi ko rin pala siya makikita rito,

Inirapan ko siya at umupo sa sofa. "Hindi nga ako magaling sa mga instruments!" giit ko.

"Anyone can play musical instruments! What are you on? You're degrading yourself." Inirapan niya ako pabalik at kinuha ang gitara sa stand nito. Iniharap niya rin sa akin ang keyboard niya.

I scoffed. "Well, I am not one of them anyone you're talking about."

I... suck at music. No'ng nasa high school pa nga lang ako, ayaw na ayaw ko na sa Music naming subject. Our music teacher once allowed us to pick whatever musical instruments we thought we could play. Nakapili na ng mga instruments ang mga kaklase ko. Me? Nasa gilid lang ako kasi sa paningin ko, hindi ko kayang gamitin lahat ng mga intruments na iyon. As in, wala ni isa. What happened? Tinulungan ako ng teacher ko, and guess what. Tama ako. Hindi ko kayang tugtugin lahat ng nakahandang intruments. Ending, naiwan ako sa classroom namin habang ang mga kaklase ko ay nasa music room at tumutugtog.

Naalala ko pa na kinausap ako nina David at Sam noon—hindi sila nakatulong.

"There's at least one musical instrument you can play. Iniisip mo lang na wala kasi ayaw mo."

Pumalakpak ako. "Wow! Coming from you?"

"'Di ba? Ang inspirational ko ng tao ngayon," taas noong wika niya. Sinimangutan ko siya. Akala ko naman nagiging mabait na siya.

"Tigilan mo nga ako. Uuwi na lang ako." Tumayo na ako pero may ibinato siya sa akin na hugis triangle pero pabilog ang mga sulok.

Kinuha ko iyon at ipinakita sa kanya. "Ano 'to?"

"Guitar pick," sagot niya. Naglakad siya papunta sa akin at bigla nalang inilagay sa bisig ko ang gitara niya. "Try mo mag-random strum."

Kinunuotan ko siya ng noo pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Sino ka para utusan ako?" pagtataray ko sa kanya bago ayusin ang pagkahawak sa gitara. Hindi ko alam kung tama ba ang hawak ko, basta hawak ko siya. Tiningnan ko muna siya bago kalabitin ang string ng gitara gamit ang pick na binigay niya. Sa tingin ko kasi gamit iyon sa para gumana ang gitara.

Nangilabot ang buo kong katawan nang marinig ang tunog na ginawa ng gitara pagkatapos kong kalabitin iyon. Parang sinapak ang eardrums ko.

"Okay." Tumayo ako at ibinigay sa kanya pabalik ang gitara. "No."

Katahimikan ang bumalot sa amin nang mga sumunod na segundo. Narinig ko nalang bigla ang nakakainis na tawa ni David kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Hindi siya natinag at hinampas-hampas pa ng mahina ang gitara niya habang tumatawa. Padabog akong umalis doon sa sofa at akmang hahakbang na ako papunta sa pintuan nang bigla nalang itong kusang bumukas. Wow, automatic na bahay nila? No. May nagbukas lang mula sa labas.

MISSION: Break The Bad Boy's Heart (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon