-Nasaan ang Diyos?-

31 2 1
                                    

Nasaan ang Diyos?
May Diyos ba?
Totoo ka nga ba?

~~~

Mga tanong sa aking isipan na
hanggang ngayo'y walang sagot
Hindi naman siguro maling itanong
Kung totoo ka nga ba?

~~~

Gusto Mo na makilala Ka namin
At kilalanin Ka namin nang buo at totoo
Kaya marahil hindi naman labis
Kung Sayo'y magsasabi ng katanungan?

~~~

Sa ibang tao kapag ito ay narinig
Sasabihin agad na wala akong karapatan
Na Ikaw ay tanungin
at sumbatan

Pero, wala nga ba talaga?

~~~

Oo, naniniwala ako Sayo
Naniniwala ako sa pag-iral Mo
Pero nasaan ka ba kapag ako'y nasasaktan
Nariyan ka ba kapag ako'y bigo't sugatan?

~~~

Sapat na ba na ako ay maniwala
Katulad ng sinasabi't tinuturo ng iba
Paano ko masasabing kaibigan kita
Kung di naman talaga kita lubusang kilala?

~~~

Nasaan ka kapag ako'y umiiyak?
Nasaan ka kapag sinasabi ko sa sarili kong "hindi ko na kaya"
Kapag ako ay nasasadlak
Sa matinding kalungkutan
May pake ka nga ba sa akin talaga?

~~~

Bakit Mo sasabihing kami'y may kalayaan
Kung kapag sumuway naman
Sayo ay may kabayaran?
Matatawag mo bang kalayaan itong tunay
Kung nakasalalay naman ang aming buhay?

~~~

Bakit kailangang may pagdurusang dumaan
Sa buong mundo may pandemyang pumupuksa
Nang milyung-milyong katao sa lupa
Salot na ito'y padala Mo ba?

~~~

Sari-saring pakiwari ang sasabihin ng iba
Padala Mo daw ito para matuto kaming bumaba
Ang iba naman ang sabi ay kakatuwa
Magugunaw na daw ang langit at lupa

~~~

Sa lahat ng nararanasan
ngayon Mo sabihin
Na hindi dapat ako magtanong Sayo
Kung talaga bang totoo Ka at
Nagdidimdim
Nasaan ka ba ngayong makulimlim?

Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

~~~

Kapag taong-simbahan naman ang aking tatanungin
Iisa lang naman ang malimit nilang sabihin
Na ang kailangan mo lang naman
ay maniwala
"Pananalig kahit di mo nakikita"

~~~

Di ko naman kailangang makita ka talaga
Ang kailangan ko ay malinaw na pruweba
Na sa buhay kong ito kumikilos ka nga
At masasabi kong Diyos Kang talaga.

~~~

Alam ko ang ibang tao ay nagtatanong din naman
Ng mga katanungan
na katulad ng aking tinuran
Siguro nahihiya lang sila na "magladlad"
Kase nakamasid sakanila
ang mga "matang-mapanghusga"

~~~

Iyon lang naman ang nakikita kong dahilan
Kung bakit iilan lang ang nangangahas
Na ku-mawala sa tila bakal na kulungan
Sa siklo yata ay di na makakatakas

~~~

Ang katotohanan sa pagtatanong kong ito
Ay gusto ko lang naman na maliwanagan
Makilala Ka nang tagos sa puso
"Gusto kase Kitang maging kaibigan"

~~~

Kung para sa akin lang naman kasi
Sa buhay na ito ay walang silbe
Kung iiral ako na parang wala lang
Gusto kong maniwalang may plano Kang matinde

...para sa akin.

~~~
Blue Riddle
08/16/20
4:12PM

Filipino Slam PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon