Chapter 6

6.1K 279 2
                                    

Cairo Nera's POV;
"Iho sinasaktan ka ba ni Cairo kamusta pag sstay mo dito?" Tanong ni dad na kinapoker face ko.

Yung totoo ako ba talaga anak niya?

"Haynaku kumpadre wag mo na iyang si Kace mukha namang nagkakamabutihan na sila." Ani ni Papa na kinangiwi ko.

Yuck parang gusto kong masuka sa sinasabi ni papa.

"Dito na po kayo mag dinner nagluto na po ako ng makakain natin." Ani ni Kace mula sa kusina.

Shit! Mura ko ng makita ko yung paper bag sa ilalim ng lamesa.

"Saan ka pupunta Cairo?" Tanong ni Tanda ng tumayo ako at pumasok sa kusina.

Imbis pansinin siya lumusot ako sa ilalim at niligpat ang mga laman nun.

'Pucha sinong matinong ama ang magbibigay ng regalo na puro sex toys ang laman sa anak.' Ani ko sarili ko bago ilagay ang mga yun sa lalagyan at---.

"Anong ginagawa mo?"

"Shit!" Mura ko ng mauntog ako ng makita ko si Kace na nakasilip sa ilalim ng lamesa.

"Damn it!" Mura ko ng makalabas ako habang hawak ang ulo ko.

Tangna nakakahalata na ako lagi na lang akong nauuntog.

"Magluto kana nga lang." Pagsusungit ko ng maramdaman ko ang tingin ni Kace.
---
"Whoa ang sarap palang magluto ng anak mo." Komento ni Tanda ng matikman ang luto ni Kace.

"Hindi ko alam na marunong ka pa lang magluto Kace." Ani ni papa na kinatigil ko sandali ng makita ko ang expression ni Kace.

Ako lang ba o nakita ko talagang may dumaang lungkot sa mata ni Kace.

Napaiwas ako ng tingin at nagsunod sunod ng subo ng magtama ang mga mata namin.

Tahimik na natapos ang dinner na yun matapos makipagkwentuhan samin nina tanda nagpaalam na ang mga ito na uuwi.

"Basta iho pag may hindi magandang ginawa itong si Cairo sumbong mo sakin." Ani ni tanda na kinangiwi ko para namang napakasama kong tao.

"Opo papa ingat kayo sa pag uwi." Ani ni Kace ng---.

"Kace mag usap muna tayo sandali." Ani ni papa na kinatango ni Kace bago sundan ang ama na naglakad palapit sa pinto ng penthouse.

Habang nag uusap sila hindi ko maiwasang basahin ang expressiong dumadaan sa mukha ni Kace.

Lungkot...yun ang nakikita ko sa mga mata ni Kace habang nakatingin sa mukha ni Papa na nagsasalita.

"Akala ko talaga totoo ang balibalita kaya nung unang ipakilala ni Mr.Javier ang anak niya nagdalawang isip ako." Out of the blue na sambit ni tanda na kinatingin ko.

"Anong balita?" Tanong ko na kinatingin ni tanda sakin.

"Masama daw ang ugali nung Jace." Ani ni tanda na kinakunot noo ko.

"Tanda Kace yun hindi Jace." Sagot ko na kinakamot niya sa ulo.

"Kace ba? Narinig ko kasing sinabi ni Kylie yung Jace yung ipapakasal sayo...Kace pala." Ani ni Tanda na kinailing ko.

"Kumpadre tara na malalate na tayo sa flight natin." Ani ni papa na kinalingon namin ni Tanda.

"Oh sige iho be a goodboy okay?" Ani ni papa bago ako tapikin at naglakad paalis ng masalubong niya si Kace may sinabi pa ito bago yakapin at umalis.

Tsk tsk nagdududa na talaga ako kung sino ang anak niya samin ni Kace.

"Matulog na tayo." Ani ni Kace ng lalampasan niya ako kusang gumalaw ang kamay ko at hinablot ang braso niya.

"Anong problema?" Out of the blue na tanong ko.

Tangna feeling ko hindi ko kontrol ang bibig at katawan ko babawiin ko na ang sinabi ko ng---.

"I just wondering kung anong pakiramdam ng may sarili kang identity." Sagot niya na kinatigil ko.

Hindi ko alam pero sa oras na ito parang hindi ito yung Kace na nakasama ko nitong nakaraang mga linggo.

"Tsk tigil mo nga yang kadramahan mo." Ani ko bago siya kutusan na kinagusot ng mukha niya.

"Tangna." Mura niya habang nakayuko at hawak ang ulo niya.

"Tara may malapit na convenience store dito bili tayo ng ice cream." Yaya ko bago siya hilahin palabas ng penthouse.

"Ice cream? Gabing gabi na ah." Sagot niya na kinaismid ko.

"Kailangan ba may oras sa pagkain ng ice cream?" Tanong ko.

Kace Javier's POV;
Habang naglalakad hindi ko maiwasang tingalain si Cairo na nakatingin sa dinadaanan namin habang hila hila ako.

'He trying to comfort me...i guess.' Hindi ko maiwasang mapangiti ng marealize kong may concern din pala sakin ang mayabang na ito.

Taming the Gangster JerkWhere stories live. Discover now