Chapter 33

4.4K 204 4
                                    

Kace Javier's POV;
"2 years ago nadisband ang Lost demon dahil sa pag gamit nito ng mga illegal drugs at sa issue na pananakit ng mga babae." Ani ni Castro na kinatingin ko.

"Ano ito Cai?" Tanong ko ng may makitang may kanya kanyang hawak na laptop ang Black Puma.

Habang ang Midnights naman may kasamang babaeng nasa middle age na mukhang wala sa sarili.

"Inutusan ko sila magback ground check about kay Kaide at kay Jace." Sagot ni Cairo habang nagpupunas ng buhok na umupo sa tabi ko.

"Undecided Band ang dating pangalan ng grupo nina Jace Javier...nag world wide ang bandang ito sa loob lang ng dalawang taon at agad ding na disband bago magtatlong taon." Dagdag ni Castro.

"Yan yung time na lumabas ang pangalan ni Kace at kumalat na si Kace daw talaga ang nasa picture na may mga kasamang kilalang drug pusher."ani ni Aki.

"Sara niyo na yan." Utos ko na kinatingin nilang lahat sakin.

"Yung about kay Jace ako na" bulong ko bago umiwas ng tingin.

"Wala kayong makikitang issue kay Jace...dahil lahat yun." Ani ko bago bumuntong hininga at tingnan ang Midnights.

"Nasa akin." Dagdag ko.

Cairo Nera's POV;
"May dapat ka pa bang sabihin sakin?" Bulong ko bago siya yakapin mula sa likod ng makita ko siyang nakatayo sa mismong gitna ng garden.

"Kasalanan ko ba kung bakit nagkaganun si Jace?" Tanong ni Kace na kinangiti ko bago ipatong ang baba ko sa balikat niya.

"May part na may kasalanan ka may part na wala." Sagot ko na kinatingin sakin sandali ni Kace bago sumandal sa katawan ko at tumingin sa fountain.

"Pinabayaan mo siyang ganun dahil sabi mo nga inaalala mo mama mo pero may part na wala dahil nabulag lang talaga siya sa inggit sayo." Ani ko na kinatahimik niya.

"Hinayaan mong itake advantage niya ang pagiging magkamukha niyo." Dagdag ko bago tingnan si Kace na hawak ang mukha niya habang nakatingin sa reflection ng fountain.

"Minsan ko na ding kinasuklaman ang mukhang ito dahil kay Jace pero kung hindi dahil dito hindi mo ako magugust---."

"Wtf Kace." May diing sambit ko bago siya iharap sakin.

"Anong sinasabi mo?"nakakunot ang noong tanong ko.

"Wait kaya ba ganun na lang sayo kadali umalis dahil iniisip mong magkamukha naman kayo ni Jace maaari ko ding magustuhan si Jace ganun ba?" Tanong ko na kinalaki ng mata niya bago umiwas ng tingin.

"I-Isa din yun sa reas---."

"Damn it!" Nanggigigil na mura ko bago siya bitawan at naiinis na hinampas ang semento ng fountain

"Papa? Daddy nag aaway nanaman po ba kayo?" Ani ni Kaide na kinatingin namin ni Kace.

"Hindi baby nag uusap lang kami ng daddy mo." Ani ni Kace bago lapitan si Kaide na nasa gate ng garden.

"Pero narinig kong sumigaw si Daddy." Sagot ni Kaide na kinahilamos ko ng mukha bago harapin ang fountain at itungkod ang dalawang braso ko dun.

'Now I know kung bakit ganun na lang siya napaikot ng kakambal niya.'

"Kaide." Ani ko habang nakatingin sa tubig ng fountain.

"Yes daddy?" Rinig kong sagot ni Kaide.

"Magkamukha ang papa mo at yung totoong tatay mo diba?" Tanong ko na kinatahimik ni Kaide.

"Cai anon---."

"Pareho din sila masarap mag luto." Dagdag ko bago tingnan si Kaide na nanatiling nakatingin sakin.

"Bakit mas tinuturing mong papa si Kace?kahit nalaman mong hindi siya ang real father mo." Tanong ko.

"Because he protect me more ,he cares me more and he love me.. more than everything." Sagot ni Kaide na kinabato ni Kace sa kinatatayuan niya.

"Magkamukha lang kayo ni Jace pero magkaiba kayo." Dagdag ko bago tumayo ng ayos at naglakad paalis.

"Hindi lang ang pangalan, itsura o luto mo ang minahal ko sayo...ikaw na mismo, kaya wag mong titingnan ang pagmamahal ko sayo na parang name plate na pwede mong ipasa kahit na kanino dahil surname lang ang nakalagay." Dagdag ko bago sila lampasan ni Kaide at naglakad papasok ng penthouse.

Kace Javier's POV;
Hindi ko maiwasang maggitgit ng makita ko ang mga pasang nasa katawan ni Kaide.

Hindi ko maintindihan bakit kailangan maranasan lahat ito ni Kaide.

"Its means you're not my real papa?" Tanong ni Kaide habang nilalagyan ko ng gamot ang mga pasa niya.

"I'm your uncle to be exact and blood related tayo and I love you baby." Bulong ko na kinangiti niya bago ako yakapin hanggang sa---.

"Wag niyo na po ulit ako iiwan papa*sob*" iyak ni Kaide na kinapikit ko ng madiin ng maalala ko nanaman yung video na napanood ko.

"Hindi ko na kayo ulit iiwan." Sagot ko bago siya halikan sa noo at yakapin pabalik.

"I love you papa kayo ni Daddy." Bulong ni Kaide na kinangiti ko.

"I love you too baby." Sagot ko bago marahang haplusin ang buhok ni Kaide.

Sila lang ang meron ako at hindi na ako papayag na may maagrabyado ni isa man sa kanila ni Cairo dahil pag naulit pa ulit ito...makakapatay na ako.

Taming the Gangster JerkWhere stories live. Discover now