02

17 0 0
                                    


Kauuwi ko lang sa dorm ko pagkatapos ng klase ko sa FEU. Nakakapagod mag aral ng Psych pero mahal ko naman yun kaya kaya namang pagtyagaan. Nagligo muna ako at nagluto ng makakain at nagpahinga. Habang nanonood ako nang netflix, biglang nagchat 'tong bestfriend kong si Alyssa.

"Babes, House Manila tonight. Tayo tayo lang nila Erica. Ano g?" Yaya niya sakin.

Friday naman ngayon at wala akong pasok bukas kaya umoo nako. Alas kwatro palang naman kaya maya maya nako mag aayos. Binuksan ko yung dating app na andito sa cellphone ko. Patagal ng patagal nabbored nako.

"Tangina naman ng mga 'to, ang b boring kausap." Bulong ko sa sarili ko.

Mabilis lumipas yung oras at on the way nako sa meet up place namin nila Aly. Pagkadating ko, wala pa si Jasmine kaya umupo muna ako sa upuan habang pinapanood si Aly na mag yosi.

"Marami bang guys don, beb?" Tanong ko kay Aly. Binuga nya muna yung usok na galing sa sigarilyo niya bago nyako sinagot.

"Matic beb. Tsaka marami kakilala yung promoter na tropa natin eh. Kaya sigurado yon. Bumingwit tayo ha!" Sabi niya. Nag tawanan lang kami at nag biruan kung pano gagawin namin mamayang gabi.

Sobrang lakas ng music dito sa labas palang ng club. Tangina nakaka excite. Ang haba ng pila pero dahil kakilala namin yung isang promoter madali na kaming nakapasok. Sumalubong samin yung tugtog na nireremix ng DJ at yung usok galing sa mga sigarilyo ng mga kasing edad namin dito.

"Daniella!!! I miss you!!!" Sigaw ni Janelle sakin ng makita niya na kami nila Aly palapit sa lamesa na nireserve nung tropa naming promoter.

Sobrang saya lang nang gabi na 'to, nakakailang shots na kami at medyo tipsy nako kaya ang lakas na nang loob kong mag twerk at sumayaw ng mga tiktok dance.

"Guys, tropa ko pala na mga taga Caloocan!" Pa sigaw na sabi ni Erica.

Napatingin kami nila Aly don sa anim na lalakeng kasama ni Erica. Friendly tong si Erica kaya ang laki ng circle of friends niya. Umaabot pa nga hanggang sa south pangalan ng gagang 'to.

Nakisali yung anim sa lamesa namin kaya medyo siksikan na kaya yung iba sa likod nalang namin nakatayo. Sobrang tipsy ko na talaga kaya di ko namalayan na may nakatayo pala sa likuran ko.

"Ay gago! Sorry!" Sabi ko. Natapakan ko kasi siya kasi hindi ko siya napansin. Nagkatinginan kaming dalawa and tangina, nababaliw na yata ako or lasing lang ako talaga. Ganda ng mata niya eh.

"Ingat ka, miss." Sabi niya habang hawak niya yung braso ko dahil muntik na nga akong madulas. Nginitian ko nalang siya at sinuklian naman niya yon.

Lumalim na yung gabi at nakakailang shot na kami. Dumilim narin yung paligid dahil nagp peak na yung party. Nagkkwentuhan kami nitong katabi ko kahit ang lakas ng tugtog.

"San ka nagaaral? Tsaka ano palang course mo?" Tanong niya. Nakahawak ako sa bewang niya kasi feeling ko anytime tutumba nako.

"Feu Mnl. 2nd Yr. Psych." Hiwa-hiwalay na bigkas ko para mas maintindihan niya. Tumango lang siya sa sinabi ko at uminom ng shot.

"Eh ikaw? San ka nagaaral & course mo?" Tanong ko pabalik. Medyo hilo nako kaya di ko na siya makita masyado tapos ang dilim pa at puro disco lights lang tumatama sa mukha niya.

"PLM. 2nd year din. Crim." Hiwa-hiwalay din na banggit niya. Tumango nalang ako sa sinabi niya at sumayaw sa music.

Mag a alas dos na nang umaga nung nahimasmasan ako kasi tumigil na yung ikot ng shot at puro sayaw at ligalig nalang pinag gagagawa naming lahat.

Exile [TAGLISH] Where stories live. Discover now