Kabanata 08

32 7 0
                                    

F R A N C I S C O

"Ayos lamang ba kayo, Señorito?" ng mapansin ako ng kutsero.

Kanina pa ako hindi mapakali saaking kinauupuan habang binabagtas ng sinasakyan ko ang daan patungo sa Casa Salvatorre. "Huwag kang mag-alala, ayos lamang ako." Ito na ang araw na sinabi ni Ysabella. Hindi ko sana nais sumipot ngunit sinaway ako ni Papá. Labis raw itong nakakahiya lalo pa at pinuntahan pa ako nito saaking tanggapan upang yayain. Ano na lamang ang kanilang sasabihin lalo na at malapit na magkaibigan ang aming pamilya.

Ilang sandali pa ay nakarating na nga kami ng Casa. Pagbaba ko ay napansin ko agad si Ysabella na mukhang kanina pa ako hinihintay. "Francisco." At agad akong nilapitan at humalik saaking pisngi. "Magandang gabi." Ang aking pagbati at ngumiti lamang ito.

Agad kaming nagtungo ang kanilang hapag-kainan na ngayon ay punong-puno ng mga makakain. "Magandang gabi, Señor Joselito at ganoon din sa'yo rin Señora Esperanza." Binati ko rin ang mga ito na halatang kanina pa ako hinihintay. "Magandang gabi, Francisco." Pagbati rin ni Don Joselito. "Ipatawag mo na ang iyong dalawang kapatid ng sa ganoon ay sabay-sabay na tayon lahat." na sinunod ng mga naroon na katulong.

Dumating ang dalawang binatang Salvatorre at nagulat pa si Alejandro ng mapansin ako nito. "Magandang gabi, Ginoong Francisco." Pagbati nito. Nabaling ang aking tingin sa isa pang binata na ang alam kong pangalan nito ay Luisito. Tumango lamang ito saakin kanina at pansin kong tahimik ang batang ito at hindi gaanong umiimik.

Nagsimula ang aming pagkain at marami ang naikuwento ng mag-asawang Salvatorre at kinamusta pa ang aking mga magulang. Ang aking katabi na si Ysabella ay kanina pa lagay ng lagay ng pagkain saaking plato. "Tiyak kong kung magiging mag-asawa kayo ay mabubusog ka ng pagmamahal nitong aking anak." Biglang saad ni Don Joselito na siyang aking kinagulat.

"Francisco? Ano at mukhang natigilan ka? Hindi mo ba natitipuhan ang aking anak?" na nagbalik saakin sa reyalidad ng marinig ko ang tanong mula kay Doña Esperanza. Muli, hindi ako nakatugon. "Maganda naman siya, hindi ba? Ganoon ka rin naman, makisig. Talaga namang bagay na bagay kayo." Dagdag ni Don Joselito. "Tama ba ako, Mahal?" tanong nito sakanyang asawa. "Tama. Kaya kung ako sa iyo ay simulan mo ng ligawan ang aming anak. Hindi mo naman siguro nais maunahan"

Ang aking katabi ay halata sa kanya ang naghihintay ng kasagutan.

"Paumanhin, Ginoong Francisco." ang pagsingit ni Alejandro saaming usapan. "Ayos lamang iyon, Alejandro. Paumanhin Don Joselito, ngunit wala pa saaking isipan ang bagay na katulad ng pag-aasawa. Makakapaghintay ang bagay na iyan." Sa wakas ay nagawa ko na rin silang tugunin. "Oo nga naman Mahal." Napatango si Doña Esperanza at tumingin sakanyang asawa. "Huwag natin silang madaliin. Tiyak ko naman na sila pa rin kahit ano man ang mangyari." Dagdag nito.

"Salamat Mamá." Tugon ni Ysabella. Nginitian ko na lamang ang Doña ng sa ganoon ay hindi nakakahiya.

KANINA pa kami natapos saaming pagkain at narito pa kami sa kanilang hapag-kainan kasama si Francisco. Ang iba ay nagtungo na sa kanilang mga silid. "Francisco, nais ko sanang dito ka na magpalipas ng gabi. Magkakaroon lamang tayo ng kaunting inuman." Nakakahiya namang tumanggi sa paanyaya ni Don Joselito. "Ayos lamang iyon saakin, Señor." Tugon ko.

"Kung ganoon ay ipapalabas ko na ang serbesa." Saad nito at inutusan ang isang katulong. Namalayan ko na lamang ang pagtayo ni Alejandro. "Paumanhin Papá, Ginoong Francisco. Hindi ko sana ibig putulin ang inyong magiging kasiyahan ngunit hindi ako titikim ng serbesa. Marami akong kailangang asikasuhin bukas." Kung ganoon ay kaming dalawa lamang ni Don Joselito. "Ganoon ba? Ayaw mob a kahit isang baso lamang?" ang tanong ng kanyang Ama. "Hindi na Papá, kayo na lamang ni Ginoong Francisco. Paumanhin." Wala ng nagawa pa si Don Joselito ng umalis na si Alejandro.

AVIDA TERESITA | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon