Kabanata 25

67 5 2
                                    

C A R M I N A

Isang linggo na.

Isang linggo na ang nakakaraan matapos ang karima-rimarim na tagpo sa lugar na iyon.

Nakumbinsi na rin namin si Don Alfonso kung kaya't narito na sa Casa San Juan si Lorenzo. Wala itong ginawa kung hindi ang magmukmok sa kanyang silid. Maririnig rin kung minsan ang kanyang pagtangis. Walang magawa ang mga narito, sadyang napakasakit ng nangyari sa pagitan nila ng kaniyang minamahal.

Sa loob ng isang linggo ay maraming nangyari. Si Alejandro ay nakaburol sa kanilang Casa, samantalang si Ysabella naman ay nawawala na sa katinuan nito kung kaya't ipinadala muna ito sa Espanya upang doon ay magamot.

"Nakapag-ayos na ba kayo?" tanong ng bagong dating na si Doña Elena.

Kasalukuyan naming inaayos ang bugkos ng mga bulaklak na aming dadalhin. Balak ng pamilya na bumisita upang makiramay. "Carmina?" pagtawag pansin nito sa akin. "Ano po iyon, Señora?" ang aking tanong at ibinaba muna ang hawak kong lalagyan.

Sumenyas itong lapitan ko siya na siya namang aking ginawa. "Alam kong hindi madali sa aking anak ang nangyari." panimula nito habang palakad kami palabas ng kusina. "Nais ko sanang kumbinsihin mo siya na sumama sa atin." saad nito.

Tila ako'y nauupos sa aking nakikitang kalungkutan ng kaniyang Ina. Nangingilid ang luha nito na kanyang pinipigilan. "Huwag po kayong mag-alala, Señora. Pupuntahan ko po siya ngayon sa kaniyang silid." yinakap ko muna ito upang kahit papano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam. "Salamat, Carmina." ang kaniyang nasabi. "Wala pong ano man, Señora.Maiwan ko po muna kayo." ang aking tugon bago tinungo ang silid ng aking kaibigan.

Narating ko ang kaniyang silid. Babalakin ko na sanang kumatok ngunit marahil ay hindi rin ako nito pagbubuksan.

Mabuti na lamang at dala ko ang susi ng kanyang silid.

Sa aking pagbukas ng pinto ay nakita ko itong naka-upo sa harap ng kaniyang bintana. Agad ko itong linapitan ngunit wala man lamang itong naging pagkilos. Inabot ko ang isang upuan at tumabi rito.

Hinihintay ko ito ngunit wala man lamang itong pagkilos.

Bumuntong hininga na lamang ako at tinapik ang kaniyang balikat. "Batid ko ang iyong pagdadalamhati, ngunit itong ginagawa mo ay tiyak na hindi magugustuhan ni Alejandro kung narito man siya." ang aking saad.

Napansin ko naman na muli na namang tutulo ang luha nito. "Ang sakit, iniwan ako ng taong mahal ko." saad nito habang humihikbi. "Ngunit narito pa kami. Mga nagmamahal sa iyo." tugon ko.

"Batid ko ang bagay na iyon, ngunit Carmina, hindi madali ang nangyari saamin." dugtong nito.

Sa pagkakataong ito ay wala na akong naging tugon pa. Tumayo na lamang ako. "Maya-maya ay magtutungo kami sa Casa Salvatorre upang ipa-abot ang aming pakikiramay. Kung nais mong sumama ay mag-ayos ka na." hayag ko at iniwan na ito.

F R A N C I S C O

Kasalukuyan ang aming pag-aayos ng aming dadalhin ng biglang dumating si Lorenzo na bihis na bihis. Nagulat man ay agad kaming nakabawi. "Lorenzo." Si Mamá na nilapitan ang aking kapatid. "Mabuti at lumabas ka na mula sa iyong silid. Nais mo bang sumama?" Tanong nito at inaya sa aming kinalalagyan.

Hindi ito umiimik. "Batid namin ang iyong paghihinagpis, ngunit huwag mo sanang ikulong ang iyong sarili sa napakasakit na tagpong ito." Dagdag ni Mamá.

"S-subukan ko, Mamá." Tugon nito. "O, ano at tila ba naiiyak ka na naman?" Tanong ko rito at agad na tumabi sa kanya. "Kuya" saad nito at yumakap sa akin. "Parang hindi ko yata kayang makita ang nakaratay na anyo nito." Saad nito dahilan upang tugunin ko ang yakap nito.

"Magpakatatag ka, Lorenzo. Kung nakikita ka man ni Alejandro ngayon, tiyak kong hindi nito magugustuhan ang iyong ginagawa. Magpakatatag ka, alang-alang sa kaniya." Mahabang kong lintanya. Mukhang naintindihan naman nito ang lahat ng aking tinuran. "Patawad, Lorenzo kung hindi sana dahil sa akin ay hindi sana ito nangyari sa inyo." Muling bumabalik sa akin ang pagkukuwento ng mga tauhan ni Ysabella noong tinanong ko ang mga ito.

"Hayaan mo na lamang iyon, Kuya."

Natapos ang aming yakapan ng ipagbigay alam ng kutsero na naayos na lahat ng aming dadalhin. Aming nadatnan si Papá na hinihintay kami sa labas.

Kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito simula noong araw matapos ang trahedyang iyon. Hindi rin ito umalma ng ibalik namin ang aking kapatid rito sa Casa.

Wala ng mahalaga pang pag-uusap pa ng makasakay kaming lahat hanggang sa makarating kami sa Casa Salvatorre.

Agad naman kaming pinatuloy ng mga katulong. Pagpasok namin sa bulwagan ay bumungad sa amin ang mga narito upang makiramay. Napapalamutian ang paligid ng mga bulaklak sa gitna ay makikita ang kabaong na kinalalagyan ni Alejandro.

Malapit na kami ng mamalayan ko ang pagtangis ng aking kapatid. "Nakikiramay kami, Amigo, Amiga." Ang pambungad ni Papá at Mamá ng makalapit kami sa mag-asawang Salvatorre. Si Lorenzo ay hindi alintana ang mga makakakita sa kanya at agad na nilapitan ang kabaong.

Ang ilan ay nagsisimula ng magbulung-bulungan. "Kung maaari lamang ay irespeto niyo ang burol ng aking anak." Saad ni Don Joselito ng tumayo ito at nagsalita.

Agad namang natigil ang bulungan at nagsi-tahimik.

Huwag naman sanang mag-karoon ng kaguluhan rito sa mismong burol.

Lumipas ang mga minuto at tanging katahimikan lamang ang namagitan sa buong silid. Ang aking kapatid ay hindi na umalis pa sa harap ng kabaong ni Alejandro at lumuluha.

Lalapitan ko sana ito ng pigilan ako ni Carmina.

Hanggang sa napag-pasiyahan naming umuwi na lamang dahil magdidilim na rin.

Hindi pa sana nais umalis ng aking kapatid ay kalaunan ay napilit rin namin ito.

L O R E N ZO

Nakabalik kami ng Casa.

Agad akong nagtungo sa aking silid at sa sandaling isinara ko ang pinto ay ang pagbuhos muli ng aking mga luha.

Alejandro, bakit ganoon na lamang ang nangyari sa atin?

Hindi ito ang aking ninanais at pinapangarap na pagtatapos ng ating masasayang sandali.

Ganoon na lamang ba kasakit ang ating tadhana.

Bakit mo ako iniwan?
Malinaw ang iyong sinabing hindi mo ako sasaktan ngunit, bakit?
Bakit ako ngayon ay naiwang naghihinagpis sa iyong pagkawala?

Agad akong nagtungo sa aparador.

Matagal ko ng pinag-isipan ang bagay na ito.

Ang bagay na maaaring magdulot sa akin ng katahimikan.

Nilabas ko mula sa isang kahon ang isang botelya. Sa loob ng isang linggo ay akin na itong pinag-isipang mabuti.

Sana, mula sa aking gagawin ay hindi ko na maramdaman ang sakit.

Magkakasama na tayo, mahal ko at linagok ang laman ng botelya.

Paalam, Mahal ko. Magkikita na tayo.

AVIDA TERESITA | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon