Prolouge: ᜃᜓ

4.4K 113 2
                                    

Prolouge:

"Aray!"

Nakakabinging sigaw ang naihain ni Eris ng diinan ng kanyang kapatid ang tela na ipinupulupot sa katawan nya.

"Sigurado kaba sa gagawin mo Eris?"

Matamnan na tinignan ni Eris ang repleksyon nya sa salamin,Gupit na panlalaki,Pekeng balbas.At ang katawan nyang mapayat ngunit tatakpan ng mabigat na damit bilang isang Imperyal na Gwardya sa palasyo.

"Hindi ako matatahimik hangga't hindi nagbabayad ang pumatay kay inang"

Marahang hinila ng kapatid nya ang tela na binabalot ang dibdib nya upang takpan ang pagkababae nya.

"Pano kung malaman nila na isa kang babae?"

Ani ng kapatid nakakabata nyang kapatid na si Iris habang inaayos ang gupit nya sa likod.

Ilang araw pa lang ng malaman nya ang pagkamatay ng iilan sa mga kasama nila sa labas ng palasyo kasama ang kanyang Ina.

Gumawa ang mga ito ng pagtitipon upang kwestyunin ang kahirapan nila sa ilalim ng pamumuno ng reyna.

Brutal ang pagkamatay ng mga ito,Gamit ang pana at espada,Sinunog ang mga katawan nito na tila ba isang hayop.

Paghihiganti,Paghihiganti ang naituring nyang isang sagot para matapos ang dalamhati ng mamamayan nila.

Kahapon lamang ng malaman nya ang tungkol sa pagpapasok ng palasyo sa mga lalaking interesado upang tayuan ang pagiging hari.

Reyna ang nagpautos ukol dito,Marami ang gustong sumubok ngunit alam ng lahat na ang reyna ng kanilang kaharian ay walang sing tigas ang puso.

Sya lamang ang nagiisa na sumubok sa labas ng kaharian upang makapasok sa loob ng palasyo.

"Hindi nila malalaman na isa akong babae,Sa abilidad ko palang ay kaya ko na silang pahangain,Para san pa kung di ko gagamitin ang tinuro ng itay"

Sagot nya sa kapatid at tumayo sa kinatatayuan nya,Pinagmasdan nya ang sarili.

Pitong taon ng matuto syang lumaban gamit ang iba't ibang matutulis na bagay,Isang imperyal na gwardya ang kanyang ama ngunit namatay ito sa pakikidigma.

"Para kang tunay na lalaki Eris,Hindi nga nila mahahalata na isa kang babae"

Manghang sabi ni Iris habang nakatingin sa kapatid nya,Suot ang damit ng kanyang ama at ang espada nito,Idagdag mo pa ang peke na balbas na nakakapagpalabas sa pagiging lalaki nito.

"Aalis nako Iris,Uuwi uwi ako para kamustahin ka"

Pagpapaalam ni Eris at isinuot na ang huling sangkap ng kanyang suot,Ang proteksyon sakanyang ulo.

Pagkalabas nya ay agad syang sumampa sa puting kabayo at prenteng umupo dito.

"Magiingat ka,Eris"

Marahang tumungo si Eris ay tuluyan ng nilisan ang kanilang lugar.

Isang bundok lamang ang pagitan ng kanilang lugar palasyo.Isa't kalahating oras,Yan ang naging byahe nya patungo sa palasyo.

Nang makarating na sa palasyo ay hinampas nya ang kanyang kabayo at pinaglakad ito papasok.

Bantay ang nga Imperyal sa palasyo,May isang fountain sa gitna nito at makikita mo ang design ng isang kaharian.

Pangalawang beses na nya itong nakapasok,Agad nyang tinungo ang gitnang daan papuntang silid.

Makikita ang halos singkwenta na kabayo sa labas nito,Lahat ito ay may palatandaan na mayayaman ang mga sumubok,O kaya prinsipe at hari ng ibang kaharian.

Marahan syang bumaba at itinali ang kabayo sa dulo ng isang bakuran,Yun nalang kasi ang nagiisang pwesto.

Pinagmasdan nya ang mga lalaki sa paligid nya,Matitipuno ang nga katawan nito at halatang sanay sa pakikipagdigma.

Agad nyang inayos ang tindig nya at naglakad bilang lalaki,Pumasok sya sa isang silid kung saan gaganapin ang pagtitipon.

Marahil halos lahat ng babae ay lumilingon sakanya.Makapal ang kanyang kilay,Matangos na ilong,Mapupulang mga labi,Idagdag mo pa ang gray nyang mata.

Nahuli sya sa pagtitipon ng ilang minuto,Sa pagpasok sya sa silid ay agad syang pumila sa pinaka dulo.

"Bigyan ng pugay ang ating reyna!"

Pagkapwesto pa lamang nya ay tuluyan ng tumunog ang mga trumpeta,Lahat sila ay lumingon sa kaliwa at ang nasa kabilanh linya sa kanan.

Binigyan nila ng espasyo ang pagdaan ng reyna tungkol sa pagkikilatis ng kanilang mga mukha.

Nanahimik ang buong silid ng lumabas ang reyna sa isang pinto sa likod ng trono.

Suot suot ang pulang gown na pinaliligiran ng mga ginto na palamuti.

Halos lahat ng binata sa silid ay tuluyan ng nawala sa sarili ng makita ang reyna.

Taglay nito ang isang alindog na hindi makukuha sa isang babae sa palasyo.

Ang mga buhok nito ay nakawagayway at nakatrintas sa magkabilang gilid,Suot ang korona at mabibigat nyang nga hikaw at kwintas.

Pinagmasdan ng reyna ang mga binata sa silid ngunit isa lang umagaw ng atensyon nya.

Ang isang lalaki sa dulo at hindi ito lumilingon sakanya.

Marahan syang bumaba ng hagdan at naglakad sa espasyo ng kanyang daanan.

Lahat ng mga kanyang nadadaanan ay natutulala,Ang isang prinsipe ay lumuhod sa harap nya at hinawakan ang kamay nya ngunit hindi nya ito binigyan ng pansin.

Isa lamang ang tinitignan nya ngayon,Ang lalaking hindi naaakit sa alindog na meron sya.

Tinapatan nya ang tinitignan ng binata,Mas matangkad ito sakanya ng ilang pulgada.

Pinagmasdan nya ang mukha nito ngunit ganon na lamang ang gulat nya ng lumambot ang ekspresyon ng makita ang matipunong binata.

Hindi padin ito lumilingon sakanya,Sa halip ay diretso itong tumingin ng hindi sya namamatyagan.

"Mahal na reyna"

Tawag sakanya ng isa sa alagad nya ng makita nya ang reyna na hahawakan ang mga mukha nito.

Kilala nila ang reyna sa pagiging malayo nito kahit kanino man,Hindi sya humahawak ng kahit sino.

Ngunit isang eksepsyon ang binata na ngayon ay kaharap nya.Gusto nyang hawakan ang mga mukha nito.

Sa halip na bawiin ng reyna ay itinuloy padin nito ang ginagawa,Dahan dahan ng pinasadahan ang mukha ng binata papunta sa labi nito.

Matamnan nyang tinignan ang mga mata nito ngunit hindi parin ito lumilingon sakanya.

Marahan nyang hinawakan ang labi nito ngunit wala itong reaksyon,Dahan dahan nyang binawi ang mga daliri nya at tuluyan na muling tumalikod pabalik sa kanyang trono.

"Gusto kong makita ang kakayahan nila sa kinabukasan"

Utos ng reyna sa kanyang alagad,Sa kabilang banda si Eris naman ay tuluyan pading naging matigas sakanya sarili.

Nilapitan sya ng reyna ngunit wala syang ginawa kundi hayaan ito sa kanya gagawin.

Tila ba isang mahika ang bumalot sa katawan nya ng hawakan ng reyna ang kanyang mukha na para bang hinahawakan nya ang pagkatao.

Isa lamang ang alam nya na gusto nyang maramdaman,Paghigantihan ang pagkamatay ng pinakamamahal nyang Ina.



The Monarchy: Nathalia Mascovich (GxG) (COMPLETED)Where stories live. Discover now