Unang Kabanata

1K 14 0
                                    

Part1

Margo
POV

"Kamusta ka hija?" Sabi ni Tito Jr na kapatid ng Papa ko.

Malungkot na malungkot ako habang kumakain kameng tatlo nila ni Tita Rose na asawa nya. Halos araw-araw nilalambing nila ko kaso lumilipad palagi yung isip ko tungkol sa nangyaring aksidente saken noong 7 years old palang ako. Naaksidente kame ng buong pamilya ko sa kotseng sinasakyan namin. Kasama ko sila Mama, Papa at yung dalawang kapatid ko. Ako yung panganay at ako lang din ang natira saming lima nung bumangga sa truck yung sinasakyan namin. Ngayong 13 years old na ko hindi ko parin sila makalimutan. Bumabalik palagi sa isip ko yung nangyare noon.

"Hija, kumain kang mabuti." Mahinahon na sabi ni Tita Rose.

"O-Opo." Pabulong kong sabi.

Nagpatuloy na kame sa pagkain. Halos araw araw ganito kame. Hinihiling kong sana wag silang magsawa saken. Palagi kase kong tulala, tahimik tyaka hindi nakikipag-usap...

*

Pagkatapos naming kumain.

Nagpresinta akong maghugas ng pinagkainan kaso lagi silang umaayaw. Hiyang-hiya na ko sa mag-asawang to. Mula bata ako hanggang ngayon pinagsisilbihan parin nila ko. Masaya naman ako dahil binebaby nila ko lalo't walang kakayahan si Tita Rose na magbuntis. Kumbaga inampon na nila ko mula ng mawalan ako ng pamilya.

"Sige na hija. Magpahinga kana. Kame na ng Tita mo ang bahala dito." Sabi ni Tito.

"G-Good night po Tito, Tita." Pabulong kong sabi tapos naglakad na ko't umakyat saka nagpunta sa kwarto ko...

*

Kinabukasan. 6:15am.

*knock knock!

'Margo, gising na.' Boses yun ni Tito.

Sya palagi ang taga gising ko sa umaga. Si Tita kase yung nasa kusina para magluto. Bumangon na ko saka sumagot.

"Opo Tito. Babangon na po." Sabi ko.

'Okay sige. Maligo kana. Pagkatapos kakain na tayo.'

"Opo." Sabi ko.

Narinig kong papaatras na sya't naglakad na pababa. Kumilos na ko saka niready ang school uniform ko pagkatapos kumuha ako ng twalya sa drawer. Pagkakuha nagpunta na ko sa banyo para makaligo.

*

Pagkatapos kong maligo nagbihis ako't nag-ayos. Nalulungkot nanaman ako. Halos araw araw lalo na tuwing umaga nalulungkot ako sa nangyari dati.

"Hays."

Lumabas na ko dito sa kwarto dala-dala tong backpack ko. Bumaba ako saka nagpunta sa dining area.

"Good morning hija." Masayang bati nilang dalawa.

"G-Good morning po Tito, Tita." Pabulong kong sabi.

Lumapit ako sa kanila saka nakisalo sa pag-upo. Tahimik ulit kaming kumain kagaya ng palagi naming ginagawa. Nasanay na sila saken na hindi pala kausap.

"Kain na." Sabi ni Tito.

*

Pagkatapos naming kumain nagligpit sila saka nag-ayos dito sa bahay bago kami umalis. Si Tito kase crew sya sa bookstore. Si Tita naman ang bantay sa isang petshop na malapit lang naman dito sa bago naming tinitirhan. Bali ihahatid muna ko ni Tito sa school bago sya pumasok sa trabaho.

"Osha, halika na. Baka ma late si Margo sa first class nya." Sabi ni Tito.

Tinanggal na ni Tita lahat ng saksak sa sala gaya ng TV, Electricfan tapos pinatay na nya yung mga ilaw. Magkakasama kaming lumabas dito sa bahay saka na ni-lock ni Tito yung pinto. Pagkatapos sumakay na kame sa kotse nya. Una naming ihahatid si Tita sa petshop. Makalipas lang ang ilang minuto nandito na kame sa kanto kung nasan yung petshop na pinagtatrabahuhan ni Tita.

Ex 2 (COMPLETE)Where stories live. Discover now