Es-Tig-Ma

23 1 0
                                    

Architect, Engineer, Construction boy
IT specialist, Web Developer, Nagre-repair ng sirang relo
College Professor, Lawyer, Tutor sa kabilang kanto
Department Store Owner, Restaurant Owner, Online seller ng okoy

~~~

Alin ang naiba?
Kung isa itong exam sa school baka binilugan mo na.

~~~

Paikot-ikot. Paulit-ulit.
Nakakapagod.
Oo na. Bilog talaga ang mundo.

~~~

Isa ka rin ba sa nabiktima ng ganyang sistema?
Ako kasi, oo. Matagal na.
Bakit kailangan laging tingnan ang propesyon ng tao
Para masabing tama at maayos ang buhay mo?

~~~

Ano bang pinagkaiba ng Engineer sa Construction boy?
Pareho lang naman silang tumatapos ng proyekto?
Eh sa College Professor at tutor sa kanto?
'Di ba parehas lang silang nagtuturo?
Nagtitinda rin naman ng pagkain ang owner ng resto
Baka hindi lang nila recipe ang okoy?

~~~

Mahuhulaan mo ba kung san sila nagkaiba?
Alam kong alam mo. Wag mo nang ikaila
Oo. Tama ka. Doon nga.

~~~

Sa halaga ng PERANG hawak nila.
Na galing sa bulsa ng mapanghusgang-mata.

~~~

Naisip mo na ba kung bakit ang Bangko Sentral
Bakit hindi nalang sila gumawa
Gumawa Ng perang pangkalakal
At sa lahat nalang ay ipamigay
Para lahat tayo pantay-pantay?

~~~

Oo. Kase ang pera kailangang umikot
Kailangan sa ekonomiya at sa merkado
Pero alam mo nakakalungkot
Ang kaisa-isang buhay ng tao
Sa pera nalang pala umiikot

~~~

Kaya tuloy ang mga kabataan ngayon
Kung tatanungin mo kung anong gusto nilang propesyon
Ang sasabihin nila sayo
Ay kung ano ang in-demand ngayon.

~~~

"Gusto ko maging ganto, kasi malaki ang sahod"
"Gusto ko maging ganyan, para makapag abroad"

~~~

Alam niyo, ang hirap nalang magsisihan ngayon
Dahil sa Bagong Lipunan
Tayo talagang lahat ang Lumalason.

~~~

Hindi ko nais bastusin ang mga propesyunal
Pinagpaguran nila iyong tapusin sa pag-aaral
Ang daing ko lang naman ay salitang PAGGALANG
Sa bahagi ng lipunan na kung ituring ay ISANG GATANG

~~~

Hindi mabubuo ng engineer ang building
Kung wala ang Construction Worker na napupuwing

~~~

Walang tuturuan ang Propesor sa kolehiyo
Kung walang "nagpaka-guro" sa gilid-gilid at kanto

~~~

Hindi uunlad ang negosyo ng resto
Kung walang tinderang handang magsakripisyo

~~~

Para sa mga kabataan sa ngayon
Matutunan sana sa akdang ito
Na mangarap maging mabuting tao

~~~

Hindi mo kailangan ang degree at titulo
Para maituwid ang maling ugali mo.

~~~

Kailangan ng salapi habang lumalaki, tama
Pero ang mali ay paghamak sa iba
Dahil lang sa Ikaw ay nakapag-martsa

~~~

Sa mga naging biktima naman ng lipunan
Taas-noo kong sasabihin sa sinuman
Na pantay-pantay tayong lahat!

~~~

Ang mamuhay ng walang ibang tinatapakan
Ay higit pa sa milyun-milyon na kayamanan.

~~~
Blue Riddle
08/17/20
2:08PM

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Filipino Slam PoetryWhere stories live. Discover now