20: WALK

209 6 0
                                    

AGNES

Exhibition matches are usually done for a cause. Yung malilikom na pera from tickets na babayaran ng viewers ang magiging donation for the chosen receipient ng organization.

Ngayon ko nga lang nalaman na receipient din ako dati nung panahong under coma pa ako. Yeah, that is one of the many ways volleyball community has done to give back.

"Anak, pasensiya na raw at hindi na tayo nagkasama-sama ng mga kapatid mo. Alam mo namang pare-pareho nang busy ang mga yon ngayon eh" sabi ni Mama at lumabas mula sa kwarto niya bitbit ang isang sobre

We went here sa Baguio a day after namin dumalaw ni Pat sa Laguna. Kina-career talaga namin maglakwatsa habang may libreng oras pa.

"Ayos lang po Ma, naiintindihan ko" sabi ko

"Napagod yata kayo sa byahe, magpahinga muna kayo" alok ni Mama sa amin

"Opo Tita, sige po mamaya po siguro ng konti" Pat said

"Nga pala anak, ipinapabigay ng mga kapatid mo sa'yo. Sana maappreciate mo" Mama gave me the envelop that she got from her room. Nagtataka man ay tinanggap ko iyon

"Anong pakulo to?" Tatawa tawa kong tanong at inusisa ang laman "Ano to? Suki Tindahan Card?"

"Baliw!" Mama laughed "ATM Card mo yan. Nag-ipon yung mga kapatid mo galing sa sweldo nila at yun yung laman niyan ngayon. Para sa'yo iyan, para may allowance ka habang hindi ka pa makapag trabaho"

"Seryoso?" Hindi ko makapaniwalang tanong

"Maybe it's their way to say thank you sa mga efforts mo for them" Mama said. Hindi ko naman alam ang mararamdaman ko, matutuwa ba ako, magiging proud, or what?

———

After having short welcoming conversation with Mama, Pat and I decided to go for a walk. Wala lang, para kasing namiss ko bigla yung atmosphere ng Baguio streets. Atsaka nakalimutan ko bigla yung pagod sa natanggap kong regalo mula sa pamilya ko.

"Remember what you told us about sa pakikisama at respeto? I guess everyone has it deep inside them. Look at your siblings, alam mo I really think that it's a sweet gesture na magplano silang pag-ipunan yung allowance mo nang kusa. Pero hindi naman sila magiging ganun ka-sweet kung hindi ka nila nirerespeto bilang ate nila di ba?" Pat said in the middle of our walk. Inakbayan ko naman siya at napangiti nang maalala ko nanaman yung Suki Tindahan Card ko.

"I agree. Grabe nga yung kilig ko kanina nung naririnig ko yung kwento ni Mama, para akong nakapagpagraduate ng anak sa sobrang sarap sa puso"

"Naks, mommy material!" She teased me

"Weh? So pwede na tayo magkapamilya niyan?" banat ko at tumawa

"Sira" naiiling niyang sabi pero kita kong namula rin siya

"Si Pat Lasaten ba yun? Uy si ate Pat nga!" Two teenagers from a distance exclaimed at dali dali kaming sinalubong. Tinanggal ko naman agad yung akbay ko kay Pat. Bakit ko ba nakalimutang sikat tong girlfriend ko?

"Ate Pat pwede pong pa-picture?" One of them asked

"Sure"

"Picturan ko kayo" alok ko pero pinigilan ako nung nagpapapicture

"Ay ate Agnes pwede rin pong pa-picture sa inyo?" Nagtataka man ay um-oo nalang ako. Sikat din ba ako? Bakit nila ako kilala? Luh!

UnbreakableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon