Tinamaan/Tatamaan

227 4 0
                                    

Part9

Justine*
POV

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nila. Napalunok akong iniisip kung tinamaan nga ba ko kay Margo. Hindi naman ako ganito na iniisip e nag-iisa lang na babae. Dati kahit sino kahit ilan iniisip ko pero ngayon bakit puro yata si Margo. Grabe, never pa kong humabol sa binully ko. Never pa kong nanghatid ng babae sa tinitirhan nila.

Sabi ni Josh... "Uhm, Tin? You okay?"

"P-Pano kung tinamaan nga ko? Pano kung may gusto nga ko kay Margo. Shit, anong gagawin ko. Kaso parang may gusto sya kay Tom? Pano na ko. Anong gagawin ko..."

Natatawa si Kyle na tumapik sa kanan braso ko. Sabi pa nito gawin ko nalang yung best ko para hindi mapunta si Margo kay Tom.

"Oh, simulan ko kaya bukas?" Sabi ko.

"Teka teka. Sabi mo may gusto sya kay Tom? E si Tom ba may gusto sa kanya?" Sabi ni Josh.

"E oo kase si Tom yung madalas nyang kasama nung unang pasok nya sa school. Buti nga nagkasakit yung gagong yun kaya walang umaaligid kay Margo..." Sabi ko.

Nagtataka silang lahat hanggang sa pinag-usapan na namen si Tom. Kilala kase naming lima si Tom na babaero at mahilig sa bata lalo na sa virgin. Sabi ni Josh imposible na magkagusto si Tom kay Margo. Sumangayon naman ang lahat.

"Alam ko yung trip ni Tom kaya hindi ako papayag na makuha nya si Margo..." Sabi ko.

*

Matapos ang inuman.

Bigla nalang nagsalita si Josh at kinuwento sa amin na tinawagan nya si Tom kanina para sa assignment na pinapagawa ng professor namen.

"Ayun babae yung sumagot. Umuungol pa nga tapos hingal na hingal si Tom. Nakikipag agawan pa nga ng cellphone sa babaeng kasama nya. Feeling ko hindi si Amie yun. Diba madalas silang mag ano ni Amie?"

Napailing-iling nalang ako sa inis. Hindi ko maimagine kung makukuha na ni Tom si Margo. Pagkatapos nun paniguradong iiwasan na nya si Margo.

"Damn it. Kailangan ko na kumilos. Hmm..." Sabi ko.

"Relax dude. Sabi nya nanonood daw sya e? Tapos ayun while nanonood sya nag aano alam mo naman tayong mga lalake. Haha!" Sabi ni Josh.

"Nako, hindi ako naniniwala dun. Kayo ba naniniwala kayong nanonood yun ng lagay na yun? Diba nga kunsintidor Tatay nya sa ginagawa nya. Kung sino sinong babae na inuuwi ni Tom dun sa kanila..." Sabi ko.

Well, nag agree silang apat. Basta sabi ko lang kailangan kong maagaw agad si Margo hangga't maaga.

"Go dude. NakaSuporta naman kame sayo." Sabi nila...

*****

Margo*
POV

Habang nakahiga na ko dito sa kama. Nagmumuni muni ako't iniisip kung ano na kayang ginagawa ni Tom ngayon. Iniisip ko din si Justine kase inaalala ko yung babala nya tungkol kay Tom.

"Hmm. Baka naman kinukuha lang ni Tom yung loob ko para mainlove ako sa kanya? Kaso, baka naman may galit lang talaga si Justine kaya sinisiraan nya si Tom saken?"

Pabaling-baling tuloy ako dito sa kinahihigaan ko. Dumapa na ko at nagpalumbaba habang nag-iisip. Grabe, hindi din maalis sa isip ko si Justine. Yung itsura nya grabe talaga. Yung tingin nya saken tyaka yung kilos nyang slowmo parang nagbu blurred yung kapaligiran. Ang gwapo kase nya tapos naalala ko dati nakita ko na syang walang suot pang ibabaw. Nagbasketball sila nun sa dati kong school. Grabe yung abs nya.

"Yiiiiie! Gosh. Ano ba tong iniisip ko."

Naiinis tuloy ako sa sarili ko kase kinikilig yata ako. Hindi ako makapaniwala na hinatid ako ng crush kong nambully saken tapos ngayon palagi na nya kong pinapansin.

Ex 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon