Chapter I

202 6 1
                                    


"Huy ano baa ginagawa natin dito? Ang init init andito tayo sa court." Reklamo ko sa bestfriend kong si Jemmie. Since JHS magkasama na kami, hanggang college magkasama pa rin. Walang hiwalayan ang ganap. Tumabi ako sakanya sa bench at pinunasan ang pawis kong tagaktak na ngayon. Jusko ang init!

Maya maya pa ay may napansin akong mga lobo at pamilyar na mukhang papalapit saakin. Naka jersey, matangkad at Moreno. Magagandang bilugang mukha at... bulaklak?

"Happy anniversary babe! Happy 3rd... 4th na ata? 5th! 5th! Happy 5th anniversary!" Dama ko sa boses niya yung excitement at saya. Siya yung lalaking walang pakialam sa mga nakapaligid, to think na boy to boy itong relasyon namin. Yung alam mong proud siya at walang dapat ikahiya. Malayo pa lang eh sigaw na ng sigaw. Malabo man ang mata ko I know who he is. He is Raphael, the famous volleyball spiker my boyfriend.

"Happy 5th anniversary saatin, babe." Sabi niya ng makalapit saakin, binigay niya yung cake at yung bulaklak. I looked at him and smiled, he smiled back. "Thank you and happy 5th din. Speechless ako haha" bati ko din sakanya, eh totoo naming speechless ako dahil nakalimutan ko dahil sa busy naming ngayong college pati birthday ko nakakalimutan ko na.

Buti na lang mainit para may excuse yung pamumula ng pisngi ko.

"Uhm.. do you like it?" he looked at me with questions in his eyes. Huy wag ka ganyan babe baka matunaw ako. Kyaaaaaaaahhh! "Of course hehe" sabi ko na lang and I smiled again. Naiillang na din kasi ako kasi nasa court kami and its lunch for petes sake... L U N C H ngayon kaya ang daming viewers dinaig pa block screening ha.

Nag usap pa kami ng ilang sandali about sa training niya at sa incoming niyang mga laro bago mag bell.

"Oy di naman sa iniinterruupt ko kayo pero parang ganon na nga Mr. Loving loving baka pwede na tayo pumasok? Kasi may accounting 101 pa tayong subject hano? Bye, Raphael!" nginitian niya ng pangiwi si Raphael bago ako hatakin dala dala ang mga gifts.

"Uhm okay sige ingat kayo! Love you!" sigaw niya, waving his hands nawala na siya sa dami ng students na nagpapasukan na din sa rooms.

''My ghad Calvin, nakalimutan mo na atang andun ako eh. Vin, ako to oh si Jem yung kaibigan mo di mo manlang inalok ng zesto." Reklamo ni Jemmie bago kami pumasok ng room. "Sorrry na Jem. loveyou" sabi ko na lang pang bawi. No jowa kasi siya since birth. Haha intindihin na lang.

Dumating na yung pinaka terror na prof sa univ at swerte namin dahil siya ang teacher namin sa major namin.

"Good afternoon class. Surprise quiz. No reviews. Get 1 whole sheet of yellow paper on the count of 5" nagmamadali na kaming kumuha ng yellow paper bago pa magsimula ng quiz si maam menDOza. Dapat daw yung stress nasa DO ng menDOza. "3... 2... 1... okay number 1..." ilang minuto pa ay natapos na yung quiz at checking na. Matapos mag check ay ang pinaka nakakahiyang part na. Ang pag rarank ng mga papel. Mahilig kasi si maam MenDOza mamahiya ng istudyante lalo na karamihan saamin galing sa mga honor nung grumaduate ng HS. "starting from the lowest" masungit na sabi ni maam. Isa isa na nagtayuan ang mga kaklase ko kasabay ng pagtawag sa mga scores nila. Over 80 ang quiz pero 40 pa lang nakalahati na ang klase. Di rin namin alam kung kani kaninong mga papel iyon dahil ni ramble ng mabuti ni maam ang distribution para iwas cheating. Akala namin ay 56 na ang highest ng... "higher than 56?" tanong ni maam habang tinitingnan kami. "ito po maam!" sigaw ng kaklase ko. Dalawa pa ang tumayo.

"woah" "ang galing" nice top 1" bulong bulungan ng mga kaklase ko.

Nagsimula na ang litanya ni maam ng mga pangalan ng mga bagsak, tumawid, pasado at mga top.

"second highest natin ay si... Calvin Garcia! Expected ko na ito. Matalino, gwapo, perpekto. Gayahin niyo ng di puro ML ang nasa utak niyo!" panenermon ni maam kasabay ng papuri saakin. Nahiya ako kasi ang daming bola bola tsaka di ako sanay na tinatawag na gwapo.. since... bakla ako. Di naman ako bakla na cross dresser. Di mo malalaman na ganito ako kung di ko sasabihin sayo.

"and our highest is... Elijah Nicolas. The brightest and gifted child prodigy." O diba title pa lang pang laban na sa mga interschool noong highschool. I considered him as my rival. Di naman ako nakikipag compete sakanya pero lagi kaming dikit. May times na ako ang one, siya ang second. Pati sa overall ranking at deans listers dikit kami.

After masermon ni maam sa mga bagsak ay nagdiscuss na. Mabilis na tapos ang lessons dahil last subject na namin siya. Maya maya pa ay nagbell na. Ako lang ba o ang sarap pakinggan ng bell kapag hapon?

"BES... iba din si Elijah eh no? Consistent honor student, matalino, mabait, white porcelain ang kutis. Kala mong kamag anak sila Jacky Chan sa pagkasingkit pero masungit.. hays marunong kaya magsalita yan?" pang ookray ni Jemmie. "Alam mo ikaw? Maganda ka din eh" sabay ngiti kay Jemmie "Ay hehe enebe eke leng te eh" sabi ni Jemmie habang nag papabebeng mukha. Kasora. "Maganda kung di chismosa. Jan ka na nga may date pa ako" binitbit ko na ang tote bag ko at kinalong ang dalawang journal ledger sa aking kamay. "Landi mo!" sigaw naman ni Jemmie.

Pumunta ako sa court at umupo sa bench habang iniintay matapos mag training si Raphael. Cool down na yung exercise kaya alam kong malapit na matapos. Maya maya pa ay natapos na sila at may huling pasabi na lang si coach bago sila mag kanya kanya. Ako lang ba o minsan nakakailang talaga lumapit sa kumpulan ng mga lalaki? Hmmm... nag uusap pa silang group ng mapansin niya na papalapit ako sakanya, agad siyang nag bid ng farewell at lumapit saakin.

"Hey uhm kanina ka pa? Sorry di kita napansin bawal din naman lumapit baka mapagalitan ni coach." Pagexxplain niya habang pinupunasan ang pawis niya. He looks really good sa dark blue terno jersey niya, plus black supporter sa left knee at right arm with sky blue Asics shoes.

"No okay lang, kakatapos lang din ng klase ko." Sagot ko. "Hey! Meron akong balita sayo! Napili ako ni coach na captain ball! Ako na team captain sa susunod na game!" excited niyang pagkwekwento, ang cute niya tignan habang nakangiti siyang pinapakita yung bago nilang jersey niyang jersey na number 7 na may guhit sa ilalim. Since naging kami, 7 na yung number niya kasi 7 yung anniversary namin.

"congrats! Ang galing mo. Pagbutihan mo pa sa trainings mo. For that, tara kain tayo my treat, double celebration" aya ko sakanya. "sige medyo gutom na nga ako" ngumiti siya saakin at hinimas himas ang tiyan niya. Kinuha na niya yung bag niya at nagpalit ng white v-neck shirt. Papalabas na kami ng campus ng kunin din niya yung tote bag ko at siya ang nag bitbit. "ako na" inaagaw ko sakanya yung bag ko sa gilid ng kalsada. "ako na." Sabi niya. He looked at me and smiled. Fine nag wagi ka nanaman.

Since maaga pa naman ay napagkasunduan naming na kumain sa Samgy restaurant malapit sa school namin.

"Table for two. Yung may wings na din tsaka iced tea" sabi ko sa cashier. "sir, try niyo po yung brothers promo naming para po mas makamura kayo" "He is not my brother, he is my boyfriend" sagot ni Rapahel. Nginitian niya and cashier at tsaka ako inakbayan. "so san table namin?" "a-ah sir! Dito po... assist please!" at tinuro niya saamin yung table na malapit sa bintana . "Thank you" sabi ko sa waiter. "Huy El, nag sa suggest lang naman yung cashier saatin. Apaka mo." I told him. "eh sorry, mukha ba tayong magkapatid? Porket mas maliit ka saakin." "konting inch lang naman ang tangkad mo saakin. Wag ka nga" sabi ko sakanya. Well, para maging spiker dapat naman talagang matangkad ka, di ba? Pero di naman kami naghuhuli ng height siya ay 6'2 at ako ay 6 flat.

Dumating na yung order naming at nagsimula na akong magluto at kami ay kumain. Napansin kong kanina pa nakatingin yung mga staff dito. Medyo nakakailang. Sabagay, di ko din naman sila masisisi dahil di naman 'normal' yung ganitong relationship.

Natapos na din naman kaming kumain at binayaran ko ang bills dahil ito naman ang treat ko sakanya.

"Uwi ka na?" tanong niya ng makabalik kami sa univ. "oo maaga pa bukas eh. 8 na din may report pa kami bukas." Explain ko naman sakanya. "hatid na kita, kunin ko lang motor ko" gusto ko pa sana magsalita kaso umalis na siya papuntang parking para kunin yung 2nd baby niya. Yung latest aerox niya.

Huminto na siya sa harap ko at kinuha yung cake at tote bag ko at siya ang nag fix sa harap. "yung flowers ikaw magdala. Gusto kong nakikita kang daala yan" wushu ka ser hehehehehehe sumakay na ako at nagsimula na siyang mag drive. It's not a long drive, siguro 20 mins lang since swabe mag drive si Boss. Bumaba na ako ako kinuha ang mga things ko. Nag babye na ako at papasok n asana ng gate ng... "EHEM. Kiss ko ehem" hawak hawak pa ang dibdib na kala mong hindi makahinga. "EHEM." Ulit pa niya. Hays kung di ka lang cute eh. Tumingin ako kaliwat kanan para tingnan kung may tao. Lumapit ako at ikikiss siya sa cheeks ng bigla siyang humarap at naglapat ang aming mga labi. Syempre nag enjoy kami kaya medyo nagtagal yung smack... kung smack nga lang yun ng biglang....

Lumabas si daddy sa gate.

"anak ng..."

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Aug 13, 2020 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Maling AkalaKde žijí příběhy. Začni objevovat