CHAPTER 22

2.5K 126 5
                                    

ZHIENNA'S POV

Matapos nung nangyari kanina ni Gray ay pumunta ako sa likod ng building, hindi ulit ako pumunta sa cafeteria kasi masyadong maingay. Mas mabuting dito nalang, tahimik.

Sumandal pa ako sa kahoy, luminga-linga muna ako kung nandito pa si Kyron. Pero wala akong nakitang mukha niya kaya ipinikit ko nalang ang mata ko habang nakikinig ng music.

Nakasanayan ko nadin na dito ako mags-stay.

Maya-maya lang ay naramdamam 'kong may tumabi sa akin kaya tiningnan ko iyon, nakita ko ang mukha ni Kyron na nakapikit ang mga mata.

Parang nagslowmotion ang lahat habang tinitingnan ko siya. He's really mysterious. Ang mga mata niya ay parang ang daming sekretong tinatago.

"Nakasanayan mo na dito ah?" sabi nito habang nakapikit.

Inalis ko na ang tingin sa kanya saka ako sumandal ulit at Pumikit.

"Mmm." tanging sagot ko.

Namayani ang katahimikan namin ngunit meron din namang kanta ang nasa tenga ko kaya't nag e-enjoy din ako.

DARK'S POV

Nandito ako sa room, hindi ako pumunta sa cafeteria. Nandito rin si Kian habang sila Ivan at Gray ay umalis. Hindi ko alam kung saan sila pupunta.

Nagtinginan kami ni Kian, parang may kuryente sa bawat pagtagpo namin sa isat-isa. Hindi ko alam pero naiinis ako sa pagmumukha niya.

"Huhuhuhu! Ang lollipop ko." napalingon kami sa pintuan at nakita namin si Gray na tumatakbo patungo dito.

Kaming dalawa lang ni Kian ang nandito tapos dumating pa si Gray na parang batang umiiyak.

Sinundan lang namin siya ng tingin habang siya naman ay umiiyak habang nakatingin sa lollipop niyang nasa kamay, pumunta siya sa upuan niya saka may kinuha siya doon. Isang tela? Inilagay niya doon ang lollipops niya saka dahan-dahang ibinalik sa bag niya.

"Huhuhu! Ano na ang gagawin ko? Wala na ang lollipop, hindi pa ako nakadadag points kay Zhienna."

Nakatalikod ito saamin kasi magkatabi kami ni Kian habang ang upuan naman ni Gray at Ivan ay magkatabi at nasa harap namin.

Lumakad ako saka umupo sa desk niya, tiningnan niya naman ako na parang bata.

"Why are you crying? You're like an idiot." sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya naman ako ng masama saka maya-maya lang ay umiyak ulit siya.

"Ang sama mo! Iniwan na nga ako sa paborito kong lollipop dumagdag ka pang asungot ka. Umalis ka nga sa harapan ko! Sasabihin ko talaga sa mga lollipop ko na mumultuhin ka nila."

Tiningnan ko naman siya, para talaga siyang bata makapagsalita. Tapos umiyak ulit siya at pinaghahampas ang bag niya.

At may binulong-bulong pa. Napailing nalang ako saka bumalik sa upuan ko. Nagtama ulit ang mata namin ni Kian kaya't parang may kuryenteng dumaloy doon.

Sabay kaming umirap sa isat-isa. Hindi sa bakla kami dahil sa naiinis ako.

"Magaspang ba talaga ang kamay ko? Hindi naman ah? Ang smooth kaya. Pero bakit sabi niya magaspang?"

Napatingin naman kaming dalawa ni Kian sa pintuan at pumasok doon si Ivan na nakatingin sa kamay niya at hinawak-hawakan. Habang si Gray naman ay patuloy na umiiyak.

"Magaspang? Hindi naman talaga ah? Tama naman kasi ako. Hawakan ko nga ulit, hindi naman talaga eh!"

Inis na sabi nito at mukhang hindi kami napansin kasi patuloy lang siya sa pglalakad hanggang sa umupo sa upuan niya at ganun parin ang sinasabi niya.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Where stories live. Discover now