Chapter 7:ᜊᜓᜃᜌ

1.3K 84 0
                                    

"Eris ayos kalang ba?"

Nag aalalang tanong ni Iris ng makita ang kapatid na pawisang nagising,Hinihingal at tulala.

Marahang tumingin si Eris kay Iris,Nilibot nya ang kanyang mata.

"Isang pangitain ang aking napanaginipan"

Hingal na saad nito kasabay ng pagpunas nya ng mga palad sa mukha.

"Anong pangitain?"

Tanong ni Iris at lumapit sa kapatid,Binigyan nya ito ng isang habi ng tela ay pinamunas sa basang katawan nito.

"Nalaman na ng reyna na ako'y isang babae,At ang prinsipe mula sa anim na kaharian ang nagsaad non"

Tulala padin si Eris habang inaalala ang mga panaginip nya.

"Isa ng pahiwatig na dapat ikaw ay magingat,Tutuloy ka paba?"

Tumayo si Eris sa kanyang hinihigaan at pilit na kinakalimutan ang kanyang napanaginipan.

Bago pa magliwanag ay naihatid na nya ang reyna sa palasyo,Gamit ang kabayo nito.

Kasama nya ang mga kawal na nagbitbit sa kabayo nya upang may masakyan sya sa pagbalik.

Ngayon ay natatakot na syang malaman ng reyna ang katotohanan tungkol sa buo nyang pagkatao.

Ngunit paano nya bibigyan ng hustisya ang kanyang ina kung magpapadala ito sa takot?

"Oo,Babalik na ko sa palasyo"

Tumango lamang si Iris at lumabas upang ayusin ang kabayo nya,Kasunod nya si Eris na nilakad ang papuntang balon upang maglinis ng katawan.

Hindi parin matanggal sa kayang isipan ang kanyang napaniginipan,Ayaw nyang malaman ng reyna ang tungkol sa kanyang pagkatao.

Tirik na ang araw ng lumisan si Eris ng kanilang lugar,Dala dala ang naiwan ng reyna na maliit na tela at hugis parisukat,May burda ng pangalan nito sa gilid.

Nasa labas pa lamang sya ng palasyo ng matanaw ang halos nasa ilang daan na kawal.

Nakapormasyon ng mahabang linya,Naroon na ang lahat ng lalaki pati na sya.

Galit ang iba dito,Sapagkat wala daw silang natanggap na ginto,Sinungaling,Ani sa isip ni Eris.

Alam nyang lahat sila ay tinaguan ng ginto ng reyna,At kahit sino ay di nila maloloko.

Prenteng nakapasok si Eris sa palasyo.

"Narito na pala ang talunan"

Si Philip,Kasunod sa kanyang likuran,Ayos na ayos ito sa pormal nyang suot,Wala itong kahit anong sandata sa katawan,Maliban sa kanyang espada.

Hindi sya binigyan ng pansin ni Eris,Patuloy lang ito sa paghihinete ng kanyang kabayo.

"Hindi pipiliin ng reyna ang isang mahirap na katulad mo,Maluho ang reyna at alam kong isang katulad ko na prinsipe ang pipiliin nya"

Ngumisi ang binata,Ngunit ganoon nalang ang gulat nyang ng ngumisi pabalik si Eris.

Bumagal ang pagtakbo ng kabayo nya,Dahilan upang mauna si Eris.Mas lalong uminit ang dugo nito kay Eris.

"Maligayang pagbabalik"

Masayang pagbati ni Sonya sa dalawa,At yumuko sa mga ito.

Nakaupo lamang ang reyna sa kanyang trono at tahimik na nagmamasid sa kanilang dalawa.

"Hindi na patalinuhan ang labanan,Nakita na ng reyna ang inyong mga talino sa pakikipaglaban"

Muling pahabol ni Sonya sa dalawa.Tila nakangiting wagi si Philip sa narinig nito.

The Monarchy: Nathalia Mascovich (GxG) (COMPLETED)Where stories live. Discover now