Chapter 4: Friendship

6 0 0
                                    


Lunes na ulit. Ibig sabihin, try outs na sa volleyball team for intramurals. Di na kami nag-uusap ni Chris matapos sa nangyari dun sa mall. Hindi ko din alam if natuloy ba yung planong bowling, pero si Aly yung kasama.

Nagbihis na ako ng uniform for school. First time kong hindi sumabay sa sasakyan nina Chris. Akala ko, sa pagkalabas ko ng kwarto, makikita ko agad si Chris sa bandang pintuan o sa sala namin, pero hindi 'yon nangyari. So, sa pagbaba ko at pagpunta sa dining table para kumain ng almusal, tinignan ako ni mommy. Parang may nasense ata siyang mali ngayong araw na 'to.

"Anak, nag-away ba kayo ni Chris? Sabi kasi ni Manong Edgar, di kayo magkasabay umuwi ng sabado. Tapos kahapon, hindi din siya bumisita. Is there something wrong between you two?" She asked me curiously.

Kumain muna ako ng waffle. As I swallowed it, I answered her as well. "Wala naman, mommy. He's extremely busy, besides time na kasi ng intramurals, kaya abala siya sa practice, tapos ako naman busy sa pagd-drawing ng banner. Sinabihan ko siya na huwag akong abalahin," kinapos ako ng hininga sa explanation na 'yon. Ayaw ko din sabihin yung totoo kasi alam ko naman yung irereply ni mommy, "only friend mo na lang yun, mag-aaway pa kayo. Ayusin niyo yan,", ganoon. So, I denied na lang to mom, besides I guess magbabati naman kami today.

"Okay, baby. Ang defensive mo naman masyado," she laughed. "Di ba kayo sasabay papuntang school?" she asked me again. I shook my head as my response. She didn't ask for more kaya nag toothbrush na ako and sumakay sa sasakyan ni Manong Edgar patungong school.

Medyo natatakot ako sa mangyayari ngayong hapon. Dinala ko na yung sports attire ko for volleyball tryouts mamaya kasi parang ang hassle if uuwi pa ako para kunin yon. Sa pagpasok ko sa classroom, nakita ko agad si Chris. Shocks, nakalimutan kong magkatabi pala kami ng upuan sa classroom. Di ko din inakala, tinitignan pala ako ni Chris. Parang gusto niya akong tulungan kasi napakadami yung dinala ko--- yung banner, gym bag na laman yung sports attire ko, and yung backpack ko na laman yung books ko for school. Kahit na intramurals month ngayon, may classes pa rin.

Napanguso nalang ako and umupo sa upuan ko without looking at him. Kinuha ko ang libro ko at doon lang ako nakatingin hanggang sa dumating yung teacher.


Recess time na. Supposed to be, sasabay ako ni Chris to get some snacks, but I guess, this time, I'll be alone. Sanay naman din ako dito. Like, I am introverted so di ako nahirapang mag adjust. Mga slight lang, I miss his presence. Bumili lang ako ng paborito kong choco drink at mamon, para maging masaya din ako kahit papaano.

Pagpasok ko ng classroom, may nakita akong pagkain sa desk ko. Yung paborito ko din yung nasa desk, yung favorite choco drink ko and mamon. Sino ba naman ang mags-send ng paborito ko? Eh, isa lang naman ang nakakaalam neto eh. Ano 'to, peace offering?

Sa paglapit ko pa dun, may nakita akong note attached sa mamon. Kinuha ko yung note, and may nakasulat na,

"I'm sorry pagong. Bati na tayo please.

Ic-cheer kita mamaya sa try outs. -Unggoy, C."

I tried to suppress my smile by biting the inside of my cheeks, pero hindi yun nag work. Napangiti ako sa effort niya. Alam ko na 'to eh. Eto lagi yung ginagawa niya if there is something wrong between us. If he is sulking naman, tamang ice cream na matcha or cookies and cream flavor, with chips, sapat na.

Nung dumating si Chris sa upuan niya, tinago ko agad yung bigay niyang pagkain. Di ko parin siya tinitignan. As much as I want to say thanks, magpapakipot muna ako. Kakausapin ko siya sa tryouts, promise.

I noticed na bumuntong hininga siya. Akala niya siguro na kakausapin ko na siya after giving me those, but it didn't turn out as expected. Palihim akong tumawa at hinintay yung next subject.

After the classes, nag prepare na ako for the tryouts. Kinakabahan ako. Sana kinausap ko na lang si Chris nung dumating siya kanina. If ginawa ko yun, for sure andito na siya ngayon para pakalmahin ako.

Lumakad ako patungong covered courts ng school namin. Nag warm up muna ako para pakalmahin yung sarili ko. Pagdating ko sa benches, may nakita na naman ulit akong sports drink, face towel at isang note.

"Para ma energize ka. Look at your right side. -C"

Tumingin naman agad ako sa bandang right side ko. Nagulat ako nung nakita ko siya, at may hawak na banner. Ang nakalagay,

"Di dapat mag kukupad-kupad! Laban, Carrie!"

Ngumiti ako sa kanya at nag "fighting" action. Nagulat siya sa ginawa ko, kasi nga diba we are not in good terms? Natawa nalang ako sa reaction niya, kaya mo 'to, Carrie. Game face on.

Ang tanging paraan para makapasok ka sa team is padamihan ng individual scores. It would be similar to volleyball games, may teams however it would depend to your individual performance, if natalo yung team mo, may pag-asa ka pa ring makapasok sa team.

Nakita ko si Aly na nasa benches, tinitignan ang bawat isa sa amin na nasa court. Tinignan niya din ako. She just smiled at me, waved and mouthed, "kaya mo yan!"

Nag whistle na yung referee, ibig sabihin we need to shake our opponent's hands para malinis, at fair ang game namin. We just smiled and each other and nagpapasahan lang kami ng goodluck sa isa't isa. It was helpful, though.

Napakapit ako sa aking tuhod at pinapakinggan ang aking hininga. Yung kalaban ang unang mag serve. Sa pag serve niya, sinalo agad ng kasama ko at pinasa ang bola sa katabi niya. I know this technique, ibig sabihin nito, ipapasa na sa kalaban, so sinenyasan niya ako na mags-spike. Sa pagspike ko naman, di nasalo sa kalaban, kaya sa amin yung point. Narinig ko naman ang sigaw ng bestfriend ko. Napakasupportive naman! Natawa nalang ako.

Kami ang nanalo sa first set, and second set. Third set na ngayon, and match-point na. Ako ang mags-serve. Humahabol ako sa hininga ko, and tinignan ko si Chris na nasa gilid ng bench. He shouted "GO PAGONG! TAPUSIN MO NA 'YAN!" while clapping his hands. Ngumiti lang ako sa kanya and the referee whistled, ibig sabihin pwede na mag serve. As I hold and serve the ball, pinikit ko yung mga mata ko. Until, I heard a whistle. Ibig sabihin, its either na service error ako or hindi nasalo sa kalaban yung sinerve kong bola. Unti-unti kong binukas ang aking mata, at nakita ko ang aking mga kasama na nagdiriwang sa harapan ko, dahil nanalo pala kami.

Nakahinga ako ng maluwag. Nag shake hands agad kami sa opponent namin and they congratulated us on our win. Pagkatapos nun, pumunta na agad ako sa bench at inubos yung sports drink na binigay ni Chris sa akin. Nakita ko naman na tumatakbo ng mabilis si Chris patungo sa akin and he hugged me tight.

Hinampas ko agad siya, "hoy, di ako makahinga!" 

Niluwagan naman niya yung pagkakayakap niya sa akin pero di pa rin siya bumibitiw. "Congrats, Carrie! For sure, makakapasok ka! Ang galing ng performance mo! Baka nga ma endorse ka pa nga para sumali sa varsity,"

I shooked my head. "Kahit na maglaro lang ako for intramurals, okay na 'yon. Ginagawa ko naman to para sa'yo eh." Napanguso ako. "Para mas maipursue mo si Aly."

Natawa naman siya sa sinagot ko. "Ano ka ba, kaya ka nga galit dahil mas sinamahan ko pa si Aly kaysa sa'yo. Pasensya na, Carrie ha?"

I smiled, "basta ikaw, di kita matiis eh!"

And just like that, isa ang natutunan ko mula sa away naming dalawa; na kahit magkagalit kami, suportado pa rin kami sa isa't isa. We are born and tied with this blissful friendship. 

--

Short update ulit. I'm sorry. 

To Have and To HoldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt