Chapter 11

6.9K 391 30
                                    


WALANG nagsalita sa kanila. They just stared at each other. Makalipas ang ilang minuto ay napasinghap siya nang umangat ang kamay nito sa mukha niya. Marahan nitong hinawi ang ilang hibla ng buhok niyang nilipad ng hangin patungo sa mukha niya. Her heart beat wildly because of his soft touch. Naaalala pa niya na ginawa na nito sa kanya ang bagay na iyon noon. At tulad noon ay may hatid na tila mumunting boltahe ng kuryente ang mga daliri nito, making her heart ache in a sweet way. Iba sa sakit na naramdaman niya noon.

Then he smiled faintly. "I can see you turned really beautiful Angel. You also look healthy. Okay ka na ba ang kalusugan mo?" tanong nito. Wala siyang makapang sabihin kaya tumango na lamang siya.

Tila naman nakahinga ito ng maluwag. "I'm glad." Then his fingers moved like a butterfly to her cheek. "I have so many things I want to tell you. Ilang beses kong tinangkang kausapin ka pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataon. Somehow I understand why you don't want to see me. I know I caused you pain. But believe me it is not my intention. Hurting you is the last thing I want to do Angel believe me. So please now, would you listen to me?" dugtong nito sa tila nakikiusap na tinig.

Tila may bumara sa lalamunan niya sa nakikita niyang lungkot at desperasyon sa mga mata nito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng gilid ng mga mata niya. Pagkuwa'y tumango siya. She was afraid to speak for fear that her voice might crack.

He smiled slightly with relief. Pagkatapos ay muling sumeryoso ang mukha nito at tinitigan siya sa mga mata. "Angel, all the things I said to you that night when we watched the fireworks were all true. Kahit kailan hindi ako nag sinungaling sa iyo. Lahat ng ginawa ko para sa iyo ay ginawa ko dahil gusto ko. Because I want to do everything for you. I want to see you happy. I don't want other people to belittle you. Gusto ko rin makita ng Bernado na iyon na ginto ang pinakawalan niya. But that has nothing to do with the fact that we hate each other."

Nakatitig lamang siya rito habang nagsasalita ito. She could clearly see the sincerity on his words. Kung ganoon ay hindi siya nito pinaglaruan? Na sincere ito sa lahat ng ginawa nito para sa kaniya noon. Lumunok siya bago isinatinig ang kanina pa niya gustong sabihin."P-pero ano iyong pinag-uusapan niyo ni James noon? Based on your conversation with him lumalabas na gusto mo lang siyang asarin eh," napasinghot na sabi niya. She knew her question is nonsense already. Dahil kahit ano yatang sabihin nito ay paniniwalaan niya. Her heart is already telling her he's telling the truth.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na gamitin ka para lang inisin ang Bernado na iyon. The conversation you heard was all a sham. Papunta ako dapat sa building mo para hintayin ka. But when he saw me he said he wanted to talk to me about you. I thought he might be thinking of doing something bad to you kaya ako sumama doon.

"Ang mga narinig mong sagot ko, sinabi ko lang iyon para maisip niya na hindi ka importante sa akin. Dahil kapag nalaman niya kung gaano ka kahalaga sa akin, gagawa at gagawa siya ng paraan para guluhin tayo. That's why I acted nonchalant. But I underestimated him. He knew I will answer that way. He also knew that you will be there any moment. Intensiyon niya na iparinig sa iyo ang pag-uusap namin para magalit ka sa akin. That's the truth. I forced him to spill it all out," paliwanag nito.

Napasinghot siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya ang unti-unting naalis sa mga sinasabi nito. At the same time she felt a warm hand touch her heart because of his words, healing the scar that she had ten years ago. "Kung hindi iyon ang intensiyon mo, then why did you help me then? Why did you waste your time with me?"

Masuyo itong ngumit. "Didn't I tell you under the fireworks already? It's because I love you. Sure, I offered you a hand when I saw you crying on a spur of the moment. Pero nang tumagal ay unti-unti kong nare-realize kung bakit hindi kita magawang pabayaan. Kung bakit gusto kong tulungan kang maipakita sa lahat kung gaano ka kaganda. Because I fell for you. There was just something about you that made me fell for you. You might not believe me now yet. But I swear I will do everything for you to believe me."

TIBC BOOK 2 - THE LOVE COACHWhere stories live. Discover now